Chapter 57

2.1M 72.6K 93.5K
                                    

Chapter 57: Revelations

Zein's Point of View

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakangiti sa akin. Nakikita ko ang galak sa kanilang mga mata na nakita nila akong ligtas ngunit nakita ko ang galit sa mata ni Matt habang nakatingin sa balikat ko.

Sa mga kaibigan ko. Masasabi kong si Matt ang napaka overprotective kaya alam ko kung bakit sya sa galit. Nakatali rin ang balikat nya na may bakas ng dugo. Ganon rin si Nazzer na  nakatingin kay Nicky na halatang pagod na rin.

Napatingin ako kay Sir Alvarez na mukhang nag-aalala habang nakatingin sa balikat ko. Ngumiti ako sa kanya na sinuklian naman nya.

Sa mga nakikita ko ay isang lalaki ang nagpakunot sa aking noo.

Ferry. What the hell! Bakit andito sya? Buhay pa sya?

Si Ferry ang lalaking natapunan ng juice si Supremo. Ang lalaking itinapon namin sa Dark Hell Jail.

"A-Anong ibig sabihin nito?" Hindi makanapiwalang tanong ni Madame Violet. "P-Paano?" Halata pa rin ang gulat sa mata nito.

Maging ako ay nagulat at naguguluhan pero kahit papaano ay nalilinawagan na ako ngunit hindi sapat para matigil ang mga katangunangang bumabagabag sa isipan ko.

Napatingin ako kay Francisco na nakangiti habang nakatingin kay Raze. Hindi ko alam pero may nakikita akong lungkot sa mga ngiti nya. Malungkot ba sya? Dahil ba malapit ng matapos ang kasamaan nila o may iba pa itong kahulugan?

"Surprised?" Tanong ni Supremo.

"Why don't you take off your mask?" Hamon ni Francisco kay Raze Silvenia.

Hindi pa rin naalis ang ngiti na napalitan na ng ngisi sa kanyang labi.

Natawa si Madame Violet. "No need. Isa lang namang clone ang nasa likod ng maskarang 'yan dahil ang totoong Raze ay si Supremo." Wika nito.

Narinig ko ang mga bulungan sa likod namin na nagulat sa sinabi ni Madame Violet.

Naramdaman ko ang paghigpit ng  hawak ni Supremo sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko ang nagbabaga nyang mata, ngayon ko lang sya nakitang ganito.

"Paano mo naman 'yan nasabi?" Mainahong tanong ni Raze ngunit kung susuriin mong mabuti ang boses nya ay may halo itong nakakaloko.

Para kaming nanonood ng isang palabas nila Raze, Ace, Francisco at Madame Violet. Nanonood lang kami sa kanila at naghihintay ng susunod na mangyayari. Wala kaming ideya sa mga susunod pangmangyayari at mabubunyag.

Nakabantay naman sa amin ang mga pulis gayon din ang mga armadong lalaki na nakatutok sa amin ang mga baril.

"Madali lang malaman... When Ace is in, Raze is out... Raze in? Ace out. They don't appear at the same time at alam namin na clone lang ang nagpakilalang Raze."

Humalakhak si Supremo sa sinabi ni Madame Violet. Alam rin pala nila na clone lang ang nagpakilalang Raze, hindi lang ako ang nakaalam.

Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Raze. Shit! Ang lamig ng boses nya.

"Nice conclusion...but" Puri ni Ace. "I am no Raze." Dugtong pa nito.

"I am." Wika ni Raze na nagsalita na.

Napatingin naman kami sa lalaking tumabi sa tabi ni Raze. "I am the clone one." Wika nito.

Ang fake Raze, ang totoong Raze, at ang napagkamalang Raze. UGH! Napakakomplikado ng pagkakakilanlan ng lalaking naka pulang maskarang ito.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon