29: Bakit

324 8 1
                                    

Enjoy reading. And feel free to comment anything, either positive or negative. I will gladly accept it.

#TeamKhyRex

****

"Siguro kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi mo na iisipin kung bakit. I just love him, and I think that is more than enough to answer why." - Khyron Reyes

****

~=Khyron=~

Habang nasa ganoong posisyon kami ng biglang may nasgsalita sa likuran namin, dahilan para kami kumalas sa pagkakahalik sa isa’t isa.

“Kuya?”

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa kanya. Parang nawalan ako ng ulirat ng makita ko ang kapatid kong nakatayo sa likod namin habang hindi rin makapaniwala sa kanyang nasasaksihan ngayon.

Gulat na gulat rin si Zarex dahil dito. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin nung mga time na yon. Parang nastuck kami sa ganoong posisyon. Lumamig ang pakiramdam ko at namula ang buong mukha dahil sa hiya, shete kasi eh.

Walang may balak magsalita ng mga oras na iyon. Wala kaming salitang mailabas sa aming mga bibig. Para kaming mga piping walang masabe. As in shocked. Di ko alam kung anong nangyari dahil biglaan nga.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at sinimulang basagin ni Khyle ang katahimikang namamagitan sa aming tatlo. Malamig na hangin at hampas ng alon lang ang naririnig ng mga oras na iyon na sinabayan naman ng ilang nagkakantahan sa bar sa malapit.

“K-kuya!?” gulat na gulat na tanong ni Khyle. Halos mabitawan nya nga yung cell phone nya buti na lang at nahawakan nya itong mabuti. Nakanganga rin ito dahil na rin siguro sa pagkabigla.

Bumalik naman ako sa rehistro ng katinuan saka sinimulan syang sagutin. “Uhmm…Khyle? Khyle, ma-magpapaliwanag ako, okay? N-no need to think complicated things. I have an explanation, okay?” utal utal kong bigkas sa kanya habang hinahampas ang kamay sa hangin na para bang nahuli kaming gumagawa ng isang malaking krimen. Actually, nahuli naman talaga kami.

“W-why are you two kissing? K-kayo ba ni kuya Zarex?” takang tanong rin ng kapatid ko. Shet. Mukhang mapapasabak na ako sa pagpapaliwanagan ah. Kasi naman eh, ba’t kasi hindi ka nakapagpigil Khyron. Nahuli tuloy kayo. Dapat tinuloy nyo na lang sa kwarto, hindi dito sa labas! Engot ka rin eh. Sabi naman ng isang side ng utak ko.

“Uhm…okay. K-kasi ganto yun Khyle. Ah a-ano kase…ahh, teka pano ba. G-ganto kasi yun…ahmm” nahihirapan akong mahanap yung right words para makapagexplain sa nakababata kong kapatid. Actually, di ko nga alam kung paano ko ito ieexplain.

Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang sumabat naman si kumag. “Kasi ganito yun ano, Khyle. Uhmm…may…m-may relasyon nga kami ng kuya mo.” Sabat naman nito na nagbigay ng kakaibang gulat kay Khyle.

“W-WHAT??” halos pasigaw nyang sigaw sa aming dalawa.

“W-wait wait. Oo, may relasyon kami ng kuya mo. P-pero magpapaliwanag naman kami sa inyo eh. Naghahanap lang kami ng tyempo. D-diba Khy?” pagpapaliwanag naman ni Zarex sabay harap sa akin.

“Ah…oo eh. Oo, magpapaliwanag naman kami sa inyo. Di lang namin alam kung kailan. Humahanap nga kami ng tyempo, kumbaga. Gaya ng sabi sayo ng kuya Zarex mo. Hehehe” awkward recation ko sa kanya. Ni hindi ko nga magawang matingnan ang kapatid ko direkta sa mata dahil nahihiya nga ako dito.

Ikaw ba naman kase. Yung kuya mong hinahangaan mo sa katalinuhan, pagiging chick boy, at kagwapuhan, yung kuya mong palaging may girlfriend, yung kuya mong may naikakamang babae na, at yung kuya mong sobrang gwapong naghahari ng 4 na title ng Mr. Campus nyo at pinagkakaguluhan ng mga babae at bakla, ay may kahalikang lalakeng gwapo rin. Worse, nalaman mong yung kuya mo ay may relasyon sa isang gwapo rin? So, understandable naman yung reaksyon ni Khyle. Siguro ako rin naman kung ganon.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now