Capter 8: Missing Princess

22.6K 618 18
                                    

Nasa dungeon pa rin si Zafira at kanina pa hindi bumabalik si Lucia. Panay na lang ang buntong hininga niya dahil sa frustration, doon niya dinadaan ang kaba niya. Kung alam niya na magkakaganito siya sa school na 'to sana isinawalang bahala niya na lang ang weird na papel na iyon. 

Nanghinayang kasi siya sa benepisyong makukuha niya kung sakali. Saan ka makakakita ng college school na hindi nagpapabayad? Wala naman diba?

Napapaisip siya kung kailan siya makakalabas o baka nga hindi na siya makalabas ng buhay. Bigla niyang namiss ang kaniyang magulang, gusto niyang makapagpaalam dito bago siya mamatay.

Naalarma siya ng may lalaking nakamaskara ang biglang sumulpot sa loob ng selda niya. P-paano ito nakapasok? 

"S-sino ka?" Iyon ang huling sinabi niya bago siya mawalan ng malay.

Mariin na napahawak siya sa ulo ng makaramdam ng sakit doon. Sobrang sakit na parang pinupukpok iyon.

"Gising ka na pala prinsesa?" Inilinga-linga niya ang ulo, may nagsalita pero masyadong madilim ang kwarto para makita niya ito. Tanging ang kinaroroonan niya lang ang may ilaw. Boses iyon ng lalaki.

"P-prinsesa? Sino ka? Nasaan ako?"

"Oy! Marcus. Binura -bura mo alaala tapos tatawagin mong prinsesa." Iba naman ang nagsalita. Ilan ba talaga sila?

"G*go!" Kaboses ito noong tumawag sa kaniya na prinsesa.

"S-sino ba k-kayo. Anong kailangan niyo sa akin?" Naguguluhang tanong niya pa rin.

"Ikaw ang kailangan namin." Parehong boses ito ng huling nagsalita, tinawag itong Marcus ng kasama kanina.

"Nagugutom ka na ba? Eto o kainin mo at inumin." Lumapit sa kaniya ang isang lalaking may suot na maskera, ibang tao ito dahil ngayon na lang narinig ang boses nito. Nasa isang salamin na kulungan siya gustuhin niya mang makatakas ay hindi niya magawa. Tinangap at kinain niya ang binigay nito dahil gutom na rin siya. Hindi niya alam kung oras or araw na baa ng lumipas. Kung kinidnap siya ng mga ito, mabuting sumunod na lang siya para hindi mapahamak.

Hawak hawak niya ang tiyan ng makatapos sa pagkain, nabusog siya doon. Ngunit pagkainom niya ay nabitawan niya ang basong hawak at agad na nasapo ang ulo.

"Andali mo palang utuin?" Boses iyon noong Marcus, nagtawanan ang mga nasa silid. Doon niya napagtanto na puro lalaki ang kasama niya. May pampatulog ba iyong inumin? Ang dali ko nga atang utuin.

SUMAMA si Flint si mga masters papuntang dungeon. Naroroon ang prinsesa nila. Ngunit nagimbal ang lahat ng makitang walang buhay ang bantay, at ang prinsesa ay wala na rin doon.

Agad na nag-utos ang mahal na hari ng malawakang paghahanap. Nawala na noon ang prinsesa at hindi na ito dapat mawala pang muli. Lahat ng kaharian sa Elemental World ay nagtutulong sa paghahanap. Base kasi sa kanilang obserbasyon sa bantay na patay na ngayon, dark sorcery ang ginamit. Isa lang ang ibig sabihin noon, nakuha ng mga Night ang Prinsesa.

Tatlong buwan na ang lumipas at wala pa ring prinsesa na nagpapakita. Bukas sisimulan naman nilang maghanap sa mundo ng mga tao, doon na lang ang hindi nila napupuntahan. Kapag wala din doon ang prinsesa malamang na nasa Under World ito o patay na. Pero walang balak na sumuko ang mga kauri niya kahit na Malaki ang posibilidad na patay na nga ito.

Pagdating nila sa Mortal World, itim na usok agad ang bumugad sa kanila at puro polusyon. Sobrang kakaiba sa mundong kinagisnan niya. Dito ba lumaki si Zafira?

Naghiwa-hiwalay sila para mas mapabilis ang paghahanap. Kapag nakita ng isa ang prinsesa kailangan lang magbigay ng signal ng nakahanap upang makapagtipon sila muli.

Nakalipas na ang isang linggo pero wala pa rin silang nakikitang kahit anong bakas ng Prinsesa. Hindi rin sila maaaring gumamit ng mahika sa mundo ng mga tao kaya mas mahirap.

Isang hapon na pabalik na siya kung nasaan ang mga kasama ng maisipan niyang maglibot sa mall na tinatawag ng mga mortal. Huli na iyon at balak niyang bumalik na lang bukas para ipagpatuloy ang paghahanap. Nang mahagip ng tingin niya ang isang babae, masaya itong tumitingin sa mga damit.

"Zafira!" Sigaw niya pero hindi siya nilingon nito. Tumakbo siya palapit dito at agad itong niyakap ng mahigpit bago bumulong. "Zafira. I miss you."

NATIGILAN sa pamimili si Thea ng may yumakap sa kaniya mula sa likod. Iniisip niya na si Marcus lang iyon, ang boyfriend niya ngunit nagulat siya ng magsalita ito.

"Zafira, I miss you." Agad siyang kumalas at hinarap ang lalaki hindi naman niya kilala. Zafira? Sino iyon?

"S-sino ka?"

Bumakas ang kaguluhan sa mukha nito. "Zafira ako 'to si Flint."

"Ha? Sorry sir pero hindi ako si Zafira."

"Zafira, ano ka ba? Kailangan ka ng kaharian ngayon."

Gusto na niyang lumayo sa lalaki dahil ang weird nito pero ayaw niya namang maging bastos.

"Babe anong meron dito?" Si Marcus iyon, nakahinga siya ng maluwag ng dumating ang boyfriend niya.

"Babe. Tingnan mo yang lalaking yan Zafira ang tawag sa akin e Thea ang pangalan ko."

Bumaling si Marcus sa lalaki. "May problema ba tayo dito 'tol?" Maangas nitong sabi.

Hindi pinansin ng lalaking ang tanong ng kaniyang nobyo. "Zafira hindi mo ba ako naaalala?" Nangungusap ang mga mata nito.

"Sorry sir pero hindi talaga kita kilala e at tsaka Thea ang pangalan ko."

"Pasensiya ka na 'tol aalis na kami ng GIRLFRIEND ko." Inemphasize pa ni Marcus ang salitang girlfriend. Umalis na sila papuntang parking lot. Sa totoo lang ay naaawa siya sa lalaki, parang napaka importante ng Zafira na hinahanap nito.

PAGKAALIS nila Zafira nagpataas agad si Flint ng liwanag sa langit para tawagin ang mga kasama niya. Saglit lang ay nagdatingan agad ang mga ito.

"Asan si Zafira?" Tanong agad ng Hari.

"Umalis na po siya. Hindi ko po siya napigilan." Napayuko na lang siya sa dismaya.

"ANO?!" Galit na tanong ng hari.

"Pasensiya na po." Hindi niya mapigilang hindi manlumo dahil nasa harap niya na ang prinsesa at abot kamay ito ngunit nakawala pa. Bakit hindi niya ako maalala?

"Hanapin niyo ang prinsesa baka hindi pa siya nakakalayo!" Utos ng hari. "At ikaw Flint tumulong ka na."

"Masusunod po mahal na hari."

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora