14: Kumag VS Hambog Part 3

1.2K 23 16
                                    

Mga be, ang haba nito. Kaloka. Kakapagod magtype. Ididedicate ko ito sa inyong lahat na nagbabasa ng chapter nito, sa mga die-hard na nagaabang sa chap na ito at sa akin.

Nakuu...kaloka talaga.

===============

One Month Later...

"Huy! Ano bang ginagawa mo pa dyan sa banyo? Nagjajakol ka ba tol? Halika at baka mahuli pa tayo! Nauna na sila Zarex dun sa venue." Pagdadaldal ni Ford sa labas ng pintuan ng aming banyo.

Paano ba naman maiinis yan eh halos bente minutos na ako dito sa loob ng banyo pero di pa rin ako lumalabas.

Alam nyo ba kung bakit? Kasi naman, ngayon na yung pinakahihintay nilang event. Syempre nakakakaba na nakakaexcite. University pa man din, masyadong malaki.

Ewan ko nga kung makakapasok pa ako sa top 15 eh. Isa rin kasi sa mga inaabangan ng mga estudyante sa Mr. And Mr. WilU yung swimsuit competition.

Yes. May swimsuit competitiondin kami. Parng Mr. Universe lang no? Kaya nga naghanda ako ng isang buwan para magpafit pa lalo. Fit naman ako. Ideal sa normal college guy. Pero syempre, dahil nga sinabi ko na university pageant na ito ay hindi pwede yung pafit ka lang. Kaya pinagsikapan kong magpaputok ng biceps at abs na sure akong aabangan ng kababaihan at kabaklaan.

Si Zarex naman ay halos hindi na kailangan ng paggygym eh kasi ewan ko ba dun sa lalaking yun. Nagdrudrugs ata. 18 pa lang sya pero parang pangmodel na yung katawan.

Oo, maniwala kayo o hindi pero meron na agad syang 6 pack at putok na putok na rin ang kanyang biceps samanatalang ako ay nasa 4 pack pa lang yung abs ko at hindi naman ganun kalaki ang biceps.

"Tado ka! Huwag mo akong itulad sayo na amoy tamod ang CR ng kwarto, okay? Pwede bang kinakabahan lang hano kaya matagal?" Angal ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto ng CR.

"Gago ka talaga. Hindi naman ako ganun. Ah basta! Halika na at baka magalit na yung mga facilitators dun. Sige ka, baka matanggal ka." Pagaapura nito sa akin.

"O siya. Tara na nga!" Sabi ko sa kanyang ganyan sabay buhat sa bag na may laman kung ano ano ba ang mga gagamitin ko sa contest.

Grabe rin ang pagsupport ng tropa sa aming sasali sa pageant. Andun na rin sa venue sila Lester, Blake, at Rj. Ewan ko lang kung andun rin yung impokritang babaeng yun.

Alam na rin nila mama na sasali ako dito sa pageant. Ang saya saya nga daw nila kasi napili ako para makapagrepresent ng department namin.

May limang parts ang pageant ayon sa napagusapan ng organizers. Una yung introduction, then yung swimsuit competition, then yung talent portion. Pagkatapos sa telent portion ay mabrereak down sa 8 na lang ang contestants coming from a total of 16. Then formal wear na for men and long gown for women then pagkatapos ay mabrebreak din ulit sa 4 then yung final Q&A na. Makukuha na dun sa apat yung tatanghaling Mr. And Ms. WilU.

Sumakay na kami sa kotse ng kaibigan ni Ford. Kaboardmate din namin actually. Hiniram nya para daw hindi na hassle kapag late katulad ng ganitong sitwasyon namin ngayon.

Si Zarah rin ay sumabak sa training para sa question and answer portion at sa paglakad sa stage.

"Shit! Taena mo kasi tol eh. anong oras na oh? Alas syete imedya na ng gabi! Alas otso ang start at alas sais ang calltime! Talk about super late dude!" Panenermon nanaman sa akin ni Ford na kasalukuyang binibilisan na ang takbo ng sasakyan sa EDSA.

"Yeah right. Ako na ang late. Mabuti nga yun para matanggal na ako. Kabang kaba na nga ako eh. Di ko maimagine yung buong unuversity yung manonood sa iyo." Sagot ko naman sa kanya.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now