5: Alaga

3K 46 0
                                    

~=Zarex=~

Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa labas upang umuwi na.

Hinanap ko si hambog para may makasabay akong umuwi pero nakita kong kasama niya si Ford. Somehow, I was struck by jealousy.

Nakita ko silang magkasama, nagngingitian, nagtatawanan, samantalang ako dito, mag-isa.

Ugh! Ano ba itong pinagsasabi ko!

Napagpasyahan ko nang umalis at maglakad na lang pauwi kasi gusto ko rin namang malibot tong lugar namin.

Kinuha ko ang phone ko, pinunta sa music at sinalpakan ng earphones ang tenga ko.

Nawiwili rin naman ako sa paligid. Marami rin palang establishments dito. Makapunta nga dito minsan.

Habang naglalakad, may nadaanan akong eskinita, at may naririnig akong sigawan doon.

Dala ng curiousity, tinahak ko ang eskinitang iyon at nang maramadaman kong malapit na ako sa sigawan ay nagtago na muna ako.

Sumilip ako. May nakita akong babae, umiiyak at parang pinipilit na gawan ng kahalayan ng tatlong lalaki.

Dahil sa nakita, agad akong lumabas sa pinagtataguan at hinarap ang tatlong kulugo.

"Hoy! Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo ha!?" galit na sigaw ko sa mga ito. "At sino ka naman, wala kang pakealam!" bulyaw naman sa akin ni kulugo 1.

"Mali yang ginagawa niyo! Dapat rinerespeto ang babae hindi giagawan ng kahalayan!" sigaw ko ulit sa kanila.

"Aba matapang ka ah!" sabi naman ni kulugo 2. Siguro mga nasa 20's na sila. "Upakan natin to pre, para maleksiyonan." Sabi pa ni kulugo 3.

Mukhang makaksabak ako sa bugbugan ah! Ba! Kala niyo hindi ako marunong lumaban? Nag aral kaya ako ng jujitsu, wushu, at kungfu nang minsan kaming pumunta sa Japan at Korea.

Bigla namang sumugod si kulugo 1. Umilag ako at sinikmuraan siya. Ayun sapul! Napahaiga pa siya.

Sunod naman na sumugod si kulugo 2. Ganun ulit ang ginawa ko but this time sinuntok ko naman sa mukha. Putok ang labi niya haha!

Si kulugo 3 naman ang sumugod. Iilag sana ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay, the sinikmuraan. Ang sakit! Namanhid tyan ko dun ah!

Bigla namang may humawak sa dalawa kong kamay. Pagtingin ko si kulugo 1 pala.

Tiningnan ko yung babae na kasalukuyang nanunood lang sa amin na may takot sa mga mata. "Miss! Umalis kana! Ako nang bahala dito!" pagtawag ko ng pansin sa kaniya.

"Sa-salamat!" agad naman siyang tumakbo palabas ng eskinita. Lalaban pa sana ako ng may sumuntok nanaman sa mukha ko.

Napahiga ako dahil doon. Lumapit naman si kulugo 2 at sinipa ako sa tyan. Ginaya rin nung dalawa yung ginawa ni kulugo 2.

Sipa sa tyan, sipa sa paa, sipa sa hita, sipa sa mukha, at sa ibat ibang parte pa ng katawan ko.

Dahil na rin sa sobrang sakit na nararamdaman ko at sobrang panghihina ay hindi na ko na nagawang lumaban pa.

Bumibigat na ang mga talukap ko sa mga mata. Narinig ko pa silang magsalita bago umalis.

"Wala naman palang binatbat eh, ang yabang yabang! Buti nga sayo!" sabi nang isa at dinuraan pa ako!

"Tara na! baka mapatay ko pa yan eh!" may nagsalita pa at umalis na sila.

Masakit ang buong katawan ko! Hindi na rin ako makakita ng malinaw. Pero kaya ko pa namang tumayo.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now