Chapter 48

2M 72.7K 27.7K
                                    

Chapter 48: Delubyo

Zein's Point of View

Giving up doesn't mean you are weak. Sometimes, it is better to let go something that might hurt you for the better.

Kahit na anong gawin kong pakikinig sa sinasabi ni Sir Alvarez ay wala akong maintindihan. Ayaw magprocess ng lessons sa akin dahil nasa malayo ang aking isipan. Lumilipad sa napakaraming bagay at laging bumabagsak sa tanong na--- Asan na sya?

Magsimula nang masuspend sya ay hindi ko na sya nakita. Hindi ko alam kung asan sya at wala ring binabanggit sina Teacher Kath at Vice Ty tungkol sa kanya.

As usual ay natapos ang klase na wala akong naintindihan. Mabilis na ibinalik ko lahat ng gamit ko sa bag nang biglang masagi ng mata ko ang isang kahon.

Iginala ko muna ang mata ko sa classroom namin kung saan ako na lang ang nasa loob. Wala na rin si Sir Alvarez.

Inilabas ko ang kahon sa bag ko at pinagmasdan ito. Hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko habang inaaalala ang mga panahon na hindi pa ganito kakomplikado ang lahat. Nanginig ang labi ko kaya mas minabuti ko na lang na iwaksi lahat ng bumabagabag sa akin.

Marahan ko itong binuksan at kinuha ang patalim. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa patalim na ito pero naagaw ng isang marka ang aking atensyon.

A black dragon with red eyes. Kumunot ang noo ko nang sumagi sa isipan ko ang pangalan ng isang tao nang makita ko ang mata ng dragon. Mapula... Nakakatakot... Raze.

Raze? OH.MY.GHAD!

"Who gave you that?"

Sa gulat ko ay nalaglag ko ang kutsilyo na lumikha ng ingay. Sinamaan ko ng tingin si Jerome na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

Pinulot nya ang kutsilyo at inusisa. Pabalik-balik ang tingin nya sa kutsilyo at sa akin at nanatiling nakakunot ang noo at kilay nito.

"Who the hell gave you this knife?"

"B-Bakit? Anong meron sa kutsilyong 'yan?"

Kinuha nya ang kahon na nasa arm chair ko at ibinalik doon ang kutsilyo. Inilagay nya itong muli sa arm chair ko kaya ibinalik ko na ito sa aking bag.

"Wala ka bang alam kung ano ang ibig sabihin ng marka na 'yon?"

"D-Devil God Warrior?" Patanong na sagot ko.

Nginisian nya ako bago isinakbit sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay. "Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang nagbigay sa'yo nyan.... But that is the symbol of Raze Silvenia, not the Devil God Warrior." Malalim na wika nito.

Bahagyang umawang ang bibig ko sa narinig ko at sumabog ang napakaraming tanong. "H-Huh? Paano mo nalaman?" Naguguluhang tanong ko.

Bigay ito ni Supremo not Raze. Kung totoo man na si Raze ang nagmamay-ari ng patalim na ito ay paaanong napunta ito kay Ace?

"I am one of the Devil God Warriors."

Bahagyang tumigil ang pagprocess ng utak ko dahil sa sinabi nya at wala akong nagawa kundi ang tumunganga sa kanya. Myembro sya ng DGW?! Kaya ba kasama na sya sa H10? Paano? Bakit?

Kaya ba siya umaaalis tuwing gabi katulad ni Matt? Pero ano naman ang rason nya? And... Magkaaaway ang dalawang gang kaya posibleng--- UGH! Bakit ang gulo?! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

"Stop torturing yourself from so many damn questions, Zein. Masasagot din lahat ng tanong mo... malapit na."

Hindi ko alam pero nawala na ang excitement sa loob ko sa tuwing papunta na ako sa SSG Office. Maybe because I am not expecting him to be there. Yeah, wala sya roon.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon