Chapter 39

22.4K 466 9
                                    


Habang nanunuod kami ng sine ay nabigla ako ng humilig ang ulo ni Lux sa balikat ko. Katabi ko kasi siya.

"I'm sleepy." paos niyang sabi.

"Nanunuod tayo tapos matutulog ka lng?!"

"I'm not interested on that fvcking movie."

Ang pinapanuod kasi namin ay yung movie na To all the Boys I've loved before. Maganda yung movie! Nakakakilig siya kaya naman yung tatlo ay panay hiyaw dahil sa kilig. Minsan ay tinatakpan ko ang bibig nila dahil may mga nagagalit na dahil sa hiyaw nila. Baka mapaaway pa kami nito eh!

Pagkatapos namin manuod ay tuwang tuwa ang triplets habang nagkekwentuhan tungkol sa movie na napanuod nila.

Pumunta muna kami sa Ice Cream Parlor bago umuwi at hindi kona lng pinansin ang mga taong napapatingin saamin... Pagkarating sa bahay nila ay agad silang dumiretso sa kwarto nila dahil magpapalit daw muna sila.

Naiwan naman akong mag isa dito sa may sofa dahil kukuha lng daw ng pagkain si Lux. Tumayo ako at nagtingin tingin sa mga pictures roon.

Nagulat ako ng makita ang picture ni Lux habang nasa likod niya ako roon. Nakasmile siya habang ako ay nakasimangot. Nakapila kami noon. Siguradong ako ang batang iyon! At ang batang si Lux ay si Lu? Seryoso ba'to!

Bakit hindi siya nagpakilala saakin? What a small world! Paano nangyare to?

"Hey!"

Napatalon ako dahil sa gulat. Shit!

"Ano ba!? Ba't ka nanggugulat?" galit kong tanong sakaniya.

Tangina magugulatin pa naman ako. At imbes na magsorry ay tinawanan niya lng ako.

Tiningnan niya naman ang litratong tinitingnan ko.

"Let's sit." sabi niya naunang umupo.

Sumunod narin ako sakanya sa may sofa. Napansin ko na hindi siya mapakali at pinagpapawisan.

"Are you ok?" tanong ko.

Tiningnan niya muna ako ng madali then bigla siyang umiwas ng tingin. Ano na naman bang nangyayari dito?

"I'm fi-ne!Don't mind me!"

Tumango na lng ako at sumimsim sa juice na hinanda niya. Magtatanong na sana ako ng dumating ang triplet.

"Ate Saab! Look at these! Pictures ni Kuya!" matinis na sigaw ni Charlotte.

May hawak siyang photo album, yun na siguro ang tinutukoy ni Charlotte na mga pictures ni Lux. Agad akong naexcite at napangisi. Ano kaya itsura nya nung jeje days pa siya?

Natatawa ako sa mga naiiimagine ko... Binigay na ni Charlotte saakin pero dahil kj yung isa ay kinuha niya iyon saakin.

"Don't look at thoseSabrina! Wala pang nakakakita ng pictures ko simula nung bata ako kahit ang mga kaibigan ko at si Caina!" sabi niya at yinakap ang photo album.

Tiningnan ko naman siya ng masama. Bakit kailangan niya pang banggitin ang babaeng yun?!

"Ibibigay mo yan o ibibigay mo?" seryoso kong tanong para matakot siya.

"Wala namang ibang choice eh!" reklamo niya.

"Isa! Pag nakabilang ako ng tatlo na hindi mopa yan binibigay sakin, di mona ako makikita!" takot ko sakanya.

Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko pero agad ding bumawi. Buti effective!

"Dalawa! Tatlo! Apat!" nang aasar niya pang sabi.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon