Chapter 3

3.1M 95.1K 67K
                                    

Chapter 3: Break the rule

Mia's Point of View

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa silya sa gitna nila Jerome at Dave. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa teacher na nagsasalita sa harap, kami lang ata ni Matt ang hindi mapakali.

"Sa tingin mo okay lang kaya siya?" Tanong ko kay Matt na seryosong nakatingin sa labas.

Hindi siya sumagot at alam kong kinakabahan din sya. Mag-isa lang si Zein sa subject na iyon plus na babae pa sya kahit na amazona iyon.

Pinagpawisan akong muli nang maalala lahat ng nangyari kanina. Iyong ngisi sa akin ng lalaking pula ang buhok.

-flashback-

Kasalukuyan akong nakatingin sa labas. Nakakabored ang Math subject. Psh.

Kumunot ang noo ko nang biglang may sumulpot na lalaking pula ang buhok sa gilid ko, bale nasa labas siya ng bintana. Nakangisi siya sa akin.

May earings ito na halos lahat ng parte ng tainga nya ay meron. Maputi ito at matangos ang ilong. Matangkad at malapad ang katawan.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Ni hindi ko magawang lumingon kay Zein na kanina pa ako tinatawag. Ilang minuto syang nakatayo roon at muling sumilay sa labi nya ang isang ngisi. Nakakakilabot.

Mabilis ang pangyayari at nawala sya sa paningin ko at may lalaking nakatali sa silya na. Nabigla ako kaya hindi ko maiwasang mapayakap kay Zein at humagulgol.

-End of Flash Back-

Sino sya? Ginawa nya lang ba iyon para lituhin ako at mailagay nila ang lalaki sa silya na iyon? Bakit nila ginawa iyon? Anong gusto nila?

"Miss Almia Mendez? Are you with us?"

Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa hiya na kanina pa pala ako kinakausap ng teacher namin.

"Sorry." Magalang na paghingi ko ng paumanhin.

Hinawakan ni Dave ang kamay ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa harap.

--**--

Zein's Point Of View

Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nasa isa akong paglilitis.

"Are you okay?" Nakangising tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako nang hindi tumitingin sa kanya. Sino sya? Anong kinalaman nya sa Black Blood Gang na simbolo ang pako? Shit! Kasabwat ba sya sa pagpatay?

"You want to know everything?" Bulong nya sa aking tainga na nagbigay sa akin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Pinagpapawisan ang palad ko.

Teka. Ano bang sinasabi nya? Tungkol ba sa HU?

"Nah. Malalaman ko lahat sa aking sariling sikap. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Matapang na sagot ko.

Isang nakakabinging halakhak ang lumabas sa bibig nya. Ni hindi man magawang lumingon ng mga kaklase namin sa kanya na animo'y ikamamatay nila kapag tumingin sila sa kanya.

Sino ba sya? Anong ranggo nya sa HU?

"Your curiosity will kill you Zein but if you really wanna know... find out by yourself, break the only rule." bulong nyang muli.

Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan at hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa napakabigat na presensya ng babaeng ito.

Dumating ang prof namin na kabadong-kabado. Pawis na pawis ito at lumilingon-lingon sa paligid na animo'y may pinagtataguan.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon