Special Chapter #1

6K 112 4
                                    

Sa wakas nakagawa na din ako ng special chapter!! Wooh!! Hahahaha after 123456789 years haha. This will be the first and last special chapter of this story. I'm sorry guys. Pero pag natripan ko gumawa ng special chap about Jenn and Flint gagawa ako. Para naman mabigyang hustisya si Flint haha

Nga pala nagbasa ko ng comments last time tapos napansin ko na trip niyo pala si Flint at Zafira. Sorry guys kasi mas trip ko si Aiden at Zafira *peace* tsaka late na din, kaya di ko na pwedeng baguhin ung EPILOGUE. Kaya sorry po. Sorry po talaga.

* * * * *

3rd Person's POV

"Ready ka na?" Tanong ni Jennicah. Tumango si Zafira.

Ngayon na ang kasal nila ni Aiden. This will be the most magical and favorite day of her life. After all the hardships they'll finally get married.

Well, masasabi kong parang panaginip nga talaga ang lahat. Inakala ko na patay na siya pero yun pala ay nagpapagaling lang siya. Sa isip ni Zafira

"Tara na guys!" Sabi naman ni Belle na sobrang excited dahil masyadong marami na ring nangyari at sa wakas nagkatuluyan din ang dalawa.

Tinulungan nila si Zafira na maglakad dahil sa haba ng gown nito. Sa bulwagan ng palasyo gaganapin ang kasal. Hindi na sila naghanap pa ng ibang lugar dahil isa rin naman sa mga saksi ng paghihirap nila ang Palasyo at ang Wizards World.

Tumayo siya doon sa taas ng hagdan. Bababa siya mula rito mamaya. Ang motif ng kasal nila ay red and white. Imbitado ang lahat ng mga bampira at wizards parang hudyat na din talaga ito na nagkaisa na ulit ang dalawang angkan.

"Tawagin na natin si Prinsesa Zafira!" Hudyat iyon para unti-unti siyang bumaba sa hagdan na may malambot na pulang carpet. Lahat ng pares ng mga mata ay naka-tingin sa kaniya. Pigil niya ang kaniyang hininga sa kaba.

Nakababa na din siya at doon naghihintay ang kaniyang ama. Nginitian siya nito kaya ngumiti din siya pabalik.

Nagsimula nang maglakad ang mga abay sa kasal hanggang sa siya na lang ang natitira.

Kumapit siya sa braso ng kaniyang ama.

"Are you ready, anak?"

"Yes dad" Ngumiti siya sa kaniyang ama. Napangiti na rin ang hari dahil alam niyang masaya ang kaniyang anak.

Nasa dulo ng aisle si Aiden. Bumilis ang tibok ng puso ni Zafira habang papalapit siya kay Aiden. Hindi niya mapigilang kabahan.

Bawat hakbang niya ay sobrang bigat ng pakiramdaman niya. Hindi na niya ito maipaliwanag. Nakarating na sila sa dulo.

"Take care of my daughter."

"I will."

Isinukbit ni Zafira ang kaniyang kanang braso sa kaliwang braso ni Aiden. Sabay silang humarap sa wizard na magkakasal sa kanila.

"You look beautiful." Sabi ni Aiden

"Thanks, you look handsome."

Oras na para sabihin nila ang vows nila para sa isa't-isa. Nauna si Aiden.

"We started with nothing. We don't know each other until the time came that you're finally crowned as the princess. I didn't love you just because you're the Princess but because I was mesmerized by your beauty the first time I saw you. I tried my best to win your heart even though I have a rival. But in the end I'm thankful that you chose me over him. I love you... I love you 'til we have our sons and daughters. I will still love until we grow old and I'll never leave you until I die." Isinuot na niya sakin ang singsing.

Oras na para sabihin ni Zafira ang kaniya.

"I love you. It's hard at first dahil ang kulit kulit mo at lagi mo na lang akong pinagtitripan. Inis na inis nga ako sa 'yo noon. Doon ko lang napatunayan na totoo nga ang kasabihang 'the more you hate the more you love'. But I'm still happy that I loved you. And I promise to be a good wife and mother to our future children. We will solve our problems together and make each other stronger." Isinuot na niya ang singsing kay Aiden.

"I now pronounce you husband and wife you may now kiss the bride."

Itinaas ni Aiden ang belo ni Zafira. Pareho silang masaya. Nalungkot man sila minsan. Inakala man nila na malungkot ang magiging ending ng storya nila pero sa bandang huli pala ay magiging happy ending ito.(Hindi kasi bitter si Author. masingit lang✌✌)

Unti-unting lumapit ang mukha ni Aiden kay Zafira until they're lips touches each other.

They both thought that the feeling is the same. Kapareho ng halik nila sa puno sa ilalim ng bilog na buwan but they both know that this is a lot different becauae now they're married. And a happy ever after is after them.

~*~

Zafira's POV

"Congrats sa bagong kasal!!"

"Congrats!!"

Nasa reception na kami nag-eenjoy naman silang lahat.

Gumagala si Aiden para makipagkamustahan sa ibang mga bisita. Nanatili lang ako sa upuan namin.

"Hey, how're you?"

Napalingon naman ako doon sa nagsalita.

"Flint" Niyakap ko naman siya.

"Namiss mo ko?" Tumango ako.

"Congrats sa inyo ni Jennicah at last napansin mo din siya."

"Oo nga eh. Akala ko talaga ikaw ung mahal ko ng mga panahon na iyon."

"Hahaha. I know buti natauhan ka."

"Thanks to you."

Umiling ako, "Hindi ka dapat magpasalamat sakin. Magpasalamat ka sa pagsisikap ni Jennicah."

"Yeah, kung nagsawa siya sakin baka sobra ang panghihinayang ko."

*ehem*

Napatingin naman kami sa tumikhim.

"Oh Aiden. Tapos ka na makipag-usap?" tanong ko sa kaniya

"Yeah, tara na?"

"Ha? Saan? Ang aga pa ah."

"Tss, basta. Bro, una na kami." paalam niya kay Flint. Tumango naman ito.

Sumama na lang ako sa kaniya. Pero nagpaalam muna kami kila papa.

"Mauna na po kami mahal na hari." Paalam ni Aiden kila papa. Kausap kasi ni papa ang tatay ni Aiden.

"Sige, hijo. Siguraduhin mong magkakaapo ako ah."

Tumango si Aiden at ngumiti. "Syempre naman po." At nagtawanan sila.

Umalis na kami doon. Habang nasa byahe hindi ko mapigilang hindi magtanong.

"Anong sabi ni papa?" Hindi ko kasi narinig ung huling part dahil binulong niya lang ito kay Aiden.

"Secret. It's between me and your father."

"Ah ganon? Di mo talaga sasabihin?" Tumango siya

"Sige, wag mo kong kakausapin." Sumimangot ako at lumayo sa kaniya.

"Zaf? Hey, don't be mad. Gusto mo ba talagang malaman?"

Hindi ko siya pinansin.

"*sigh* You're dad told me, that he wanted to have a grand son...tonight."

Napatingin naman ako sa kaniya. Sinabi talaga un ni papa? Grabe nakakahiya! Dapat pala hindi ko na lang tinanong!

Tumalikod ako sa kaniya.

"Hey, you're still mad?"

Umiling ako.

"Eh bakit ayaw mong tumingun sakin."

Umiling ulit ako. Nilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. Nakakahiya talaga un. Kainin mo na ko ngayon lupa.

"You're already 23. Hindi ka na bata."

"Ewan ko sa'yo Aiden! Wag mo kong kausapin!" Tinawanan lang ako nito.

* * * * *

Bitin? Haha try ko sa susunod kapag sinipag ako haha

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Där berättelser lever. Upptäck nu