23: Sandali

530 8 2
                                    

Update uli guys. Salamat again sa support. Enjoy reading!

Kegwapo nga naman ni Zarex oh! Abs nya mga teh. (See the picture above^) :P

Dedicated to Luine_Silivren19. Salamat dahil ikaw ang unang unang nagbabasa sa mga updates ko hihi

--------

~=Khyron=~

Mabilis lumipas ang mga araw sa mga buhay naming ni Zarex. Ganun pa rin ang kwarto namin na amoy tamod ng lalaking iyon. Nagkalat pa rin ang kanyang mga iniwang saplot na parang ahas na nagpalit lang ng balat. Buwiset.

Mahigit isang buwan na rin ang lumipas kaya naman mas lalo pang humigit ang samahan naming dalawa. Hindi naman kami masyadong nag-aaway except lamang kapag ito ay humihirit na makascore.

Minsan ay napgbibigyan ko ito dahil nadadala rin ako ng temptasyon. At inaamin kong nagiging marupok ako kapag humahalik na sya.

Halos higit dalawang buwan na rin palang nanliligaw ang mokong sa akin. Katulad ng dati ay malambing pa rin ito at hindi pa rin matatawaran ang kanyang kaguwapuhan lalo na kapag ito ay bagong ligo at basa pa ang buhok.

Hindi naman kami nagmamadali. Inuunti unti naming ang bawat segundo ng aming mga buhay. Habang lumilipas ang araw ay palapit ng palapit ang araw ng pagsagot ko sa kanyang panliligaw.

Sweet si kumag. Inaamin ko na. Tangina, kulang na lang talaga at gawin akong babae eh. Nandyan yung bigla na lang nang-iiwan ng rosas sa aking upuan sa university. Minsan ay nagyayayang magdate sa Antipolo na noon ay nagiging tambayan na naming dalawa. Minsan ay humahalik na lang ito ng bigla sa akin na ikinakakilig ko naman. Putcha, ang corny ko.

Pero ang pinakagusto kong parte ng samahan naming ay kapag nagigising ako ng umaga at ang kanyang mukhang nakangiti agad ang bubungad sa akin. Napakaaliwalas na kahit umuulan ay nagibigay liwanag sa aking mga mata. Hinding hindi ko maipagpapalit ang eksenang iyon.

Cool and collected lang syang manligaw. Hindi naman ito masyadong showy sa publiko ayon na rin sa gusto ko. Punyeta, susuntukin ko yan kapag lumandi sa akin sa public. Sabi ko sa kanya na saka na kapag naging kami na at kapag handa na rin kaming dalawang humarap sa maraming tao at ipagsigawan an gaming relasyon.

Hindi naman ito nagtatanong kung kailan ko sya sasagutin. Basta nanliligaw lang sya ganun. Minsan nga ay natanong ko ito noong kumain kami sa labas kamakailan lamang.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa kita sinasagot, kumag?” tanong ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso.

“Hindi naman. Bakit ako magtataka at magmamadali kung iyon ang gusto mo? Ikaw ang may hawak ng magic words tol at hindi ako. Alangan naming madaliin kita pero labag naman sa iyong kalooban diba? Maganda rin naman na ganto lang muna ang set-up nating dalawa para na rin magkaroon tayo ng magandang pundasyon sa hinaharap at mas makilala pa an gating mga sarili. Alam mo ba na kaya maraming natatapos na relasyon ngayon nang maaga? Kasi hindi pa nila kilala ang kanilang mga sarili eh sumusubok na agad magmahal. Katulad nga ng sabi ni Justin diba? You should go and love yourself.” Pagpapaliwanag nito habang kinakanta pa ang mga huling kataga.

Natawa naman ako dahil sa ginawa nyang ito kaya naman nagtaka ito at nagtanong sa akin. “Oh? Bakit ka tumatawa? Ayaw mo nun, kinantahan na nga kita eh.” Pagmamaktol nito na parang bata.

“Wag mo nang pangarapin, lol. Itigil mo na iyang pagkanta mo at baka umulan pa.” pagpigil ko sa kanya bagamat may boses naman ito na masarap pakinggan at nakakadagdag pa ng pogi points nya.

Sumimangot lamang ito sa akin at itinuloy na an gaming pagkain.

Ganun lang ang set up naming noong mga nagdaang araw. Hindi naman kami nagtatago sa aming mga kaibigan dahil alam na alam nila ito. Minsan minsan rin ay isinasama naming si Drei pagkatapos ng kanyang trabaho dahil naging kaclose na rin namin ito.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now