Chapter 21

2.2M 88.3K 87.1K
                                    

Chapter 21: Weird

Zein's Point of View

Tulala na lumabas ako ng dorm. I need fresh air to calm my mind. Alam na nila ang sikreto ng HU, ano ng mangyayari sa aming anim?

Habang naglalakad ako ay nakakarinig ako ng mga iyakan mula sa mga estudyante, may mga nagyayakapan na animo'y huling araw na nila sa mundong ito.

Is it about that hell week?

"Ayoko pang mamatay..."

"Wala na tayong magagawa..."

"Halimaw talaga sila..."

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa kanila. Halimaw naman talaga sila, pinaglalaruan lang nila kami, buhay ang nakataya. Sigh.

Umupo ako sa isa sa mga bench, tumabi ako sa isang babaeng tulala habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Ni hindi nya nga ata naramdaman na umupo ako sa tabi nya e.

Isinandal ko ang likod ko sa sandalan at pinagmasdan ang mga nagdadaan.

All students are suffering from the insanity of their leaders and yeah, we are now included.

"Heartless..." Napatingin ako sa babaeng katabi ko nang magsalita sya. "Wala silang puso, they are worse than monsters." Sambit nito.

Nanatili ang mga tingin ko sa kanya habang ang kanyang tingin ay nasa malayo.

"You are also like them... heartless."

Nangilabot ako nang tumingin sya sa akin. Ngayon ko lang napansin na lapnos ang kalahati ng mukha nya dahil natatakpan ito kanina ng kanyang buhok na itim.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinila. Hindi ko alam kung bakit ngunit hinayaan ko ang aking sarili na magpahila sa kanya. Dinala nya ako sa likod ng isang abandunadong silid-aralan.

"You!" Dinuro nya ako. "You can do something about this.... but you are afraid." Sambit niya na animo'y sinisisi ako sa mga nangyayari ngayon.

"Nagkakamali ka. Wala akong magagawa sa mga nangyayari ngayon. I am still a powerless secretary."

Tumawa ito nang malakas na animo'y nawawala na siya sa katinuan. Natakot ako sa inasta niya ngunit hindi ko pinahalata.

"Bakit sya? Bakit sya nagawa nya? You are just afraid! Weak! Akala ko katulad ka rin ni Samantha, but it was a big mistake."

"Samantha?" Naguguluhang tanong ko.

Sino ang Samantha na tinutukoy nya? Bakit tinawag din akong Samantha ni Madame Violet? Bakit naihahalintulad ako sa kanya?

"Si Sam ay isa sa mga bago noon. Isa siya sa tatlo na tanga na pumasok din dito pero hindi katulad mo, may nagawa sya para sa amin." Pagmamayabang nya sa akin.

Si Samantha ba ang tinutukoy ni Jane na past newbie? Ang dating secretary na napaibig ang dating Supremo?

"Ahh!"

Sumigaw siya habang hawak-hawak ang ulo na animo'y sobrang sakit ng nararamdaman nya. I tried to help her but she just pushed me away.

"Anong nangyayari sa'yo?!"

Halata na rin ang alala sa aking tono. Napaluhod na sya sa sahig habang sapo-sapo ang ulo. May masakit ba sa kanya?

"Hihingi ako ng tulong." Sambit ko pero bago pa ako makaalis ay nahawakan nya na ang braso ko.

Kahit na hirap na hirap na sya ay nagawa nya pa ring umiling. Tumayo sya kaya inalalayan ko sya.

Pulang-pula na ang mata nya na animo'y dumudugo na ito. Ang kanyang labi ay biglang nanuyo. Anong nangyari sa kanya?

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon