Chapter 46

21K 532 24
                                    


Naglakad ako papunta sakaniya na puno ng kaba. Nakakahiya naman kasi eh! I'm confident naman sa katawan ko kaso sadyang nahihiya lng ako kay Lux! Ay ewan!

Para naman kasi akong matutunaw sa titig niya! Shit sino ang di kakabahan don? Atsaka mukha siyang galit.

Nabigla ako ng bigla niya akong hilahin palapit sakaniya ng makalapit ako.

Tug tug tug

Oh my fvcking heart!

"Bakit ganiyan ang suot mo? Tsk! Next time wag ka ng magsuot ng ganiyan!" galit niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Di ko alam kung kikiligin ba ako or maiinis.

"Excuse me? Ganito naman talaga ang sinusuot kapag nagsiswimming!" defend ko.

"Ayos lng naman sana kung magsusuot ka ng ganiyan kaso dapat pag tayong dalawa lng! Masiyado kang sexy kaya ka pinagtitinginan eh! Baka di ako makapagpigil."

After he said that ay tinarayan niya ako at biglang nag walk out. Aba! Masiyadong possessive!

Ako naman tong gaga at sinundan siya... Tumigil siya sa paglalakad ng mapansin na sumusunod ako at tiningnan ako ng nakataas kilay.

"Bakit mo ako sinusundan ha?! Sasama ka sa C.R?" tanong niya.

Feeling ko biglang namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan kaya naman agad akong tumalikod at umalis na doon. Tangina!

Nagbihis muna ako at naupo sa isa sa mga sun lounger ng resort. Gusto ko lng muna pagmasdan ang dagat at ang mga tao.

Papalubog na rin ang araw kaya naexcite ako dahil sa view.

May mga pamilyang nandoon at enjoy na enjoy na nagkekwentuhan. May magbabarkada rin na puro tawanan. Napangiti ako sa mga ekspresyon nila, mukhang mga walang problema. Well, ganiyan talaga siguro kapag nag eenjoy ka, nakakalimutan mo yung mga problema.

Agad kong kinuha ang aking camera ng makita na ang pagiging orange ng sky na may pagkapink dahil sa papalubog na araw.

*Flash*

Nabigla ako ng biglang may nagflash na camera at nakitang si Lux ang kumuha nun. Ngiting ngiti siya habang nakatingin saakin at sa DSLR niya.

"Hoy! Gago idelete mo yan!" sigaw ko at tatakbo na sana ako ng kumaripas siya ng takbo palayo saakin.

Shit! Ang pangit ko don sigurado! Letcheng Lux yan!

After an hours... Ay naisipan ko nang bumalik sa loob ng resort, kakain na muna ako dahil nagugutom na ako. Tangina nasaan na kaya si Lux! Tsk! Humanda siya pag nakita ko siya!

Naabutan kong nakatulala si Farrah habang kumakain. Hindi ko nakita si Lux doon at amg mga kaibigan niya! Siguradong nagtatago iyon ngayon!

Lumapit ako kay Farrah at nabigla ako ng bigla siyang mag walk out. Hmm anong nangyare? Bakit ang raming nagwowalk out ngayon? Anong ganap?

Di kona alam kung anong nangyayare sa mga tao ngayon eh! Puro lovelife ang problema! At isa na din ako. Hayst buhay parang life!

Napailing na lng ako at nag order muna ako ng pagkain at maya maya lng ay dumating na ang order ko.

Napangiti ako ng makitang ang rami ng inorder ko. Shit bahala na kung maging bloated ang tiyan ko!

Kakain na sana ako ng biglang may umupo sa may harapan na upuan. Napakunot ang noo ko ng makitang si Red iyon at agad na kinuha ang chicken ko. Huli na ng mapansin ko iyon! Dahil titig na titig ako sa hipon na nakahain! Nakakatakam!

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon