18: Biglaan

505 7 0
                                    

Hello guys. Thanks sa pagsuporta at pagbabasa ng stories ko. Super appreciated it. Enjoy sa new update!  :)

Isipin nyo na lang na ganto yung kwarto nila kakalat. (See the picture above. )

~=Khyron=~

Isang magandang umaga nanaman lord! Matiwasay ang tulog ko kagabi at ang gising ko ngayon. Matagal tagal ko na ring hindi naachieve ang mga ito since midterms.

Bumangon na ako sa higaan at nagisip isip. Wala lang. Si kumag naman ay nakayakap sa akin kanina. Natawa na nga lang ako at agad na tinanggal ang hita nya. Ang bigat kaya.

Pinagmasdan ko ito habang natutulog sa kama na pinagdikit naming dalawa. Nakatopless lang ito at boxer shorts at nakanganga. Gwapo pa rin si mokong kahit ganyan.

Mahilig kasi yang mag tanggal ng damit habang natutulog. Nililinaw ko na. Baka isipin nyong nagmimilagri at naglalaro kami ng apoy dito sa loob.

Agad naman akong nagtungo sa banyo saka naghilamos. Hay. Gwapo ko rin no?

Nalimutan kong sabihin na nakabili na rin kami ng ibat ibang gamit pangluto dito sa kwarto. Gaya ng single burner stove, rice cooker, at mini fridge. Mabuti na rin iyon para di na rin kami bumibili sa labas. Si Zarex nga ay bumili pa ng coffee maker dahil mahilig daw itong magkape. Aysuuus. Palatastas nya lang yon.

Pinaghanda ko na sya ng pagkain dahil kung hindi ay katakot takot na sermon nanaman ang maabot ko galing sa kanya. Sya pa naman ang hari sa relasyong to.

Ops. Hindi nga pala kami. Nag-aassume nanaman ako lol.

Actually, iniisip ko pa rin yung nasabi ko sa kanya nung isang araw. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil dun. Shet.

Flashback

Halata naman sa mukha nito ang panghihinayang. Lol, di ka makascore no? Hahahahaha buti nga.

"Eto naman, di pa ako pagbigyan. Damot mo!" Pagpapaawa nito sa akin. Kala mo, madadala mo ako dahil dyan?

"Saka na lang hahaha. Unavailable ako ngayon eh sorry. Sa birthday ko na lang" Sabi ko sa kanya.

"Oy. Narinig ko iyon. Wala nang atrasan. Next week na yon, kaya humanda ka na. Hahaha may isang linggo pa ako para magimbak ng katas, at sisiguraduhin kong sayo lang lahat yon hahahaha." Napatigil naman ako sa sinabi nyo. Basta bahala na.

End of flashback

Tanga tanga mo rin kasi Khyron Reyes. Eh pinatulan mo rin naman yung gago. Alam mo na ngang may pagkahayok yung sa kalibugan eh.

Argghhhh basta bahala na. Sana ready ako. Hahahaha joke.

Nasa ganoong pag-iisip ako ng nagising naman ito. "Oy. Kanina ka pa gising?" Pasuray suray na tanong nito.

"Oo eh. Napakalakas mo kasi humilik. Tsaka ang bigat bigat ng hita mo. Makayakap ka naman eh kala mo mawawalan ka ng unan. Ginagawa mo akong unan eh." Sagot ko.

"Eh lambot mo kasi. Sarap mong yakapin. Sarap mo rin sanang kan-" tinigil ko na ito dahil alam kong kalibugan nanaman ang mabibigkas ng bibig nya.

"Ooppps. Hanggang dyan ka na lang panget. Alam ko na yang sasabihin mo. Gagong to."

Natawa na lang ito.

"Ano yan?" Napansin niya ang mga pagkain na hinanda ko. Nakapatong kasi ito sa mini table namin.

"Pagkain. Bulag ka ba? Para po sa inyo yan mahal na hari. Alam nyo namang hindi kayo dapat pinaghihintay diba po?" Asar ko naman dito.

"Mabuti naman kung ganun aliping saguiguilid. Matuto kang rumespeto sa hari mo." Kunyare ay umaasta itong hari habang nakataas pa ang noo.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now