26: Aligid

465 6 0
                                    

Happy reading everyone! Update ulit.

~=Khyron=~

“Oh? Tapos? Ano sabi ni mama?” agad na tanong ni Zarex sa akin. Kinekwento ko kasi sa kanya yung nangyari kay Khyle lately.

“Eh ayun, wala naman daw problema sa kanya kaso ay nag-aalala lang daw ito dahil baka mapabayaan daw ni Khyle ang mga Gawain nya sa eskwela.” Sagot ko naman habang umiinom ng softdrinks.

“Yun naman pala eh. Ayos lang naman pala kay mama at papa. Don’t worry dahil may isip na yung kapatid mo. Alam nya na kung ano ang tama at mali. Tsaka diba first honor din yun? Malamang, hindi yun magpapabaya sa pag-aaral dahil grade conscious ang mga first at second honors. Katulad ko dati.” Tugon naman nito sabay agaw sa akin ng softdrinks at ininom rin ito.

“Sabagay. Pero yung ganyang mga stage kasi yung mga stage ng paghahanap ng identity. Baka naman maging mapusok yun. Hindi pa man din vocal sa akin yun kaya nagsasarili na lang ng problema. Hay.” Sambit ko naman na may halong pag-aalala.

Last week kasi ay nahuli daw ni mama si Khyle na may kaholding hands na babae sa may mall. Hindi naman daw sya nakita kaya minanmanan nya lang daw ang dalawa hanggang sa pumasok daw ito sa isang restaurant at nagdate. Nagulat na lang daw si mama nang bigla na lamang daw halikan ni Khyle ang naturang babae.

Kaya naman ng nakauwi na ay agad namang tinanong ni mama si Khyle kung sino ito.nung na raw ay hindi ito sumasagot ngunit umamin na lang ng kinalaunan na girlfriend daw nya ito. Malapit na rind daw silang mag isang taon kaya naman gulat na gulat si mama lalo na at wala naman daw itong ipinapakilala sa kaniya.

Naalala nyo ba yung kausap nya sa cellphone noong pumunta sila dito? Sya yung babae. Hindi naman daw umamin si Khyle sa amin dahil natatakot daw ito. Alam nyo na, baka mapagalitan o kung ano pa man.

Kaya sinabi sa akin ni mama kaninang umaga. Sabi nya na kausapin ko raw si Khyle para mapagsabihan. Pumayag naman ito ngunit nag-aalala lang daw sya.

“May tiwala ka naman siguro sa sarili mong kapatid, diba tol? Hindi naman siguro yun gagawa ng kung anong sisira sa tiwala nyo sa kaniya. Hayaan na lang natin dahil mahal naman nila ang isa’t isa. Mahirap namang humusga kung hindi naman natin alam ang totoong kwento. Eh kahit naman 16 pa lang yung kapatid mo ay may puso pa rin ito. Tayo nga na tatlong buwan ng nagsasama ay hindi pa rin alam ng mga magulang natin.” Pagpapaliwanag naman ni Zarex kaya naman kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Kinareer nya naman ang pagtwag kila mama ng mama rin. Para daw masanay sya. Pero katulad nga ng sinabi nya ay hindi pa rin alam nila mama na may relasyon kami. Natatakot pa rin akong sabihin na “Ma, yung gwapo at lalaking lalaking anak nyo ay nakikipaglampungan sa isang lalaki rin.”

March na kaya naman nagiging busy na rin kami sa paggawa ng kung ano anong requirements. Minsan nga ay hindi na kami sabay umuwi ni Zarex. Pero kahit na ganoon ay bumabawi naman kami sa isa’t isa tuwing umaga o kaya kapag may libreng oras dito sa school.

Mahal ko si Zarex at mas lalo ko pa syang minamahal ngayon simula ng sinagot ko sya noong bagong taon. Natatawa nga ako dahil umiiyak ito hanggang makauwi kami. Sabi nya pa nga na wag daw ipagsabi kahit kanino na umiyak sya dahil noon lang daw sya umiyak. At ako ang dahilan non.

Ang tropa naman namin ay todo suporta pa sa amin. Lalong lalo na si Lester at Zarah. Nagsama ang dalawang bungangero kaya naman halos mahiya kaming dalawa ni Zarex kapag gumagala ang barkada sa pang-aasar ng dalawa. Alam nyo naman na hindi lahat ng mga Pilipino ay pabor sa ganitong relasyon lalo na’t hindi naman tayo liberated na bansa at malakas ang kapit ng ating relihiyon.

Si Ford naman ay masaya rin sa amin. Minsan kung may problema ay sa kanya ako nagtatanong. Ano pa’t bespren ko yung tao.

Ngayon nga ay nandito kami sa may canteen. Hindi naman kami gumagalaw na parang magjowa dahil magtataka ang mga tao sa paligid. Minsan ay may nagpapapicture sa aming dalawa at minsan ay may nagpapaautograph sa akin dahil ako pa nga pala ang reigning Mr. Campus.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now