Chapter 11

2.2M 77.8K 29.1K
                                    

Chapter 11: Past Newbies

Zein's Point of View

Nakasunod kami kay Supremo na banayad lang na naglalakad. Nasagilid ko ang lalaking nanginginig pa rin hanggang ngayon, kasama rin namin sina Onel at Fritzy na hindi rin kumikibo.

Kung tutuosin ay maliit na bagay lamang para sa atin ang matapunan ng juice, I mean magagalit tayo pero hindi naman hahantong sa ganito. Hindi ko pa nakikita ang Dark Hell Jail o DHJ pero hindi ko pinapangarap na mapasok doon. I am sure na kamatayan ang hatid noon sa kahit na sino.

"Ayoko pang mamatay..." Ang paulit-ulit na katagang lumabas sa bibig ng lalaking katabi ko na si Ferry, ayon sa sinabi nga kanina.

Nakaramdam ako ng awa pero hindi ko kayang magsalita at sumalungat kay Ace. Hindi ngayon na nag-aapoy sya sa galit. Nakita ko na naman ang demonyong nagkakubli sa kanya. Nakakakilabot.

Habang palayo nang palayo ang nilalakaran namin ay palayo kami ng palayo sa HU, I mean is parang likod ito ng HU. Mga nagtataasang puno lang ang narito at mga talahib. Mabuti na lang at tanghali pa lang kaya hindi mahirap lakarin.

"Ayoko pang mamatay..." Muling sambit nito sa sarili na halatang kahit na anong oras ay iiyak na.

Tumingin ako kay Onel na kanina pa buntong ng buntong-hininga.

"Once he said it, no more question. That's who Ace Craige is." Sambit ni Onel.

"Kung ako sa'yo Zein, bitawan mo na ang pwesto. Hindi mo gugustuhing makita ang buong demonyo na nakakubli sa loob nya." Pananakot ni Fritzy na nakangisi.

"I am not scared." Matigas kong sambit na mahinang ikinatawa nya.

"Really? Pero ako, oo. Nakita ko na minsan kung paano sya magalit. Silent but deadly." bulong nitong muli na hindi ko na pinansin.

Yes. Alam ko na hindi ko pa nakikita ang buong Ace at inaamin kong nakakaramdam din ako ng takot sa kanya. He is the President of this Hell for pete's sake. He is a devil with an evil mind.

Huminto kami sa nag-iisang kulungan sa gitna ng parang gubat na ito.

Sementado ang kabuuan nito. Tanging nag-iisang pinto lang ang meron ito at malakas na klase ng bakal ito na hindi basta-basta nasisira. Wala akong makitang kahit na ano sa loob dahil madilim. Ano kayang meron sa loob nito? Kamatayan.

May kinuha si Ace sa kanyang bulsa. Isang susi, ang susi ng DHJ. Binuksan nya ito at masangsang na amoy ang nasingot namin na ikinaatras namin ni Onel at Fritzy.

Ang bakal na pinto ay may bahid ng mga natuyong dugo. Shit! Anong kaparusahan ito?

"Don't let me to push you inside." Walang emosyon na sambit ni Ace na seryosong nakatingin sa lalaking tahimik na lang at parang tanggap na ang katapusan nya.

Kinilabutan kami nang lumawak ang ngisi sa labi ng lalaking mahinang tumatawa na ngayon.

"Kilala kita Supremo. Alam ko ang sikreto mo."

Unti-unting ngumisi rin si Ace na ngayon ay lumapit na sa lalaki.

"I know. Kaya nga kita dinala rito eh. Alam ko rin ang sikreto mo." sagot ni Ace na ikinakunot ng noo ng lalaki.

Anong sikreto ang sinasabi nila? May mga sikreto pa bang nakakubli?

"P-Paano mo nalaman?" Tanong nito.

"Hindi ako ganon kababaw para lang sa natapon na juice ay parusahan ka ng ganito. Alam ko ang ginawa mo, ikaw ang pumatay kay Grace." Sagot ni Ace. "Alam mong hindi ito magugustuhan ni Jane kapag sinabi ko ito sa kanya."

Hell University (PUBLISHED)Where stories live. Discover now