Chapter 11: Abducted

17.4K 470 11
                                    

Ilang buwan na ang nakalilipas, tinuloy nila ni Marcus ang orihinal na plano. Mas napadali dahil kasama niya ito. Mabilis naniwala ang mga wizards ng sabihin niyang siya si Zafira dahil kamukahang kamukha niya nga ang prinsesa.

Busy ang lahat ngayon dahil tatlong araw na lang kaarawan na niya o mas mabuting sabihin 'ng prinsesa nila'. Lahat ng planong nalalaman niya ay agad niyang sinasabi kay Marcus gaya ng napag-usapan nila.

Lagi kasi siyang sinasama kapag nagkakaroon ng meeting. Nakailang punta na din siya sa Wizard World particular na sa Elemental World pero hindi pa din siya sanay. Marami na din siyang natutunan na spells at napapaisip siya kapag natapos na ang pagpapanggap niya babalik siya sa mundo ng mga tao na may kakaibang kapangyarihan.

Nasa Wizard World sila ngayon kasama ang mga estudyante sa academy. Naisip kasi ng hari na mas ligtas kapag sa palasyo ginanap ang kaarawan niya. Dahil nga busy ang lahat kung saan saan din siya pinapatawag dahil inutos ng kaniyang ama na siya ang magdesisyonn kung ano ang gusto niyang mangyari sa kaniyang kaarawan. Napapagod na nga siya dahil ilang araw ng ganito kaya naisip niyang bumalik muna sa kwarto para magpahinga.

Pagkapasok niya napansin niya agad ang bukas na bintana pero tanda niya na sinarado niya iyon kanina. Agad siyang kinabahan, parang nangyari na ito noon. Bumaling ang tingin niya sa kama at sa lamesang katabi noon. Napansin niya agad ang isang pirasong papel na nakapatong. Kinuha niya iyon para tignan ang nakasulat.

Thea kita tayo sa Melford Wood bago maghatinggabi. May sasabihin ako sa'yong importante.

~ Flint

Ang Melford Wood ay isang gubat malapit sa palasyo nila at kayang kaya lakarin. Nakakapagtaka lang na gusto nito doon sila mag-usap e maaari naman siya nitong lapitan anumang oras. Ano kayang sasabihin ng binata? 

Noong sinabi niya na siya si Zafira, lumapit ang loob ni Flint sa kaniya at naging magkaibigan sila. Naguguluhan siya kay Flint pero baka pumunta na lang din siya mamaya baka may gusto itong sabihin na importante kaya gusto sa pribadong lugar.

Alas onse y media ng bumaba siya. Suot niya ang isang itim na cloak para di siya mapansin. Mahigpit pa naman ang mga gwardya ng palasyo. Mabuti na lang garden ang nasa baba ng bintana niya kaya naman gumamit na lang siya ng spell para agad na makababa.

Maingat siyang naglalakad ng may tumawag sa kaniya. "Prinsesa." Mula ang boses sa likuran niya.

Pasimple niyang tinampal ang noo. Bakit ba kasi nna matutunan ang invisibility spell? Sana ay madali na lang ang ganitong bagay sa kaniya.

"H-hindi ako ang p-prinsesa." Kinakabahang aniya.

"Yeah right! Zafira lokohin mo ko." Lumingon siya sa nagsalita dahil pamilyar ang boses

"Megan."

Si Megan ay kaklase niya at naging kasama sa barkada. Oo, nagkaroon siya ng barkada, sila Marcus, Flint, Isabella at Megan. Sinubukan niyang kaibiganin si Jennicah ngunit mukhang ayaw nito sa kaniya kaya hinayaan niya na lang. Para bang malaking galit it sa kaniya.

Kuryosong tinignan siya nito. "San ka pupunta?"

"Magkikita lang kami ni Flint ngayon."

"Ngayon? Ang alam ko matutulog na daw siya."

Baka sinabi niya lang iyon para hindi malaman ng iba na magkikita sila.

"Dito lang naman kami magkikita kaya ayos lang."

Alam niyang hindi ito naniniwala sa kaniya pero hinayaan lang siya nito. "Sige, basta mag-iingat ka ah."

Tumango lang siya bago sila nagpaalam sa isa't isa.

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now