Chapter 32

23.7K 492 7
                                    


Agad na may humila saakin at hindi ko alam kung sino iyon. Anong nangyayare? Anonng ibig sabihin ni Lux sa sinabi niya? His enemies are here? Paano nangyare iyon?

Nagkakagulo na ang mga estudyante at nagsisigawan. Oh god! What's going on?

Huli na ng marealize ko ang sinabi ni Lux. Hindi kona alam ang sunod na nangyari dahil may tumakip sa ilong ko na naging dahilan na pagdilim ng paningin ko...

"It's dangerous for him! Masyadong malakas ang bagong kaaway ni Lux at kapatid pa ito ni Kianna! Nalaman ng kuya niya ang ginawang pananakit sakaniya. For sure, he's fuming mad right now."

"We need to do something!"

"Ang magagawa lng natin sa ngayon ay protektahan si Sabrina."

"We will protect her."

I can hear their voices pero hindi iyon naging malinaw saakin. What happened? As far as I can remember ay nasa school kami at may gulong nangyare. And someone kidnapped me?! Pero pagtingin ko sa mga taong narito sa kwarto ay hindi naman.

"Sabrina! Gising kana pala!" gulat na sabi ni Ford at agad na umiwas ng tingin.

"Anong pinag uusapan niyo?" tanong ko sakanila.

Bigla naman silang umiwas ng tingin. Inilibot ko ang paningin ko at nasa bahay na pala ako. Nandito si Ford, Calix, Pierre, Liam, Ivan at Santi. Nasaan si Lux?

"At saka sinong nagpa amoy saakin ng chlorophyll?" Nag peace sign lng si Liam.

"Sorry na princess! Alam naman namin na hindi ka sasama saamin! Ayaw lng naman na madamay kapa sa gulo ni Lux." paliwanag niya

Inirapan ko lng siya. Kahit na!

"Anong oras na?!" tanong ko dahil parang ang tagal ko atang nakatulog.

"5:00 AM."

"May play pa tayo diba?! Paano si Lux?"

Bigla naman silang nalungkot sa tanong ko. Bakit? May problema ba?

"Hindi makakapunta, may inaasikaso siya." sagot ni Calix. Tumango lng ako at napasimangot.

After that ay nagulat kami dahil bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Lux.

"Don't worry, nandito na ako!" aniya at agad na nagsilapit ang mga kaibigan niya at tinapik siya sa balikat.

"Can I talk to my beast fiancé for a while? Gusto kona kami lng."

Beast fiancé?! Siya dapat ang tawagin ko niyan eh! I'm not a beast gago!

Feeling ko namumula ang pisngi ko! Ang kapal ng mukha na paalisin sila sa kwarto ko! At dahil masunurin sila ay lumabas na nga sila at iniwan na kaming dalawa.

Tiningnan ko siya at agad kong pinagsisihan iyon dahil nakatitig rin pala siya saakin.

"We'll do this! For our section! But--"

Hindi niya napagpatuloy ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang cellphone niya. And guess whaat?! Spongebob din ang ringtone niya! Gaya gaya to eh! Ba't di niya gawing ringtone yung sa Hello kitty! Oh di kaya ay magrecord siya ng boses niya habang ginagaya niya yung sinasabi ng pusa.

Tumayo siya at sumensyas na sasagutin muna. Tumango lng ako at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik din naman siya agad. At tumabi pa talaga siya saakin.

Tug tug tug

Tiningnan ko siya ng nakakunot noo. Ano kayang problema? At parang nag iba ang mood niya?

"Can I hug you? I need it so much."

At bakit naman gusto niya akong yakapin? Nag aalalangan ako kung papayag ba ako or hindi pero nabigla na lng ako ng niyakap niya na ako. Nagtagal iyon ng ilang minuto...

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon