Chapter 24: Party or Tragedy

11.9K 350 9
                                    

Kinabukasan nga ay natuloy ang sinabi ng hari na ito na ang magtuturo sa kaniya pero hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Zafira ang dahilan sa desisyong iyon ng ama.

"Umpisahan natin sa pamamagitan ng pagmeditate. Tanggalin mo muna yang kwintas mo upang makapag-ensayo tayo ng maayos."

Sinunod naman ni Zafira ang inutos ng ama. Inabot niya dito ang kwintas bago siya umupo at sinubukang magmeditate. Hindi niya pa kailanman nagagawa iyon kaya naman gagawin niya na lang kung anong madalas na napapanood niya sa pelikula.

Hingang malalim tapos buga... inhale... exhale... inhale... exhale...

Sinunod sunod niya lang iyon.

"Hindi ganyan!"

Napamulat si Zafira dahil sa biglaang pagsigaw ni King Zander.

"Po?"

"Bagalan mo ang paghinga mo hindi 'yung para kang hinihingal. Feel that you are at the center of the Universe. You are one with nature. Don't mind anything or anyone one beside you. Feel that you're free from anything."

Ginawa niya ang sinabi ng ama. This time, mabagal na ang paghinga niya at mas nagconcentate pa siya

Naramdaman kong lumulutang na ako sa hangin. Ang porma naman nun.

"Now, I will attack you and you will defend yourself. Pakiramdaman mo."

Pinakikiramdaman niya ang buong paligid pero wala naman. She heard a faint sound like something was thrown in a fast speed. The next thing Zafira knows she was bleeding.

Hinaplos niya ang pisngi na tinamaan ng matulis na bagay. Dumudugo iyon at makirot.

Sunod-sunod siyang nakarinig ng parehong tunog at patuloy na humapdi ang ilang parte ng katawan niya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung anong nangyayari.

Dumaing siyang muli ng makaramdaman na naman ng mahpding bagay. Tuluyan na siyang nanghina at nawala sa konsentrasyon.

Naramdaman niya ang pasuot ng kwintas ng kung sinuman. Dahil doon ay bumalik ang enerhiya sa katawan niya. Pagmulat niya, nasa lupa na siya at supot ang kwintas. Unti-unti na lang nawala ang mga galos at sugat niya.

"Magpahinga ka muna anak. Bukas natin ipagpapatuloy ang pag-eensayo mo. Wag ka ng lalabas ng kwarto mo mamaya. Papadalhan na lang kita ng pagkain. Bukas ka na lumabas.

Aangal pa sana siya dahil kaya niya pa naman kaya lang hindi na siya hinayaan makapagsalita ng kaniyang ama dahil nawala na ito sa kaniyang harapan. Mabilis ang kilos nito kaya hindi nakasunod ang mga mata niya. Bigong dumiretso na lamang siya sa kaniyang kwarto.

Kinagabihan nagulat pa siya ng may biglang kumatok sa pinto. Oras na nga pala ng hapunan. Hindi kasi talaga siya pinalabas ng kaniyang ama.

"Pasok." Aniya.

Ang akala niyang taga-silbi na magdadala ng pagkain ay si Flint pala. Isang masayang ngit ang sinalubong niya dito.

"Papasok ako ah?"

"Sige lang!" Tumayo siya mula sa kama para salubungin ito.
Kamusta ka na? Ngayon lang kita nakita."

"Busy lang. Eto pala ang hapunan mo." Blanko nitong sabi habang inilalapag ang pagkain niya sa lamesang nasa loob ng kaniyang silid.

"Busy ka diyan. May pinopormahan ka 'no? Yiee!" Pang-aasar niya habang naghahanda sa pagkain.

"Wala. Paano ko poporma kung may gusto ka ng iba."

"Hmm, ano yon?"

Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil pabulong 'yon.

"Wala. Gusto mong gumala?"

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now