EPILOGUE

13.6K 294 18
                                    

Zafira's POV

Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Nasan ako?

Binuksan ko ang mga ilaw. *sigh* Nasa kwarto ko lang pala ako.

Ano bang nangyari? Pinilit kong maalala ang mga nangyari kahapon.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari. Ang digmaan, mga nasaktan, mga namatay, at si... Aiden.

Tama si Aiden! Tsaka ko na poproblemahin si Flint. Baka kung ano na naman ang mangyari at mamiss-understand na naman ni Aiden.

"Mahal na Prinsesa bakit po kayo tumatakbo?" Salubong sakin ng isang wizard na katulong namin.

"Nasan si ama?"

"Nasa bulwagan po." Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay nawala na siya.

"Ahh sige salamat."

"Ahh mahal na prinsesa---"

Hindi ko na siya hinintay magsalita nagmamadali akong pumunta sa bulwagan para makita si ama.

"Ama!" Agad ko siyang niyakap.

"Gising ka na pala anak." At niyakap niya rin ako pabalik.

"Asan na po sila Aiden? Magaling na po ba siya? Si lolo po bakit hindi ko pa siya nakikita?"

"Ahhh.. tungkol dun anak. Ang lolo mo..."

"Ano pong nangyari kay lolo ama?" Tanong ko

"P...pa....patay na siya."

"Po? EH pano siya mamamatay hindi ko nga po siya nakita nung nakipaglaban tayo kila Marcus?"

"Nauna siyang makipaglaban kay Marcus anak. Pero dahil sa katandaan ay hindi niya nakaya si Marcus kaya nagawa siya nitong abo."

Naikuyom ko ang mga palad ko. Tama lang ang nangyari sa kanya. Tama lang na maging abo din siya!

"Eh si Aiden po ama?"

"Ikinalulungkot ko anak--"

"Hindi niyo po ba nakita ang kwintas ko? Asan po siya? papagalingin ko po siya."

"Zaf anak, kumalma ka. Nahanap namin ang kwintas pero hindi na ito gumagana. Siguro masyado nang naubos ang kapangyarihan nito. O kaya naman ay naisalin na ito sa iyo. Siguro natupad nga ang nasa propesiya."

"Po? Ano pong propesiya?" Anong propesiya ang sinasabi ni ama. kailangan kong makita si Aiden para mapagaling siya.

"Ang propesiya na malilipat ang kapangyarihan ng kwintas sa isa sa mga gagamit nito. At ikaw yun Zaf sa'yo nalipat ang kapangyarihan ng kwintas."

"Kung gayon ama. Asan si Aiden? Kaya ko siyang pagalingin dahil kung ang kwintas na yun ay nakakapagpagaling at nalipat ang kapangyarihan nito sakin ibig sabihin nakakapag-pagaling na rin ako. At tsaka nagawa ko na rin po iyon kay Flint."

"Pero anak. Wala na si Aiden. Patawad, pero hindi na namin siya naligtas pa."

"Ano?!Hindi maari ama. Hindi!" Naguunahang umagos ang mga luha ko.

Hindi pa kami nakakapag-usap ng ayos hindi pa.

~*~

Lumipas ang ilang araw, ilang buwan, isang taon hindi ko alam. Lagi akong tahimik. Isang beses lang ako sa isang araw kumakain. Hindi ko rin kinakausap sila Flint, Jennicah at Isabella. Nagkukulong lang ako sa kwwarto ko.

* knock * * knock *

Hindi ko sinagot ang kumakatok. Bukas naman ang pinto kaya nasa kanila na kung papasok sila.

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now