Chapter 15

2.1M 75.6K 37.6K
                                    

Chapter 15: Devil Inside

Zein's Point of View

I knew it! Konsensya nya ang mismong papatay sa kanya. Damn that red guy. Alam nya talagang walang matitira sa tatlo.

Biglang pumasok naman si Supremo na mukhang badtrip. Ngayon ko lang syang nakita na nakasimangot, lagi na lang kasi syang fierce.

"Damn!" Hinampas nya ang lamesa nya at sinubsob ang mukha roon.

Tumingin ako kay Onel na nagkibit-balikat lang. Hindi ko na lang din pinansin si Ace at ibinalik sa ginagawa ko ang aking tingin.

"Prepare SSG Officer."

Natigilan kaming lahat nong magsalita si Supremo. Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero hindi ko maiwasang kabahan. Ano ba ang iniisip nya?

"What do you mean?" Tanong ni Teacher Kath na nakatayo na ngayon sa harap namin.

"S-supremo..." kinakabahang sambit ni Fritzy.

"Kinakalaban talaga tayo ng BBG, pumapatay sila even though hindi bloody night..." pag-uumpisa nya. "Makikita nila kung ano ang hinahanap nila," sambit muli nito.

Sumilay muli sa labi ni Ace ang isang ngisi. Isang nakapangingilabot na ngisi. Anong gagawin nya?

Ito na ba? Ito ba ang delubyong sinasabi ni Teacher Kath? Ito ba talaga o umpisa pa lang ito? Danger, nararamdaman ko na ang panganib. Mas lalong sumisikip ang HU, kinakalaban ng gang ang Supreme Student President. Sino ang matibay? Sino ang mananaig?

"Well...well...well."

Napahinto ako sa paglalakad dala ang mga papeles na kailangan ni Madame Violet nang harangan ako ni Roxane kasama ang mga alipores nya. Sinulyapan ko ang binti nyang may band aid. Masakit ba talaga? Ang arte nito.

"What do you want?"

"Woa! You are just a newbie, pero nagmamatapang ka. Porque nasa ganyan ka ng position?"

I almost rolled my eyes. Bakit lagi na lang kasama ang position ko sa mga ganito?

"So what?" Pagmamaldita ko.

I don't care if she is the Queen here! I also have the position and plus that I am in the nineth place in the highest 10, I think may karapatan din akong maging bitch.

Ngumiwi ito sa akin at naramdaman ko na lang na hinawakan na ng dalawa nyang kasama ang dalawa kong braso kaya nabitawan ko ang mga papel na hawak ko na ngayon ay nakakalat na sa lupa. Nag-init ang ulo ko sa ginawa nila but I remained silent.

"Wala kang karapatang barahin ako. I am the Queen."

Naramdaman ko ang marahan nyang paghila sa buhok ko. Hindi gaanong masakit pero habang patagal nang patagal ay masakit na. Nanunuod lang sa amin ang mga estudyante na animo'y walang lakas ng loob na awatin kami. Pathetic.

"Zein right? Marami akong naririnig tungkol sa'yo. Nagpapasikat ka." Ngayon ay ramdam ko na ang inis sa tono nya.

Napangisi ako sa narinig ko. Lumabas din ang tunay na pakay nya. Ayaw nyang nalalamangan at nakakasira sa image niya. Pathetic bitch.

"Pathetic." Bulong ko.

Napamura ako nang sampalin nya ako ng malakas. Malakas na dodoblehin ko kapag nakawala ako sa pagkakahawak ng bwisit na alipores nya.

"How dare you?! Ginagalit mo talaga ako?"

"You are still a pathetic bitch. You are the Queen? Powerless."

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon