Chapter 1

5.5M 141K 110K
                                    

Warning: May mga maseselang pangyayari ang maaring makita nyo sa kwentong ito. Huminga ng malalim at sabay-sabay nating pasukin ang Hell School.

Vote and Comment!

CHAPTER 1 : Welcome to Hell

Zein's Point of View

Hindi ako mapakali sa pagkamot sa aking binti. Naka maikli akong short na laging nadadaplisan ng mga damo sa paligid. Maputik na rin ang rubber shoes ko.

"Sigurado ba kayong dito ang daan? Sabihin nyo lang kung naliligaw na tayo ah? Para naman hindi ako mabigla." Inis na sambit ko.

"Pwede ba, Zein? Tumahimik ka? Kanina ka pa angal nang angal. Wala ka namang naitutulong."

Inirapan ko na lang si Mia na busy sa pagturo sa direksyon. Siya kasi ang may hawak ng mapa na napulot nya sa kung saan.

"Masyadong matalahib. Mag-ingat na lang kayo baka may ahas sa paligid." Sambit ni Dave.

"Salamat sa pananakot, Dave." Sambit ni Vanessa na may hawak na stick.

"Sshh. Mas mapapagod lang kayo kung magdadada kayo." Suway ni Jerome na nauuna sa aming maglakad.

"Malapit na tayo. Konting tiis na lang." Pagpapahinahon sa amin ni Matt.

Halos mapamura ako nang may putik na dumikit sa aking hita. Sinamaan ko si Vanessa dahil sa hawak niyang stick.

Natawa na lang siya bago tumabi kay Mia. Hindi man lang humingi ng sorry.

Papunta kami ngayon sa Hell University sa gitna ng kagubatan. Isn't it amazing? Haha. May napulot kasi si Mia na mapa at syempre, barkada kami na mahilig sa adventure, heto kami ngayon, papunta na roon.

"Aray!" Nasubsob ako sa likod ni Matt nang bigla siyang huminto. Ngayon ko lang napansin na huminto pala silang lahat.

Nalaglag ang panga ko nang makita kung ano ang tinitignan nila. Isang lumang gate na sobrang laki at kinakalawang na. Sa gitna ay may nakalagay na Hell University na nakasulat sa parang dugo. Creepy.

"Heto na ba 'yon?" Tanong ni Jerome. Halos umikot ang mata ko. Isn't it obvious, Jerome?

"I think ito na nga." Sambit ni Mia.

"Anong ginagawa nyo rito?!"

Humawak ako sa damit ni Matt dahil sa takot sa biglaang pagsulpot ng isang mama na may dalang itak. Gosh!

"Eto na po ba ang Hell University? We want to enroll." Ani Mia.

Sumilay sa tuyong labi ng mama ang isang ngisi. Shit! Parang ayoko na.

"Sundan nyo ako." Nauna na syang naglakad sa amin.

Humawak ako sa braso ni Vanessa na excited na. Bakas sa mukha nila ang excitement habang ako ay natatakot. Psh.

"I think. It's a bad idea, Van." Bulong ko kay Vanessa.

"I don't think so."

Hindi ako makapaniwala pagpasok namin. Bumungad sa amin ang mga estudyanteng tahimik na nag-uusap. Iyong iba ay umiiyak.

"You should be registered first." Sambit ng mama.

Hindi ko matanggal ang tingin sa mga estudyante. Iyong iba ay matalim na titig ang ipinupukol sa amin. Tapos 'yong iba ay nakangisi. Shet! Creepy.

"It will be exciting." Bulong ni Jerome na kinikindatan ang mga babae.

Parang napakasikip ng lugar na ito gayong napakalawak nito. Hell University. Napatakip ako sa aking bibig nang biglaang magtakbuhan ang mga estudyante.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon