7: Bago

3.6K 66 46
                                    

~=Khyron=~

Sabado ngayon. Sobrang bored na bored ako. Wala talaga akong magawa pati si Zarex ganu din, nagcecellphone lang.

Aha! Magdradrawing na lang ako!

Kumuha na ako ng mga gagamitin ko sa pagdrawing. Lapis, ruler at coupon bond.

Napansin ko namang tumitingin din paminsan minsan sa akin sa Zarex habang kasalukuyan akong nagdradrawing.

Naisipan ko na lamang drawingin ay isang napakafavorite kong anime. Hindi ko sasabihin sa inyo, bahala kayong manghula. Basta magaling siyang magbasketball.

Nang matapos na ay kumuha na ako ng tape sa drawer ko at itinape ito sa pader na katabi lang ng kama ko.

Marami-rami na rin pala akong naiidrawing. Kadalasan anime lang. pero may sketch rin pala ng mga bahay at buildings.

Halos mapuno nanga ang pader ko sa pagdrawing ko eh.

Pagkatapos kong magdrawing ay nahiga ako sa kama ko. Nagbrowse lang ako sa fb ko.

Chat dito chat doon, message dito, like dito. Accept, accept, accept. Yan lang yung ginagawa ko.

Sobrang bored pa rin talaga ako. Tinignan ko ang oras. Alas tres pa lang ng hapon.

Para mawala ang boredom ko ay may naisip akong gagawin ko.

Ang pumunta sa mall!

Agad akong naligo at nagbihis. Aalis n asana ako ng nagtanong si Zarex.

"San punta mo?" tanong nito sa akin. "Dyan lang sa mall, sama ka?" pagyaya ko sa kanya.

"Hindi na, dito na lang ako." At binalik niya ang atensiyon niya sa cellphone niya. "Sige." Nasabi ko nalang at isinara ang pinto.

Nagabang lang ako ng taxi papunta sa SM Makati. Agad naman ako nakakita ng taxi kaya pinara ko na ito saka sinabi kung saan ang destinasyon ko.

Tahimik lang ako sa byahe. Sinalampak ko ang earphones sa tenga ko at tumingin na lang sa labas ng taxi.

Malapit lang naman ang SM Makati dito kaya mabilis lang din ang byahe.

Pagpasok ko palang sa mall ay pumunta agad ako sa timezone at naglaro.

Ng mainip na ako sa kakalaro ay naglibot ulit ako. Nakakita ako ng boutique sakto naman at kailangan ko naring bumili ng damit.

Pagkatapos pumili ng damit ay umalis agad ako.

Naisip ko, paano kung bumili na lang kaya ako ng magagamit sa pagluluto kaysa naman araw araw kaming bumibili ng pagkain.

Magastos na nga, nakakatake pa ng maraming oras.

Naisipan ko munang magtext kay aling Vangie kung pwede ngang mag lagay ng konting appliances sa loob ng kwarto namin. Ayun, agad naman siyang sumangayon.

Kaya ayun. Dumeretso ako sa appliance store.

Bumili ako ng rice cooker, yung maliit lang. yung pwede lang sa dalawang tao. Tapos bumili rin ako ng stove, as in yung pinakamaliit na stove na pang isahan lang ang pwede.

Matapos magbayad ay pumunta agad ako sa department store at bumili na ng mga kaldero at frying pans.

Nang nakabayad na ay naisipan ko naring umuwi. Tanging gas na lang ang kailangan.

Aha! Magpapadeliver na lang ako kay Ford. Agad ko siyang tinext.

'Ford, padeliver ka nga ng isang gas stove yung maliit lang at kasya lang sa dalawang tao.'

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon