Epilogue

3.1M 97.5K 230K
                                    

Epilogue...

Mr. Razon's Point of View

Nakakatuwa ang klase ng pag-iibigan ng dalawa. Hindi pangkaraniwan at hindi maikukumpara sa iba. Pero ang mas nakakatuwa ay umusbong ito sa lugar kung saan ang pag-ibig ay isang pagpapakamatay.

Kung buhay lang siguro si Mr. Valdez ay matutuwa 'yon dahil sa kanyang bunso at alam kong hindi nya hahayaang may mangyaring ganito.

Nakatingin ako sa dalawang incubator kung saan nakahimlay silang dalawa. Hindi kakayanin ni Zein pero isinugal nya ang buhay nya.

Napatingin ako sa mga kaibigan nyang tulala. Mga totoong kaibigan na naging sandalan nya sa lugar na ito. Nakakabilib na hanggang sa huli ay magkakasama pa rin sila. All I can say is it is indeed a true friendship.

"Kakayanin ba ni Zein?" Tanong sa akin ni Raze.

Napatingin ako kay Miss Shion na walang malay.

"Hindi ako sigurado."

"Then, stop it." Natigilan ako sa sinabi nya.

Matapang na sinalubong ko ang kanyang mga titig.

"What do you mean?"

"Ayokong maging si Zein ay mapahama-"

"Shut up." Natigilan si Raze nang marinig ang madiing wika ni Matthew.

Napatingin sa kanya si Raze.

"Hindi kakayanin n-"

"Hindi nya magugustuhan ang nais mong mangyari. Kilala ko si Zein..." Tumagos ang titig nito kay Zein. "Kaya nyang ibigay maging ang kanyang buhay para sa isang taong importante sa kanya..." Napangiti ito ng mapait. "Hindi lang importante sa kanya si Supremo... Masasabi kong siya ang buhay nito." Dugtong pa nito.

Kinain kami ng katahimikan matapos nila magsagutan. Hindi na rin nagsalita pa si Raze.

Nilapitan ko si Ace. Taimtim ko itong tinitigan nang may mapansin akong nagpakunot ng noo ko. Muli ko itong pinagmasdan. Napangiti ako bago mabilis na pinindot ang stop button.

"Anong nangyari?!"

Bumukas ang mga incubator at mabilis kong hinawakan ang pulsuan ni Ace. Napangiti ako.

"Humihinga pa si Ace..." Wika ko. "Hindi magiging matagumpay ang operasyon na ito dahil hindi sya namatay. Buhay sya." Masaya kong wika.

Walang kwenta ang formula at dugo ni Zein dahil buhay si Supremo Ace.

Nakakamangha! Akala ko patay na sya kanina dahil hindi ko maramdaman ang pulso nya ngunit ngayon ay naramdaman ko na ito. Lumalaban sya... Lumabanan sya sa kamatayan.

Ace Craige...

"Anong gagawin natin?"

"Kailangan nyang masalinan ng dugo..." Napatingin ako kay Raze na nakangiti. Mabilis na ibinigay nya sa akin ang kanyang braso.

"Kunin mo ang dugo ko... Kalahati lang ah? Gusto ko pang mabuhay at mahanap ang forever ko."

Binalot kami ng tawanan... Malaki ang posibilidad na makaligtas ang dalawa dahil pareho silang lumalaban. Isa lang ang ibig sabihin nito.

Hindi pa natatapos dito ang pag-iibigan nila...

----

After one month...

Allison's Point of View

Tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng lamesa ko. Isang hindi familiar na numero ang nakaflash sa screen.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon