Chapter 24

25.6K 513 27
                                    


Dinala ako ng aking mga paa sa isang playground, naupo lng ako sa may swing habang nakasimangot.

"Hey! Why are you here?!" tanong ng isang familiar na boses sa likod ko.

Pagtingin ko ay si Ivan pala.

"Bakit masama bang pumunta dito?" wala sa sariling tanong ko.

Tiningnan niya lng ako at umupo sa may katabing swing.

"Gabi na ah!" aniya.

Oo nga eh, gabi na, meron ng buwan at madilim.

"Alam mona ba kung sino ang fiancée mo?" tanong niya.

Tiningnan ko naman siya. May alam pala siya, bakit hindi niya man lng saakin sinabi?

Bigla ko tuloy naalala yung time na kumain sila sa condo ko. May sinabi sila nun eh! Ayyy shit! So, nagpapahiwatig na pala sila that time na alam na nila na may fiancèe ako.

"Si Lux, hindi ko maintindihan kung paano to nangyare."

Bumuntong hininga lng si Ivan.

"You know what, Lux is a good friend of mine!We're friends since we were kids. Alam mo naalala ko tuloy dati, nung nakipagbreak saakin si Brittany..." kwento niya.

Ahh so yung babae pala sa bahay ni Calix ay ex niya? Hmm kaya naman pala ganun yung epekto sakanya.

"I'm so hurt that time kaya ang ginawa ko lng ay uminom ng uminom. Tapos ng nalaman yun ni Lux ay agad niya akong sinermonan! Kapag may kaibigan siyang nasasaktan ay lagi siyang nandiyan. Kahit na di niya aminin alam kong mahalaga ka para sakanya. Concern siya sayo Sabrina, so don't hate Lux so much. Sana ay makita mo din ang good side niya and besides wala namang perpektong tao, lahat naman tayo ay may bad side kahit na di natin aminin."

Yeah hindi naman pala ganun kasama si Lux. Alam kong may good side din ang mokong yun dahil sino ba naman ang magliligtas saakin sa mga panahon na nasa peligro ang buhay ko?

Tug tug tug

Bigla akong natulala.

What the heck? Bakit ganito? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko??

"Pero childhood friends kami ni Lux? Hindi ko maalala!"

Nakita kong nagulat si Ivan.

"Ikaw si Ri?!" gulat niyang tanong.

Ri?

"Sino yon?" tanong ko.

"Wow destiny ba to? Ikaw pala yung nakekwento saamin dati ni Lux na gusto niyang pakasalan!" namamangha niyang sabi.

Tiningnan ko lng siya. Tangina ang weird, sino ang Ri na yun?

"Bumalik kana dun sa restaurant! Ihahatid kita." aniya.

Tumango na lng ako kahit na bigla akong kinabahan bigla sa di malamang dahilan. Maraming tanong sa aking isipan pero isinawalang bahala kona lng yon.

Pagkababa ko ng kotse ni Ivan ay dumiretso na ako sa may table nila Mommy. Buti na lng nandun pa sila pero wala na si Lux. Bigla naman akong nagtaka.

Nasaan na kaya siya? Damn bakit koba hinahanap siya?

"Oh hija buti bumalik ka! We're so worried about you, akala namin kung saan kana pumunta!" sabi ng Mommy ni Lux.

Ngumiti lng ako ng tipid at umupo na. Tiningnan naman ako ni Mommy and Daddy .

"Are you okay baby?" tanong ni Dad.

Tumango lng ako bilang sagot. Kahit na sa totoo ay hindi.

"So, we already decided na next next month na ang kasal niyo ni Lux!" excited na sabi ng Mommy ni Lux.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon