Chapter 10

2.6M 85.4K 115K
                                    

Chapter 10: Accepted

Zein's Point of View

Naglakad ako palabas ng office ni Madame Principal Carmie na tulala. Bwisit na president! Binigyan pa ako ng sakit ng ulo!

Hindi ko naman sineryoso ang mga sinabi nya. Malamang ay nantitrip lang 'yon at gusto nya lang pasakitin ang ulo ko sa kakaisip. Hmp!

"Ms. Shion!"

Tinanaw ko sa hindi kalayuan ang tumawag sa aking pangalan. Mabilis na lumapit ako sa kanya.

"Bakit po Sir Alvarez?" Tanong ko.

Hawak nito ang tatlong libro na ginagamit nya habang nakasakbit sa kanyang braso ang kulay itim nyang shoulder bag. Masasabi kong may itsura talaga ito na sa palagay ko ay nasa mid's 25-30 ang edad nya.

"Maaari ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong nya.

Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero dahil sa alam kong seryoso ito at halatang importante ang sasabihin ay pumayag na ako.

Pumunta kami sa cafeteria at umorder sya ng dalawang juice para sa aming dalawa. Nakaupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria kung saan hindi kami gaanong kita kapag may mga bagong pumapasok dito.

"I need your help."

Wala sa sarili nakagat ko ang straw ng orange juice ko dahil sa sinabi nya. Seryoso ito at hindi ka makakita ng kahit na anong expression sa kanyang mata kundi ang pagsusumamo na tulungan ko sya.

"Para saan po sir?" Tanong ko.

Sumandal ako sa upuan at tumitig sa kanyang seryosong mata. I have a bad feeling about this, may panibago na naman ba akong poproblemahin? Andami ko ng iniisip.

"I am not just a teacher. I am also a detective. They sent me here to rescue you all. Tulungan mo ako."

Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig dahil sa gulat. Hindi ko inakalang detective sya dahil hindi halata sa kanya. Pero anong sinasabi nyang irescue kami?

"What are you trying to say?"

"Listen Zein, isa akong detective at the same time ay secret agent. Dati pa namin minamanmanan ang lugar na ito pero hindi kami makakuha ng impormasyon. Hindi rin namin kayang pakialaman ang university na ito dahil hindi siya sakop ng gobyerno, that's why patago ang ginagawa ko. Isang buwan na ako rito pero wala pa rin akong makitang maaring maging butas ng HU, ililigtas ko kayong lahat but I can't do that by myself that's why I am asking for your help."

Nanatili ang mga mata ko sa seryosong nyang mata. Gusto kong tumanggi pero gusto ko rin namang makatulong.

"Wala akong maitutulong sa inyo." Pagsasabi ko ng totoo.

I am just an ordinary student. Wala akong alam sa HU, wala aking maibibigay na impormasyon sa kanya. Isa pa rin kaming newbies dito.

"Malaki Zein, malaki ang maitutulong mo. Accept their offer."

Kumunot ang noo bago bago napagtanto ang ibig nyang sabihin.

"Secretary... You want me to accept it?" Tanong ko.

Madiin itong tumango bago sumimsim sa kanyang juice.

"If you have the position, it would be a big help. Malalaman mo ang hindi nalalaman ng iba. Alamin mo kung nasaan ang Hidden Laboratory nila rito."

"Laboratory?"

Lumapit siya ng bahagya sa akin.

"Yes. They are hidding their laboratory, pinag-aaralan nila ang formula na nakuha nila bago mamatay si Dr. Quizon."

Hell University (PUBLISHED)Where stories live. Discover now