Chapter 45

22.5K 527 50
                                    


Pagdating ng hapon ay nauna na akong umuwi sakanila dahil aalis kami. Hindi na ako nakapag paalam sakanila ng maayos dahil anong oras na.

Pagdating ko sa bahay ay ready na yung dalawa. At ako na lng ang hinihintay.

"Omygosh couz! Mabuti naman umuwi kana! Magbihis kana para makapagbiyahe na tayo." excited na sabi ni Farrah.

Tumango na lng ako at pumunta na sa kwarto para magbihis. Nagsuot na lng ako ng shorts then loose tank top na may tube sa loob. Pagkakuha ko sa aking mga gamit na dadalhin ay bumaba na ako.

"Let's go!" sabi ni Farrah na nauna ng pumunta sa kotse.

Pagkasakay ko sa backseat ay agad kong tinext si Mommy and Daddy na nakaalis na kami. Nagpatugtog na lamang si Farrah gaya ng nakagawian tuwing babiyahe kami. Habang ako ay nakatingin lng sa labas ng kotse. Tinitingnan ko ang papalubog na araw.

Maya maya ay nagdrive thru kami sa Mcdonalds para makabili ng makakain. Pagkatapos non ay nagdrive na ulit si Froy habang kami ni Farrah ay lumamon na.

Si Farrah ay sinusubuan na lamang si Froy. Ako naman ay natatawa dahil naiinis na si Farrah dahil di na siya makakain ng mabuti kasi everytime na isusubo niya sana yung pagkain ay nagsasabi si Froy na sakanya na lng.

"Froy gusto mo ako na lng muna magdrive para makakain ka ng mabuti atsaka matulog kana rin para mamaya palitan na lng tayo ulit." suggestion ko.

Pumayag naman si Froy at itinigil muna ang sasakyan at nagpalitan na nga kami.

"I wan't t be a billionaire so freaking bad..." sabay ni Farrah sa kanta.

"Stop singing Farrah! Pano na lng kung umulan!?" nang aasar na sabi ni Froy sa kakambal niya.

"Grabe ka sakin! Tingnan mo Sabrina oh! Inaaway ako!" sabi ni Farrah sabay senyas saakin na ipagtanggol ko siya.

"Stop it you two, ok?! Matulog na lng kayo!" saway ko sakanila dahil baka ay kung ano pang mangyare.

Inirapan lng ako ni Farrah. Pero agad niya rin naman akong kinausap.

"Couz I bring 2 pairs of swimsuit! Baka kasi wala kang dala!" aniya.

Napataas lng ako ng kilay. Hmm maraming beses na rin akong nagsuot ng swimsuit pero pag tuwing kasama ko lng ang family ko.

"Meron rin ako Farrah! Ako pa ba!"

Tumawa si Farrah. "I forgot na palagi ka palang ready." Tumawa na lng ako dahil tama siya.

Napangiti ako ng makitang tulog na si Froy. Mahaba habang biyahe to. We're going to Sorsogon! Dun ang napagplanuhan dahil may pink sand daw don.

Maya maya ay dinalaw na ako ng antok kaya naman nakipagpalit na ako kay Froy at natulog sa backseat.

Bigla akong nagising ng biglang may kumalabit saakin. Pagkatingin ko ay si Farrah pala.

"Omygosh we're here na! Mag check in na muna daw tayo then punta tayo mamaya sa beach!" excited na sabi ni Farrah.

Napatingin ako sa paligid. Madilim pa...

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 4:00 na ng umaga. Lumabas na ako sa kotse at pumunta na kami sa isang sikat na resthouse dito sa Sorsogon.

Napaawang ang bibig ko ng makita ang dagat! I was mesmerized ng makita iyon. Kahit na mag uumaga pa lng ay makikita mona ang kagandahan ng dagat. Napangiti ako ng maramdaman ang simoy ng hangin na malamig lamig dahil mag uumaga na.

I can hear the waves too! Tangina gusto kona maligo! Nakakamiss ang dagat!

Pumasok na ako sa magiging room namin ni Farrah. Si Farrah ngayon ay busy magpicture habang si Froy ay busy sa mga ibang gamit namin. Natuwa ako ng makita na kitang kita ang dagat dito sa room namin!

Agad ko iyong kinuhanan ng picture at nag upload sa Instagram. Nagulat ako ng makitang nag comment doon si Lux. Nakafollow pala ang isang to saakin?

Feeling ko namula ako! Walangya talaga tong Hello Kitty na 'to!

Lux Danielle: Where are you?

Sabrina Wane: Gago! Bawal ka dito! Takot ang mga pusa sa tubig!

Nagtagal ng ilang minuto ang pag aaway namin sa commmet box.

Lux Danielle: Porket nakatira ka sa ilalim ng dagat!

Napailing ako at tumawa na lng. Maya maya ay nag offline na ako at nahiga muna sa kama. Hindi ako makatulog letse kasi yang Lux na yan! Kaya naman napagdesisyonan kona lng na magpalit na ng damit.

I decided to change na magpalit na ng one piece para makapag swimming na ako pero pinatungan kona lamang muna iyon ng beach dress baka kasi di pa ready sila Farrah. Ayoko naman na mauna. Nilugay ko ang buhok ko then lumabas na ako.

Pagkalabas ko ng room namin ay nabigla ako ng makitang ready to go na si Farrah tulad ko ay nakabeach dress rin siya at kita ang kanyang stringed swimsuit. Tumalon siya ng makita ako at agad akong hinila palabas.

Natawa ako dahil mukha siyang bata.

O.O

Wtf?! Anong ginagawa nila? Tiningnan ko si Farrah at agad siyang nagpeace sign saakin.

"Hehehe sorry couz! Mas maganda kasi pag marami tayo!" sabi niya sabay ngisi.

Tiningnan ko kung sino ang mga naroon. Si Pierre, Ivan, Ford, Calix, Red at mas lalong nakakagulat dahil nandito rin si Lux.

Wtfreak?! Hindi sa ayaw kong nandito sila pero akala ko ay makakapagrelax ako na hindi ko sila nakikita!

Umalis na lamang ako doon at agad na pumunta sa dagat. Ewan! Bahala sila sa buhay nila! Gusto kong magbabad sa dagat! I want to enjoy this moment!

Nawala ang mga problema ko ng makita ang ganda ng dagat .

It has a pink sand! Kanina ay hindi pa kita iyon pero ngayon ay kitang kita na ang kulay nitong pink. Kakaiba iyon sa mga napuntahan naming beach!

Tumingin ako sa paligid. Marami ang mga tao pero tingin ko ay wala naman silang pake kung maghubad ako dito and besides karamihan sakanila ay naka swimsuit.

Agad kong naimagine si Lux na may kasamang babae na nakaswimsuit. Napailing ako at hinubad na ang beach dress na suot.

It revealed my nude color one piece. Nilagay ko muna sa isang tabi ang dress at maliligo na sana ng may narinig akong sipol.

"Ang hot mo princess!"

"Witwiw"

"What the fvck?! Stop it!"

Tug tug tug

Fudge!

Hindi ko na alam ang sasabihin kaya naman lumusaw na ako sa dagat. Gusto kong magpakalayo layo kaya pumunta ako sa malalim na parte. Marunong ako lumangoy since I was a kid kaya ok lng kung pumunta sa malalim pero agad din akong bumalik sa medyo di malalim dahil baka mapulikat ako.

Napatingin ako sa may parte ng puno ng niyog. Nakatayo siya roon at nakatanaw saakin.

Hindi nga pala siya marunong lumangoy. Teka! Nasan na yung mga gago at bakit siya na lng ang nandiyan? Don't tell me pinaalis niya ang mga yon?!

What a possessive Hello kitty boy! Feelingera ko naman agad Sabrina!

End of Chapter 45~

Lovelots<3

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon