Chapter 15: Impostor

18.3K 493 41
                                    

Malakas ang naging sigaw ni Zafira kaya naman lahat ay napalingon sa kinaroroonan niya. Iba't iba ang naging reaksyon ng mga tao doon. Ang iba ay napasinghap, nagulat, nagtataka at nagsimulang magbulungan.

Nang ipinalibot niya ang paningin doon niya lang napansin na naroon pala ang iba't-ibang kaharian. Habang inililibot niya ang tingin ay may isang lalaki napukaw ang kanyang mata, si Flint. Umiwas siya agad ng tingin.

Lumipat ang tingin niya sa kabilang gilid ng bulwagan. Napasinghap siya ng makakita ng pamilyar na mukha. Naroon si Aiden Fairo ang crush niyang artista at model. Bakit ito naroroon? Wizard din ba ito?

Napatayo ang kaniyang amang hari. "Anong nangyayari dito?!" Dumagundong ang buong boses ni King Zander sa buong bulwagan.

Sumabat naman ang babaeng nagpapanggap na Zafira. "Aking amang hari wag niyo na lang po silang intindihin. Nagpapanggap lang po ang babeng yan!"

"Hindi amang hari niloloko niya po kayo, tayong lahat. Siya po si Megan at isa siya sa mga Night!" Ikinwento sa kaniya ni Isabella na si Megan ang babaeng nakacloak na tinagpo niya sa gubat at ang hinala nito na si Megan din ang nagpapanggap na siya.

"Totoo po ang sinasabi ni Zafira ay este ng babaeng nasa tabi ko." Pagsuporta ni Isabella sa kaniya. Itinuro nito si Megan. "Siya po ang sinasabi na kaisa-isang babae na natitirang buhay sa angkan ng mga imitator."

"Hindi! Ako 'to ang totoong Zafira. Bakit ka ba kasi dumating ha? Para sirain ang koronasiyon ko? Ano ba?! Kung sino ka man! Tigilan mo na 'to!" sigaw ni Megan na animo'y walang pakialam sa sinabi ni Isabella.

"Prinsesa Isabella may pruweba ka ba na ang babaeng nasa tabi mo ang tunay na Zafira?" Tanong ng hari.

Hindi pa man nakakasagot si Isabella ng biglang umilaw ang kwintas na suot ni Megan. Hindi maaari! Paano nito nagawa iyon? Siya ang totoong prinsesa.

"Eto ang aking pruweba na ako ang tunay na prinsesa." May pagmamataas na sabi ni Megan, masaya dahil umilaw ang kwintas na suot nito dahil paniguradong marami ang maniniwala rito.

Napahawak si Zafira sa suot niyang kwintas. Siguro ay peke pa rin ito.

Hindi na nagdalawang isip ang hari na ipadakip sila.

"King Zander, pati ang anak ko?!" Nag-aalalang tanong ng isang magandang babae na may kulay asul na buhok at mata, kamukha ito ni Isabella.

"Queen Kendra, kailangan silang dakpin. Hindi din tayo nakasisiguro na siya ang totoo niyong anak."

Nagpupumiglas sila ni Isabella kahit hawak sila ng mga kawal pero masyadong malakas at marami ang mga ito.

"Zafira, ipakita mo ang panyong ibinigay ni Master Haurvat." Bulong ni Isabella.

Binigyan kasi sila ni Master Haurvat ng panyo bago ito magpaalam. Sinabi nito na ipakita iyon kapag hindi sila pinaniwalaan ng mga wizards.

"King Zander! Saglit lang, kung ipapatapon nyo man kami sa dungeon niyo o kung bago niyo pa man kami ipapatay may ibibigay lang sana ako!" Malakas na sigaw ni Zafira habang nagpupumiglas pa rin sa mga kawal.

"Wag kayong tumigil! Ano ba! Itapon niyo na sila sa dungeon!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ni Megan.

"Walang pagkakataon na dapat ibigay sa kumakalaban sa Light Clan." Matigas na turan ng kaniyang ama.

"Saglit!" Nagulat si Zafira ng lumapit si Aiden Fairo at lumuhod sa kaniyang ama gamit ang isang tuhod pagkatapos ay yumuko.

"Tumayo ka Prinsipe Aiden."

Prinsipe si Aiden Fairo? Hindi pa rin nagsisink-in kay Zafira ang lahat ng nangyayari masyadong maraming impormasyon ang kailangan niyang isiksik sa kaniyang utak sa loob lamang ng isang araw.

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now