Chapter 29

24.6K 495 36
                                    


"I like you." sabi niya habang nakatitig saakin na parang ako lng yung babaeng magugustuhan niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin naman ako dito. Agad ko namang binawi ang kamay ko at iniwas ang tingin ko.

"I-m sorry! Hanggang kaibigan lng ang tingin ko sayo."

Bigla siyang nalungkot at nakita kong para siyang nasaktan.

"Ok! Cut!" biglang sabi ni Calix kaya naman ay nakahinga na ako ng maluwag.

Tangina kinakabahan ako sa di malamang dahilan. Feeling ko ay nanlalamig ako!

"Ang galing! Ba't di na lng kaya kayo mag artistang dalawa? Nakakadala kayo! Tangina!" naluluhang sabi ni Ford.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksiyon niya.

"Ang galing mo princess!!" sabi ni Santi.

Nandito pala kami ngayon sa bahay ni Calix para magpractice ng sa play. Ako, si Lux, Calix, Ford, Santi, at Ivan ang nandito sa bahay ni Calix para magpractice para sa play. Yung iba ay nasa school dahil sila muna ang umaasikaso sa booth ng section namin. Ano na kayang ganap don?

"So magpahinga na muna tayo at kumain ng snacks, alam kong gutom na kayo especially si Lux and Sab." sabi ni Calix.Ay totoo yan Calix!

Kaya naman pumunta na kami sa kusina para kumain na.

Mamaya ay pupunta pa ako sa favorite pastry shop ko dahil magpapagawa ako ng cake. Nag text kasi si Mommy na ako na lng daw ang bahala sa cake dahil baka daw barbie ang ipagawa nila! Tsk! Spongebob ang gusto ko eh!

Pagkaupo namin ay agad akong kumuha ng fries at kinain ito. Nagpa delivery na lng kami sa Jollibee dahil busy kami kaya walang magluluto. Yung kasambahay sana nila Calix kaso ay day-off  ang mga ito.

Habang kumakain kami ay pinag usapan lng namin ang mga gagawin namin para sa play at sa mga susuotin. Sabi ni Calix ayos lng daw kung casual lng ang susuotin namin kasi wala naman dun na kailangan ng gown or ano.

"Btw, malapit na pala ang birthday mo princess!" excited na sabi ni Santi.

Bigla naman silang napatingin saakin dahil sa sinabi ni Santi.

"Oo nga pala noh sa Sunday yun diba?" tanong ni Ford.

Tumango lng ako.

"Anong theme? Nasaan ang inivitation namin?" tanong ni Ivan.

Masiyado silang madaldal, ba't hindi na lng sila kumain? Mukhang sila pa yung excited sa birthday ko habang ako ay hindi.

"Sa Saturday ko na lng sainyo ibibigay."

Biglang humagalpak ng tawa si Lux na parang nasasaniban ng masamang elemento. Tangina napaka creepy niya!

"Anong nangyayare diyan sa kaibigan niyo? Ayos paba yan?" I asked them at tumawa lng naman sila.

"Ala-m niyo naman ang theme tinatanong niyo pa!" sabi niya na tumatawa pa rin.

"Malamang Spongebob!" dagdag niya pa at humawak na siya sa tiyan niya dahil sa pagtawa. Tangina! Sana ay umutot ka diyan mamaya dahil sa kakatawa mo!

Ako naman ay tiningnan lng sila na parang sila na yung pinaka weird na mga tao sa mundo. Bakit nila pinatatawanan si Spongebob? Tsk! So ano naman kung Spongebob?

Mas maganda nga pag ganun eh kaso ayaw naman nila Mommy dahil simula nung bata ako ay Spongebob daw ang palaging theme ng birthday ko. Pero ngayon ay sila na ang bahala sa theme basta ang gusto ko Spongebob ang cake ko.

"Tumigil nga kayo para kayong mga baliw eh!Bilisan niyo na ngang kumain!" iritable kong sabi at tumayo na.

Pumunta na lng ako sa may poolside dahil nakakarelax tingnan ang tubig. Nang bigla kong maalala ang nangyare sa pool noon. Natawa na lng ako at ibinaba ang paa ko sa pool.

*Splash*

(A/N: Tunog po yan ng nahulog sa pool, iimagine niyo na lng po)

Agad akong umahon sa pagkakahulog ko sa pool. Tangina!

"Shit! Sinong tumulak saakin ha?!" galit kong sigaw.

Napatingin naman ako kay Lux na nagpipigil ng tawa niya at umiiwas ng tingin. Agad ko siyang nilapitan at sinapak.

"Gago ka talagang Hello kitty ka!" sabi ko at tiningnan ang suot ko.

Pagkatingin ko sakanya ay nakita ko siyang nakatitig sa katawan ko kaya naman sinapak ko siya ulit.

"Manyak!"

Naka white plain v-neck shirt lng pa naman ako ngayon at shorts kaya naman baka bakat ang suot kong bra.

Bigla naman siyang humubad kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Ano ba?! Bakit ka naghubad?!" sigaw ko.

"Maghubad ka."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Anong gagawin niya? Fudge! Kaya naman napaatras ako at tatakbo na sana ng magsalita siya.

"Magbihis ka isuot mo tong tshirt ko baka may makakita pa sayo." sabi niya at umalis na.

Ano daw? What the F?!

Baliw talaga yung lalakeng yun eh! Kasalanan niya kasi to eh!

Nagbihis na lng ako ng tshirt ko sa C.R. Ang laki ng tshirt niya at ang bango sobra. Nakakaadik talaga. Naalala ko dati ng pinagsuot niya din ako ng tshirt niya. Ano bang pabango niya?! Paano naman kaya ang shorts ko? Basa rin to eh.

Pagkalabas ko sa C.R ay nakita ko yung mga ugok na naliligo na sa pool. Nakita ko si Lux na nakaupo lng at nakatingin sa mga kaibigan niya. Topless pa din siya ngayon!

Aba ba't hindi siya makihiram ng damit kay Calix at ibinabalandra niya pa talaga ang katawan niya!

"Sab! Ba't suot mo ang damit ni Lux?" usisang tanong ni Calix.

"Tanungin niyo yang baliw niyong kaibigan!" sabi ko at nag walk out.

"San kana pupunta princess?" tanong ni Santi na nakikijoin rin sa pagligo kila Calix.

"Aalis na ako may pupuntahan pa ako eh." sabi ko.

"Sige bye! Lux ihatid mo na si Sab."

Hindi naman na ata kami magpapractice na kasi kanina pa kaming umaga nagpractice. Alas kwatro na ng hapon at kailangan ko ng pumunta dun sa Pastry shop.

Dala dala ko talaga yung damit kong nabasa habang suot kopa din ang shorts ko. Siguro naman ay may extra ako sa kotse? Sana nga ay meron!

"Hey! Ihahatid na kita!" sabi ni Hello kitty sa likod ko.

Kaya naman humarap ako sakanya at agad na iniwas ang tingin sakanya dahil wala parin siyang suot na tshirt! So ihahatid niya ako ng topless? Tangina hindi ko na talaga maintindihan kung anong nangyayare sa lalakeng to?!

"Huwag na kaya ko naman mag isa! Atsaka magbihis ka nga!" 

Bigla naman siyang tumingin sa katawan niya.

"Bakit? Anong problema kung ayaw kong magdamit?" tanong niya habang naka smirk.

"Ang laswa tingnan!" sabi ko.

"Hoy! Fyi, maraming nag hahangad na makakita ng katawan ko at swerte ka dahil nakita mo!" nakangisi niyang sabi.

"Hindi ko naman hinangad na makita ang katawan mo. Marami na akong nakitang ganiyan at yung iba nga ay mas maganda pa ang katawan sayo." mataray kong sabi.

Tiningnan niya lng ako ng masama. Oh bakit? Akala niya naman ay gustong gusto kong makita ang katawan niya.

"Sino?"

Nagtaka naman ako sa tanong niya. What does he mean by that?

Inirapan kona lng siya at tumakbo na papalayo roon. Baliw!

End of Chapter 29~

Lovelots<3

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon