4: Pasukan

3K 43 2
                                    

~=Khyron=~

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon nga ay pasukan na.

Maaga akong gumising since ayokong malate sa unang araw pa mandin. Tulog pa rin si kumag. Tss...tulog ng tulog.

Naligo na ako at nag toothbrush. Pagkatapos ay pumunta na ako sa carinderia dyan sa may kanto. Nagorder ako ng adobo at dalawang kanin.

Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa room.

Pagpasok sa room ay nakita ko na si kumag na nakaupo sa kama at nagpupunas pa ng mata. Kakagising lang siguro.

Nang nakita niya ako ay bigla na naman siyang nagbigay ng nakakalokong ngiti. Hindi naman naipagkakaila na gwapo naman talaga itong si kumag, pero mas gwapo pa rin ako.

"Good morning!" sabi niya sa akin. Wow biglang bumati ang kumag!

"Hmmm? Ah...good morning din" ang sabi ko rin sa kanya. "Bumangon ka na diyan at maligo kana. Baka malate ka pa sa university mo." Pahabol ko pa sa kanya.

Agad naman siyang tumayo at kumaha ng tuwalya. Papasok n asana siya ng magsalita pa siya.

"Concerned si hambog! Hahaha!" ang sabi nyang ganyan saka nilock ang pinto. Rinig ko pa rin ang halakhak niya sa loob ng banyo.

"Hoy!! Hindi ah! Maligo ka na lang diyan!" singhal ko pa sa kanya.

Kinuha ko na ang aking damit at sinuot ang mga ito. Hindi naman recquired sa university naming ang uniform. Ewan ko lang sa kumag na iyon.

Matapos ang mga sampung minuto ay lumabas na ito ng nakatapis lang nang tuwalya. Ang puti pala ng kumag at ang ganda ng katawan.

Pro syempre mas maganda ang akin, hindi lang ako ganun kaputi sa kanya though maputi rin naman ako.

Bigla naman siyang lumingon sa akin. Agad ko namang binawi ang aking tingin at humarap sa salamin at inayos ang damit ko.

"Oyy, nakatingin sa akin si hambog! Siguro, nagagandahan ka sa katawan ko noh!" at sinundan niya pa ng tawa.

"Manahimik ka nga! Ikaw lang ang nagiisip niyan." Sabi ko at kinuha na ang bag ko at tinungo ang pintuan.

"O sige na aalis na ako! May spare ka naman diba?" tanong ko sa kanya bago umalis.

"Yup! Meron na. Binigay na sa akin ni aling Vangie." Pagsagot naman nito.

"Pag mas nauna kang umuwi ay buksan mo nalang itong room." Sabi ko at sinara na ang pinto.

"Sige" rinig ko pang sabi nito.

Habang naglalakad ay napaisip ako.

Matagal na rin kaming magkasama sa room na iyon ni kumag pero hanggang ngayon, di pa kami nagkakakilala.

Naisip ko rin na saan kaya siya nakatira, saan kaya siya nagaaral, may girlfriend na basiya, yung mga ganung bagay.

Natigil lang ang aking pagiisip nang salubungin ako ni Ford na ready naring makaalis.

Nasabi ko na rin ba na magkasama rin kami ni Ford sa iisang school, iisang course, at pareho ng schedule? But may subjects din na hindi rin kami magkasabay.

"Oh bro, ready ka na? sabay na tayo." Bungad niya sa akin. "sige, tara na." sagot ko naman.

Naglakad lang kami papunta sa sakayan ng jeep. Malapit lang naman eh at iisang sakayan rin ng jeep papuntang school.

Habang nasa jeep ay nagtanung uli si Ford. "Asan na nga pala yung roommate mo? Anu nga ulit yung pangalan non?" tanong nya.

"Hindi ko alam kung nasaan yung kumag na iyon tsaka hindi ko rin alam kung anong pangalan nun." Sabi ko naman sa kanya.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now