Chapter 51

20.1K 409 11
                                    


Sinundan kona lng si Lux dahil baka mawala na naman iyon bigla. Nakita kong sasakay na sana siya sa kanyang kotse ng biglang may tumutok na baril sa ulo niya. Napasinghap ako ng makita kung sino iyon! Si Kianna? Anong ginagawa niya dito? Bakit niya iyan ginagawa?

Nagsilabasan ang mga lalakeng nakamaskara at agad na pingsusuntok si Lux habang ako ay lalabas na sana ng may humila saakin at biglang tinakip ang kamay saaking bibig.

0.0

Si Adri-an!

Anong ginagawa niya dito? Sasaktan niya din ba ako? Kakampi niya ba ang mga lalakeng iyan! Tangina!

Nanatili kaming ganoon hanggang sa may narinig akong umalis na mga kotse. Inalis na ni Adrian ang kamay niya sa aking bibig habang ako ay umatras.

"An-ong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Lumapit siya saakin. "Alam ko kung saan si Lux dadalhin."

Tiningnan ko ang mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo or nagsisinungaling.

"Gusto ko ng itama ang lahat ng ito Sabrina. Maniwala ka sana saakin."

Napabuntong hininga ako at tumango.

"Pero bago ang lahat itext mo muna ang mga kaibigan ni Lux sa sasabhin kong address. Bilisan mo at aalis na tayo ngayon dahil nararamdaman kong may nakamasid saatin!" sabi niya at nagmamadaling pumunta sa kanyang kotse.

Sinunod ko ang utos niya. Diba may tracking device sila? Pero hindi ko nakitang may suot na relo si Lux! Inalis niya ba iyon? Tangina bakit ngayon pa!

Pagkatapos kong itext ang mga kabigan ni Lux ay sumakay na ako sa kotse ni Adrian.

"Bakit ka nandito? Anong pakay mo?" Nakakapagtaka lng kasi kung bakit siya nandito at sakto pa talaga sa pagkidnap kay Lux.

Tiningnan niya ako.

"Sinusundan ko si Lux." sagot niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit?

"Dahil gusto ko siyang makausap."

"Gusto kong sabihin na si Caina ang nag utos saakin na patayin siya. Naging bulag ako! Hindi kona alam ang pinaggagawa ko noon at dahil dun kaya namatay si Adriana. Kasalanan ko ang lahat ng to. Napakatanga ko dahil binalikan ko siya!" sabi ni Adrian na punong puno ng pagsisi.

Bakit gustong ipapatay ni Caina si Lux? Bakit ang raminng gustong pumatay kay Lux?!

"Bakit gustong ipapatay ni Caina si Lux?" tanong ko.

"Dahil mahal niya si Kian." saad niya.

Kian? Sino iyon?

"Si Kian ang kapatid ni Kianna. Sa una pa lng nung magkakilala kami ay plano na talaga iyon ni Caina dahil alam niyang isa akong leader ng isang gang. At dahil hindi siya nagtagumpay ay hiniwalayan niya ako at nagpakalayo layo. Hindi ko alam na bumalik pala siya at nung mga panahong iyon ay girlfriend kita habang siya ay pinapahulog si Lux sakaniya. At nagtagumpay naman siya sa plano niya kaso hindi niya mapatay si Lux dahil nagkaroon siya ng feelings dito." kwento ni Adrian.

Natulala ako sa mga nalaman ko. Napakasama ng babaeng yun! Tangina! Bakit di pa siya kunin ni Satanas?

"Nagawa niya lng din iyon dahil sa labis na pagmamahal niya kay Kian. Dapat ng mamatay ang Kian na iyan dahil siya ang puno't dulo ng lahat ng gulo na ito." galit niyang sabi.

"Wag mo ng ulitin ang bagay na ginawa mo Adrian, alam mo masama iyan at alam mong nakikita ka ni Adriana."

Tiningnan niya naman ako at ngumiti.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon