1: Simula

8.2K 95 6
                                    

~=Khyron=~

"Hello?" pagbungad sa akin ng aking old friend na si Ford. Nandito kasi ako ngayon sa bahay at nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko sa Manila bukas.

Tinawagan ko kasi sya para makumpirma na ang aming tutuluyang boarding house. Sabay kasi kaming mageenroll at sa iisang paaralan nalang kami magaral.

"Oh, bro. Ano? Ayos na ba yung nakita mong boarding house?" ang sabi ko sa kanya habang inilalagay ang mga damit sa aking malaking bag.

"Oo naman. Ako pa! Parang hindi mo ako kilala ah?" pagsagot niya sa akin.

"Siguraduhin mo lang talaga kundi tatangalin ko yang leeg mo." Sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka na ba talagang dito ka magaaral at magboboard ha?" singhal sa akin nito. Tinapos ko na ang pagiimpake ko at isinara na ang bag ko.

"Diba napagusapan na natin ito dati? O, sige na kakain pa ako, may hangover pa ako kagabi eh. Nakipaginuman kasi ako kay Dad.

Pumunta na ako sa banyo. Naghilamos pa ako at nag toothbrush bago bumaba. Kakagising ko lang kasi.

Oo nga pala! Daldal ako ng daldal eh hindi nyo pa ako kilala. Ako nga pala si Khyron Mark Reyes. 18 na ako at katatapos lang ng grade 10. Hay nako! Kung wala lang talaga yang K-12 na yan eh college na siguro ako. Mayroon akong isang kapatid na si Khyle na sadya namang napakadaldal.15 years old na siya at magfoforth year na sa pasukan. Siyempre nandiyan din ang aking ever supportive parents na si Khyden at Vina Reyes. Isa rin ako sa mga campus crush ng school namin noon kasi naman sa angking gwapo ng angkan namin.

Bumaba na ako at nakita sina mom and dad at si Khyle na kumakain nang lunch. "Khyron! Gising ka na pala. Halika at samahan mo na kami dito kumain." Aya sa kin ni mama. Agad naman akong umupo at tumabi sa kanila.

"Kuya! Tuloy ka po ba sa pag alis bukas?" tanong sa kin ni Khyle habang kumakain.

Tiningnan ako nina mom at dad. Nginitian ko naman sila bago sumagot."Oo, bakit mo naman natanong?" sagot at tanong ko sa kanya.

"Wala naman kuya, naisip ko lang. College ka na so matanda ka na. Uugod-ugod na." anito saka tumawa. Narinig ko ring nagbubungisngisan ang aking mga magulang.

Ang saya ng pamilya ko no? para lang kaming magbabarkada niyan. Lagi kaming nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Minsan rin nakikipaginuman ako kay papa kapag walang magawa. Siyempre hindi pa puwede si Khyle kasi 15 pa lang siya ako 18 na. I'm at the right age para uminom.

At ngayon nga ay bakasyon ay napagisipan kong magaral nalang sa Manila kasi mas Malaki ang opportunities kapag nakapag aral ka sa Manila. Since malayo ang Clark,Pampanga ay naisipan ko nalang mag board malapit sa school na papasukan ko.

Naisipan kong magpasama kay Ford na magenroll kapag nakapunta na ako sa Manila since nabanggit naman niya na parehas lang kami ng school at parehas din ng course.

Dati ko pang kaibigan si Ford since elementary days. Kasama ko siyang makapag basag ulo noong highschool. May game nga kami dati na paramihan ng magkagirlfriend. Pumayag naman ako kaya simula grade 7 palang sandamakmak na ang naging girlfriend ko.

All in all, nagkaroon ako ng girlfriend na 21 since grade 7. 13 don ay totoong girlfriend ko at yung 8 ay mga fling lang. Siyempre hindi o maiwasang may maikama dahil lalaki naman ako. Pero 2 girlfriend ko lang ang naikama ko noon at 3 beses pa lang akong nakipag-sex.

Siyempre ang nanalo sa game naming ay si Ford na nagkaroon lang naman ng 25 gf's at 5 lang ang naging totoong gf nun at 20 ang fling lang.
At yun nga, kakabreak ko palng ng latest girlfriend ko dahil lilipad na sila papuntang Canada ngayong college sya. Naghiwalay kami bago ang graduation ceremony.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now