17: Ewan

437 7 0
                                    

Hey pips. Update uli. Thanks sa paghihintay. 

Sana hanggang sa huli ay nandyan pa rin kayo para sa akin. Labyu ol.

---------

~=Khyron=~

"Putanginaaaaaa!!!" Sigaw ng mokong na umalingawngaw naman dito sa buong kwarto namin.

Humahagalpak naman ako sa kakatawa habang ipinapakita ko ang video nya na sinasayawan ng isang stripper sa bar kagabi.

Hindi na talaga matago sa mata at mukha nito ang kahihiyan. Pulang pula na sya lol.

"Tangina tol, kung nakikita mo lang itsura mo kagabi. Hahahahaha parang matatae ka na ewan punyeta! Hahahahaha" tawang tawa talaga ako lol.

"Ang gago moooo! Ba't mo nagawa sa akin yon! Tinanggalan mo ako ng pagkalalaki tol!" Sigaw nya naman sa akin habang pinapanood pa rin ang video.

"Ang OA mo naman. Pinagsasasabi mo? Eh kung alam ko lang ay nagustuhan mo rin 'yon. Wag ka ng magdeny. Gwapo rin naman si kuya." Lol. Sambit ko sa kanyang nagiinarteng mukha.

"Ako? Nagustuhan? Eh tangina, halos masuka na nga ako doon kagabi! Sa tingin mo bang magugustuhan ko ang mga kaparehas kong lalaki!? Hindi tol. Lalaki ako, never kong nagustuhan yang ganyan, lalo na ang sumasayaw na lalaking hubad sa harapan ko! Atsaka, gwapo? Eh mas gwapo pa ako dun tangena. Hindi naman magaling sumayaw tsaka mas malaki pa ari ko dun." Sigaw nito kaya naman bigla na lamang nawala ang aking tawa at nangasim ang mukha.

Agad naman nyang napansin ito. Umupo kasi ako sa upuan, nakatalikod sa kanya.

"Lalaki ka, alam ko. At hindi ko rin maimagine na magkakagusto ka sa isang kapwa mo rin. Pero ano ako Zarex?" Galit kong sambit sa kanya.

"Tol, iba ka naman sa ibang lalaking kilala ko. At iba ka rin sa buhay ko. Maalaga ka. Minsan ay binibilhan mo pa ako ng pagkain sa umaga at inaasikaso sa tuwing ako ay lango sa alak. Mabait ka. Hindi ka nahihiyang magbigay sa kahit di mo kakilala. Matalino ka. Naging valedictorian ka pa nga nung highschool eh. At higit sa lahat ay mapagmahal ka, hindi lang sa iba kundi sa sarili mo rin. Hindi mo hinahayaang saktan ka ng iba. Kaya, iba ka tol. Espesyal ka sa akin. Tandaan mo yan. Iba ang nararamdaman ko sayo kaya wag na wag kang magdoubt about sa sarili mo okay?" Speech naman ni mokong.

Iba talaga kapag nagsasalita ito. May limang buwan pa lang kaming magkakilala pero bakit parang alam na namin kung sino ba talaga ang isa't isa. Kilala ko na sya ng husto, ni kahit nga schedule ng  kulay ng underwear nya alam ko. May ibang dala kasing charisma itong si Zarex. Nakakahiya naman ngunit iba na rin ang pakikitungo ko sa kanya. At alam kong alam nya rin iyon. At alam kong ganun rin sya. Lolokohin lang namin ang aming mga sarili kapag hindi namin inamin iyon. Basta hindi na lang simpleng pagkakaibigan ang nangyayari sa kwartong ito.

"Tss. Ang dami mong alam." Kunware galit kong singhal sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin.

Tumayo ako at pumasok sa banyo. Sinundan naman nya ako ng tingin. Nilock ko agad ang pinto at baka samahan pa nya ako dito. Lol

"Huy Khy, anong gagawin mo?" Kalampag nya sa pinto ng cr. "Ano bang pake mo? Eh wala lang naman ako sayo?" Sinagot ko naman sya.

"Khy, hindi nga ganun ibig kong sabihin. Tol, naman." Pagpapaliwanag nya. Hindi naman ako kumibo.

"Oy. Oyyyy! Magpapakamatay ka ba? Khy wag please. Khy, pagusapan natin to. Tol! May pamilya ka pang naghihintay sa iyo sa Cabanatuan. Wag kang maglalaslas, masakit yun. Diba takot ka sa mga hiwa? Tol, gragraduate pa tayo diba? Khy, wag please. Khy, paano ako? Khyyyyyyy!!" Pagiinarte nya sa labas ng pinto. Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi nito.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang