Chapter 52

19.8K 437 13
                                    

Third Person's POV

Nagkakagulo ngayon ang magkakaibigan sa natanggap na mensahe mula kay Sabrina.

"Pumunta na tayo don!" suhestiyon ni Ford.

"Kailangan nating magplano hindi pwedeng basta basta na lng tayo susugod." kalmadong sabi ni Pierre.

Nagkatinginan silang lahat at nagplano na nga bago sabay sabay na pumunta sa lugar na sinabi ni Sabrina.

"Mapapasabak na naman tayo nito!" excited na sabi ni Calix.

"Ito na ang huli nating laban dahil bubuwagin na ni Lux ang gang natin." Ivan.

Bigla naman napatingin ang lahat sakaniya at nagulat ito sa kanyang sinabi.

"Bakit?"

"Dahil ayaw niya ng may mapahamak pa ulit. Katulad ng nangyare sa kapatid ni Adrian. Matagal niya na itong gustong gawin. Pero kahit na mabuwag ay magkakaibigan parin tayo kahit na anong mangyare."

Bigla namang humagulgol si Kevin.

"Waaah! Mamimiss kong makipag suntukan!" umiiyak na sabi nito.

Tiningnan lng siya ng mga ito at pinagsusuntok.

"Anong mamimiss? Pwedeng pwede ka naming suntukin para hindi natin mamiss na mga mahilig tayo makipag basag ulo!" nakangising sabi ni Calix.

Tumawa lamang sila. Mabuti na lng at nasa kabilang kotse ang mga kaibigan ni Sabrina kundi ay pagtatawanan lamang sila ng mga ito dahil mukha silang mga bata.

***

Maggagabi na pero nandito parin kami ni Adrian dahil hinihintay namin ang kanyang mga tauhan. Hindi kasi pwedeng pumasok kami ng basta basta ni Adrian dahil delikado iyon. At isa pa ay baka mapatay kami! Ayoko pang mamatay tangina! Hindi namin sila kaya at hindi namin alam kung gaano sila karami. Baka mamaya ay ang rami pa pala sa loob.

Maya maya ay nagulat ako ng makitang may dalawang pares ng heels ang nasa harap ko. Bago ko malaman kung sino iyon ay may bigla ng pumalo saaking ulo ng mabigat na bagay... Napamulat ako ng may biglang bumuhos ng tubig saakin.

Nakita kong si Caina iyon! Anong ginagawa niya dito?! Ay oo nga pala traydor ang isang to!

Ngumisi siya at bigla akong sinampal.

"Hindi yan sapat para sa mga ginawa mo saakin! Akala mo kung sino ka! Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo!" sabi niya habang sinampal ulit ako saaking kabilang pisngi.

Ngumisi lng ako sa sinabi niya. I should be the one doing that to her! Ang kapal ng mukha niyang sampalin ako.

"Aba! Strong ka talaga eh noh!" sabi niya sabay tutok ng baril sa ulo ko.

"Shit! Tumigil ka Caina! Wag mo siyang idamay dito!" narinig kong sigaw ni Adrian.

Tiningnan naman ni Caina si Adrian at lumapit don. Agad niyang itinutok ang baril sa ulo nito.

"Oh sige tutal ayaw mo siyang mauna, gusto mo atang ikaw na lng ang unahin ko Adrian?tanong ni Caina.

Gusto kong umiyak! Sana ay panaginip na lng ang lahat ng ito. Pero kailangan kong maging matapang dahil wala akong magagawa kung magiging mahina ako.

"Trinaydor mo akong hay*p ka! Akala ko ba mahal mo ako?!" tanong ni Caina.

"Mahal kita Caina pero naging tanga ako. Napakagago ko! Fvck!" sigaw ni Adrian.

Tumawa naman si Caina at tiningnan ako. "Anong meron sa babaeng to? At bakit kayo nababaliw sakaniya?!"

"Wag mong ikumpara ang sarili mo saakin dahil walang wala ka kumpara saakin bitch!" sigaw ko.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon