13: Kumag VS Hambog Part 2

1.4K 19 3
                                    

Good evening!! MakakapagUDna uli hahaha. Pasukan kasi.

Sana suportahan nyo pa rin ako dito at sa mga susunod ko pang istorya.

Special mention to sir Ai_Tenshi. Sir Ai, nagamit ko pangalan ng karakter nyo hahaha. At kay  ZachJohnReineEavon na echoserang pagkahaba haba ng Username! Imbyerna! Anyway, ginamit ko title ngg story mo. Hahaha

So yun, keep on reading guys!

~=Khyron=~

Habang naglalakad lakad ay naisipan naming humiga sa ilalim ng malaking punong acacia.. Sa tabi lang din ito ng daan at napakagandang magstargazing dito, sa palagay ko lang.

"Tol, alam mo ba na ang mga bituin na yan ay maaring patay na? Liwanag na lang nila yung nakikita natin kasi nagtratravel pa ito ng millions of light years bago makarating sa earth ang liwanag nya. Kaya minsan ay mas nauuna pang mamatay ang isang bituin kaysa maabot ng liwanag nya ang earth." Mahabang eksplanasyon ni Zarex sa akin. Para namang hindi kami ng aral ng astronomy dati nung highschool.

"Alam ko. Alam mo rin bang minsan ay ganyan din ang nararamdaman ng tao? Minsan mas nauuna pang mawala at mamatay yung feelings nila kaysa masabi nila ito sa taong karapat dapat na mapagsabihan nito." Tugon ko naman sa kanya sabay harap ng aking mukha sa kanya. Nakatingala kasi sya.

"Wow. Ang lalim naman ng hugot mo don tol. Oo nga at minsan ay mas nauunang namamatay ang feelings ng isang tao bago nila ito masabi dahil wala silang kakayahang sabihin ito. Mahina ang kanilang loob at wala rin silang self confidence upang maipahayag ito. Kaya ikaw tol, sabihin mo na yang kung anong nararamdaman mo, kung meron man, sa taong pagsasabihan mo nyan. Bahala ka, mamaya nalingat ka lang eh nakatingin na pala ito sa iba. Sabi nga ng iba, repentance is always at the end." Sagot naman nito saka habang humaharap din sa akin. Eh mas malalim naman yata ang hugot nang taong to eh.

(A/N: ZachJohnReineEavon, taray!! Pagamit ng title ng isa sa mga stories mo. Hehehe!)

"Eh paano ko naman sasabihin yun kung naghahanap pa ako ng pagsasabihan ko?" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Asus! Bakit ka pa kasi naghahanap kung alam mong nasa paligid mo lang sya. Minsan daw kasi, yung taong hinahanap mo eh yung katabi mo na pala, yung palagi mong kasama, yung palagi mong kakulitan, yung palagi mong kausap, yung nandyan lang sa tabi mo palagi pero ikaw itong bulag para hindi makita yun. Nasa tabi mo na lang pala, naghahanap ka pa ng iba." Sagot naman nito saka tingin sa akin ng seryoso. Dama kong nagiging seryoso na ang usapan kaya't pinutol ko na ito at hindi na sumagot pa. Mamaya eh mapunta pa sa ibang bagay ang usapan na ito.

Tumahimik kami. Parehas kaming nakatingin sa kalangitan. Napakaganda ng panahong ito. Halos walang ulap at walang nakakahadlang upang lumabas ang kinang ng mga bituin. Maliwanag rin ang buwan at perfect na perfect itong lugar para sa aming dalawa. Na baka ako lang pala ang nagiisip na perpekto ito para sa aming dalawa.

Romantic. Yan lang ang naiisip ko ngayon. Kahit na alam kong wala naman ako sa kanya at wala rin naman sya sa akin. Wala ba talaga? A basta. Napakasaya ng gabing ito para sa aming dalawa. Wala naman talagang 'kami' o 'tayo' pero dama kong nagiging higit pa sa kaibigan ang turingan naming dalawa.

Hanggang sa nagsalita sya ulit. "Sana ganito na lang palagi no? Payapa, walang ibang problema. Saya siguro ng ganun." Pagsalita nito.

"Oo nga maganda yung ganun. Kaso hindi naman tayo buhay at hindi naman tayo mabubuhay sa mundong ito ng walang problema. Lahat ng taong masaya at succesful ngayon ay dumaan sa napakaraming unos at pagsubok. Kasi, hinuhubog nila tayo upang maging isnag taong matapang, matatag, at malakas ang loob. Ngunit minsan ay nasa tao na rin yan kung paano ihandle ang mga problema. Yung iba kasi, masyadong nadedepress kaya naman nagsusuicide sila. Minsan kasi kailangan rin antin silang unawain." Mahabng eksplanasyon ko naman. Nakita ko namang tumingin to sa akin na nakasalubong ang mga kilay.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant