22: Kaibigan

536 9 0
                                    

Hi guys. Update uli.

Tingnan nyo si Khyron habang umiinom ng kape sa SB. Hahaha. Gwapo no? (See the picture above^)

Chapter dedicated to: Devilish_elf dahil naiinspire ako dahil sayo. Salamat.

~=Khyron=~

“Aba tangina mo RJ ha. Anong masamang hangin ang umihip sayo at naisip mong manlibre ha!?” bunganga nanaman ni Zara hang bumungad sa chapter na ito matapos nyang mapuna si RJ na ngayon nga lang naman talaga nanlibre.

Nandito kasi kami ngayon sa isang sikat na restaurant sa Taguig. Wala na kasi kaming schedule ngayong hapon kaya’t naisipan naming maghang out muna kasama ang barkada.

“Tumahimik ka na lang dyan at kumain. Dami mong satsat.” Pagpuna ni RJ habang umuupo. Nagorder kasi ito ng makakain.

“Aba aba, yabang netong lalaking ito ah. Hoy para sabihin ko sayong kupal ka, hindi porket anak ka ng may-ari ng university ay pwede mo na akong tarayan ha? Ako kaya ang reyna sa grupong to.” Pagmamaktol naman ni Zarah.

“For the last time, please, shut your mouth lady. Sorry, pero nakakabingi.” Sabi naman ni RJ habang inaayos ang kanyang salamin.

“Wow. Unbelievable.” Hindi makapaniwalang sigaw ni Zarah. Eh paano, si RJ lang naman ang nakakapagpatahimik dyan sa bunganga ng babaeng yan. For the nth time nga eh, siya nanaman ulit.

“Hoy hoy. Tumigil nga kayong dalawa dyan. Alam nyo bang may kakilala ako dati na nagkatuluyan dahil dyan? Hindi sila magkasundo nung una pero ngayon ay mag-asawa na at may anak pa. Sila kuya Ice yon tsaka yung pinsan kong si kuya Blaze. Kaya kung ako sa inyo, tumigil na kayo dahil magaling pa man din akong matchmaker.” Pagpigil naman ni Blake sa dalawang ito. Agad namang tumigil si Zarah dahil ayaw nya atang magkatuluyan sila ni RJ. Oh well, di ko rin naman alam kung anong mangyayari kung silang dalawa ang magnobya.

Speaking of magkatuluyan, dalawang linggo na rin pala ang nakalipas simula nung nagpropose sa akin si Zarex para manligaw.

Halatang gulat na gulat nga kami noong gabing iyon dahil unexpected nga. At hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako habang inaalala ko ang mga pangyayaring iyon.

Flashback

Naiwan naman akong speechless habang nakatayo. Hindi dahil nabigla sa sinabi nya kundi nabigla kung anong ginagawa nya ngayon. Lumuhod ito saka inilabas ang singsing sa box. Humarap ito akin at nagpatuloy.

“Khy, pwede ba kitang ligawan?”

Tila hinampas naman ako ng bato sa ulo ng narinig ko ang mga katagang iyon. Kasaby ng pagpasok ng kung anong kiliti sa aking tyan at saya sa aking puso.

Napaluha na lang ako ng bigla dahil sa kanyang ginawa. Nananatili syang nakaluhod hanggang sa titigan ko ang mga mata nya. Makikitang sobrang seryoso sya sa kanyang ginagawa at mistulang nangungusap pa ang mga mata nito para sagutin ko.

Lahat ng kanyang mga sinabi ay tumatak sa akin. Totoo namang hindi maganda an gaming simula dahil nauwi pa nga ito sa suntukan sa loob ng bus. Pasalamat nga ako noon sa konduktor dahil inawat nya kami kundi hindi na sya kasing gwapo ngayon. Hanggang sa maging karoommate nga kami at magkaklase pa sa kaparehong university. Ang aming samahan nga ay parang aso’t pusa. Nagaaway at nagbabati. Pero para rin kaming susi at kandado dahil kulang ang isa kung wala ang isa. Hindi ko lamang inaakala na ang gwapong katulad nya ay mahuhulog sa akin. Kahit noon pa lang ay ako ang naunang nahulog sa kanya, hindi ko lang inaamin dahil natatakot ako. Baka kasi hindi pala kami parehas ng nararamdaman at maiwan na lamang ako sa ere. Puro kami lambingan pero walang kasiguraduhan kahit ramdam kong gusto na nga namin ang isa’t isa. Pero ngayon ay nandito na sya sa aking harapan, nakaluhod, naghihintay ng aking basbas para sya ay manligaw.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now