3: Bwiset

2.9K 55 2
                                    

~=Khyron=~

"Ikaw!?" sabay naming pagkasabi.
Aba't ang aking mortal enemy pa pala ang makakroommate ko. Ayoko nga siyang maging roommate mamaya pagsamantalahan pa ako nun eh! Assuming lang.

"Hindi siya!" pilosopo niyang sabi sa akin sabay turo sa katabi ko kahit wala naman.

"Wag mo nga akong pinaglololoko. Anong ginagawa mo dito ha!?" sabi ko sabay duro sa kanya. "Dito ako magboboard. Bakit masama ba?" sabi nya naman sa akin.

"Oo masama. Dahil kung hindi ka aalis dito, mabubugbog nanaman kita!" sigaw ko sa kanya. Halatang natakot siya ng konti pero agad naman iyong nawala. Hmmm. Kala niya ah!

"Sino ka ba para utusan ako ha!?" sigaw niya rin ng malakas.

"Lumayas ka nga rito! Nakakairita yang mukha mo." Bulyaw ko sa kanya saka pinitik ang noo niya. "Aray!" sabay hawak sa noo niya na namumula na .

"Siraulo kang lalaki ka ha!" sabi niya sabay tapak ng malakas sa aking paa. Masakit yun ha!

"Hoy! Masakit yun ha!" sigaw ko nanaman sa kanya. "Eh sa ikaw ang nauna eh!" sabi niya na nakahawak pa rin sa noo niya.

"Basta! Ayaw ko nang makita yang mukha mo! Ako ang nauna sa room na ito kaya ako ang masusunod." Sabay talikod sa kanya.

"Sa ayaw mo't sa gusto, wala ka nang magagawa. At mas nauna ako dito, noong March pa lang!" de pahiya ako sa sinabi niya.

"Atsaka bakit ba ayaw mo akong maging roommate eh mabait naman ako ah!" singhal nya sa akin. "Ah basta, ayoko!" sigaw niya sa akin. Bwiset talaga siya!

"May narinig pa akong sabi niya pero hindi ko na ito napansin. Nahiga na lang ako sa kama at kinuha ang phone ko. Naglaro lang ako ng Asphalt 8: Airborne sa phone ko. Nang mapagod ako ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

---

Nagising ako ng mga alas otso na nang gabi. Nakaramdam ako nang gutom kaya bumangon na ako agad. Minasdan ko muna ang buong paligid at dun ko lang napansin na wala na ang kumag. Siguro kumain na din.

Lumabas na ako ng room naming at nakasalubong ko pa si Ford. Sabay kaming pumunta sa carinderia sa may kanto kasi maghahapunan na rin siya.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magtanong ito. "Uy, kamusta naman ang bago mong roommate?" tanong nito sa akin.

"Huwag mo nang tanungin, naiinis lang ako sa kanya." At tinuloy ko na ang aking pagkain.

"Teka, anu bang nangyari?" taking tanong nanaman niya.

"Siya kasi yung nakasuntukan ko sa bus. Paano ba naman, natapunan niya ako nang juice sa damit ko." Singhal ko sa kanya.

"Oh tapos?" si Ford.

"Eh siya na nga yung may kasalanan, siya pa ang nanisi. Tanga daw ako kasi di ko daw tinitingnan yung dinadaanan ko!" sabi ko. Tapos na rin kaming kumain kaya napagpasyahan na rin naming umuwi.

"Basta ayaw ko na siyang pagusapan." Sabi ko sa kanya habang naglalakad. "Okay, sabi mo eh." Pag sang ayon niya naman sa akin.

Habang naglalakad patungong boarding house eh may nakasalubong kaming isang grupo nang kabataang kasing edad din namin. Dalawang babae, tatlong lalake, at isang bakla.

Napansin ko lang na nakatingin si Ford sa bakla. Haha! Alam ko nang iniisip nito. "Oy! Tinamaan ka ata dun sa bakla ah!" singhal ko sa kanya habang nakangisi.

"H-ha?" natangang sagot niya sakin. Sabi ko na nga ba eh. "Anong ha? Sabi ko, kung tinamaan ka dun sa bakla kanina." Tanong ko ulit sa kanya.

"Hi-hindi no! ano bang pinagsasasabi mo? Tara na nga!" sabi niya sa akin. Ngisi lang ang tugon ko sa kanya.

Okay lang naman sa akin ang same sex relationship eh. Pero ang sumabak sa ganung relasyon? Never! Never akong papatol sa kapwa ko lalaki o sa bakla.

Tinuloy na namin ang paglalakad patungo sa boarding house naming.

~=Zarex=~

Nakatulog nanaman ang hambog! Palagi nalang tulog ang alam niya.

Sa sobrong boredom ko ay naisipan kong bumili ng mangangata habang nandito sa boarding house. May nakita naman akong 7-eleven diyan sa malapit sa kanto.

Naligo na muna ako, nag ayos saka umalis.

Habang naglalakad sa daan, biglang nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito at nakitang ang aking kakambal ang nagtext.

Fr. Twin Zarah...

'Miss na kita kambal! Bakit kasi dyan kapa sa Manila magaaral?'

Ako...

'Miss na rin kita. Alam mo naman kung bakit diba?'

Fr. Twin Zarah...

'Haist...sige na nga! Alis na rin ako! May pupuntahan pa rin ako eh.'

Ako...

'Sige, actually may pupuntahan rin ako ngayon eh. Pakamusta rin ako kay Mama ha!'

Fr. Twin Zarah...

'K'

Wow, ang effort naman ng reply nyang 'K' ha!

Anyways, siya si Zarah Jane Villafuerte. Matalino rin siya katulad ko but mas matalino lang ako nang katiting sa kanya. Valedictorian ako nung high school, siya naman Salutatorian.

Magkaiba kami ng course na kukunin. Ako kasi Civil Engineering, at siya naman, Architecture. Para daw mas gumaling kami sa pagpapatayo ng buildings, sabi ni dad. Pero gusto rin naman naming ang courses na kukunin namin.

Pagkarating sa 7-eleven ay kumuha agad ako ng maraming chichirya, drinks, at kung anu-ano pa. pagkatapos kong bayaran ay umuwi na ako agad.

Habang naglalakad ay may nabunggo akong tao. Pagtingin ko, babae pala.

"Ay sorry!" paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Tinulungan ko siyang kunin ang kanyang mga nalaglag na gamit.

May pulbos, panyo, pabango at kung anu ano pa. Nilagay niya ito sa kanyang handbag. Ngunit may napansin akong litrato. Hindi niya siguro napansing nalaglag.

"Teka kilala ko to ah!" sabi ko sa aking isipan. Picture yun nung kasa kasama palagi nung hambog na roommate ko.

"Miss oh!" pagtawag pansin ko sa kanya. Agad naman niyang hinablot ang picture sa kamay ko at tinago sa bag niya.

Pagtingin ko sa kanya, namumula siya!

"Miss, bakit ka namumula?" tanong ko dito.

"Ah...eh... kasi tinatawag mo akong miss kahit di naman ako babae, tsaka nakita mo yung picture." Nakayukong sabi niya sa akin.

"Hi-hindi ka babae?" gulat na tanong ko sa kanya. Tango lang ang sagot niya sa akin.

"Ang ganda mo namang bakla! Atsaka yung picture? Wala yon! Di ko naman kilala yun." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah eh, sige aalis na ako." At agad siyang umalis. Di ko man lang natanong yung pangalan niya at bakit kaya may picture siya nung lalaking iyon?

Pinagkibit-balikat ko na lamang ito.

Pagdating sa room naming ay sakto ring dumating si hambog. Nginitian ko lang naman siya ng nakakaasar na ngiti.

Agad naman nagbago yung itsura niya. From masaya to iritado.

Tiningnan niya yung mga pinamili kong pagkain saka nagtanong. "Ano yan?" turo niya dito.

"Wala pagkain ko. Bakit gusto mo?" tanong ko sa kanya saka ngumiti ulit.

"Hindi noh! Atsaka tigilan mo nga yang mukha mo! Nakakairita!" agad naman syang tumungo sa kama niya at nagtalukbong ng kumot.

"Bahala ka!" sabi ko naman na pabulong. Hambog talaga! Siya na nga ang inaalok eh! Hmmmp!

Agad akong nakaramdam ng gutom. Hindi pa pala ako kumakain. Kinuha ko yung burger at siopao na binili ko sa 7-eleven at kinain.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Pagkatapos kong naligo ay tinungo ko na ang kama ko at natulog na.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now