28: Huli

447 11 3
                                    


Isipin nyo na lang na ang Team KhyRex yung nasa multimedia. Hehehe

__________

~=Khyron=~

__________

Tatlong lingo ang lumipas ngunit hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari kanila Lester at Blake. Naguguluhan pa rin ako kung ano nga baa ng dahilan ng komprontasyon nilang iyon. Tinatanong ko rin si Zarex pero itong si kumag ay parang walang pakialam.

Sinasabi nya lang na hayaan ko na lang daw at baka may hindi lang pinagkaunawaan. Parehas pa man din daw na lalaki kaya mapride daw talaga yon.

Pero iba talaga eh. Iba yung away nila ngayon. Actually, ngayon ko nga lang sila nakitang nag-away eh. Ni hindi ko nga sila nakitang nagkatampuhan sa school o kaya sa mga gala namin, away pa kaya. Ibig sabihin ay may mas malalim pa itong meaning, hindi lang basta away.

Hindi ko alam ah, pero iba yung naiisip kong dahilan kung bakit sila nag-away ng ganon. Ewan ko ba sa kumag na ito, manhid din ata na hindi maramdaman kung anong pinag-awayan nila. Eh nandun na nga sa sinabi ni Lester eh.

Pinilit ko na lang na hindi intindihin ito at hayaang lutasan nila Blake at Lester ang sarili nilang problema. Nandito naman ang buong barkada kung sakali mang kinakailangan nila ng tulong.

Nung mga nagdaang araw ay palagi pa ring lumalabas ang barkada. Pumupunta kami sa iba’t ibang mall, or sa iba’t ibang lugar na malapit lang dito sa Maynila para lang gumala at magliwaliw. Kailangan rin kasi namin iyon para matanggal ang lahat ng stress na meron sa aming katawan.

Katatapos lang kasi ng aming 1st year sa kolehiyo, ngayon nga ay bakasyon grande nanamin. Kaya’t nilulubos namin ito sa pamamagitan ng paglibot sa iba’t ibang lugar at pagbabar hopping.

Oo bar hopping. Eh sa mahilig uminom mga barkada ko eh. Nandyan yung alas otso kami papasok ng bar, pero nadadatnan na ng alas sais ng umaga. At kapag nangyayari iyon ay ako na lang ang naiiwang gising. Mga deputa, lalakas uminom pero di naman kayang ihandle ang alak ng mabuti. Putcha, isa isa ko kaya silang binubahat at isakay sa sasakyan ni RJ.

Buti sana kung kasing gaan lang ng katawan ni Zara hang mga kupal na barkada ko. Pero hindi eh! Kay Zarex pa lang ay ubos na lahat ng energy sa mga muscle ko. Para kang magbubuhat ng tatlong kabang bigas sa bigat nun eh. Mantakin mo pa kung lahat sila ay lasing.

Natapos ang first year namin na kaming lahat ay may award, humble bragging pero 1.4 lang naman ang GWA ko at 1.25 naman ang kay Zarex. Putcha, kung titingnan mo talaga sa panlabas na kaanyuan itong hayop na ito ay hindi mo aakalaing matalino, di lang matalino, genius pa. eh sa pagkakaalam ko ay puro tamod lang ang laman ng utak neto eh. Nagtataka tuloy ako kung saan nya nahahagilap yung talino nya.

May academic excellence awards din sila RJ, Zarah at Lester. Si Blake naman ay may sports excellence award dahil na rin sa pagkakasama niya sa badminton at chess club ng paaralan. Si Ford naman ay may Leadership award dahil na rin sa pagiging bossy nya, in a good way. Lagi kasi syang ginagawang officer sa mga clubs, gaya ng Environmental Protection Org., Freshmen Committee, at Math Club.

Lahat naman kami ay masaya dahil sa mga awards na ito. At guess what? Bar hopping nanaman ang ginawa ng mga damuho. Tatlong bar ata ang naikot namin sa Makati nung gabing iyon. As usual, ako nanaman ang nagbubuhat sa mga lasing nilang katawan.

Pasalamat ko na nga lang at may kotse sila RJ at may personal driver pa ito kaya may tagahatid sundo kami kapag may ganoong pangyayari. Hindi pa naman ako marunong magdrive ng kotse. Motor lang.

Sumama na rin sa amin si Drei bagamat hindi madalas. Nandun pa rin sya sa bar at sumasayaw pa rin doon. Nagaapply naman na sya ng ibang trabaho at hinihintay na lang iyon. Sa susunod na pasukan nga ay tutuloy na rin ito sa kolehiyo at sa wakas ay maabot nya na rin ang kanyang mga pangarap.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now