Chapter 9

29.9K 627 4
                                    


Pagkatapos ng discussion tungkol sa party ay nagsilabasan na kami dahil break time na. Agad na nagsilapitan saakin ang mga kaibigan ko na agad kong kinairita.

"Princess! Waah! Narinig mo ba yun?? Mag peperform tayo!! Yeeey! Tagal ko ng di nakakagamit ng guitar ko!"

"Kyaah! Oo nga eh! Im so excited na damn,"

Di naman halata na excited sila tsk. Buti pa ang mga to at sobrang nasasabik na habang ako ay nag iisip pa din kung ano bang posibleng mangyare sa Acquaintance party na iyon.

"Ayokong sumali! Di naman ako mahilig sa party diba? And besides si Pierre na lng ang vocalist nyo!" sabi ko at agad na natigil ang kasiyahan nila.

"What? Princess naman eh! Have you not heard it? Ma'am said that all the transferees needed to perform! Wag kang kj!" nakasimangot na sabi ni Blake.

"A-Y-O-KO!" 

Naalala ko ang una kong araw sa school na to! May balak rin ba silang gawin sa kanila ang ginawa saakin? Psh! Lagot sila kapag ginawa nila iyon sakanila! Alam kong hindi basta basta ang mga kaibigan ko.

"Let's go to canteen first! Im hungry!!" ani ni Pierre kaya napagdesisyonan namin na dun na lng kumain. May canteen naman sa second floor kaya no worries.

"Sabby!"

Napatingin naman kaming lahat kung sino ang tumawag saakin. Si Demi pala.

Nakatingin lng ang mga kaibigan ko kay Demi at parang naweirduhan dahil may lollipop na naman to sa bibig nya. That's her drug! She's addicted to lollipop.

"Waah! Sabby! I miss you!" sabi nya at nakibeso sakin.

Ngumiti lng ako dahil di ko naman siya namiss.

"Ehem!"

Napatingin naman ako kay Red at napailing.

"Hey! I'm Red!" pagpapakilala ni Red at inayos ang uniporme nya at ngumisi na parang timang. Tiningnan lng sya ni Demi ng nakakunot noo.

"Pakilala mo naman kami sakanya Sab!" sabi ni Santi. Tumango lng ako at ipinakilala na sila kay Demi. Sus kilalang kilala kona ang mga to eh! Pag may chix talaga ganiyan mga galawan nila.

"Demi, this is Santi, Red, Blake, Liam and Pierre!"

Ngumiti lng naman si Demi at kumaway sakanila except kay Red.

"I'm Demi Leigh Crux! By the way guys, you want lollipop??" nakangiting alok ni Demi.

Di ba masisira ang ngipin nya? Lagi na lng sya kumakain ng lollipop eh.

"Ako! Gusto ko!" presinta ni Red. Ngumiwi lng si Demi at di pinansin si Red. Tangina laughtrip!

"Ayy ubos na pala yung stock ko sa bag! Sorry!" sabi ni Demi.

Natawa na  lng ako sa sinabi ni Demi. Habang si Red ay napanguso.

"Pwede naman yang sayo eh!" sabi ni Red at ang gago ay naglipbite pa. Nag middle finger lng si Demi at tiningnan ako. Wow gumaganiyan din pala siya! San niya yan natutunan? Sa kuya ba niya?

"What the heck! What's your problem to me?" naiiritang tanong ni Red.

"Sabby! Tara kain na tayo! Dun tayo ulit sa table nila kuya!" aya nya saakin na parang walang narinig galing kay Red.

Tiningnan ko naman ang mga kaibigan ko.

"Kuya? Tara dun tayo sa may kuya mo para naman makilala nya na ang soon to be brother-in-law nya!" bawi ni Red at kinindatan si Demi.

Binatukan ko na lng dahil dumadamoves na naman ang isang to! Tsk! Playboy kasi!

"EXCUSE ME??!" sigaw ni Demi.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon