Chapter 22: In his arms

10.2K 324 10
                                    

Bumungad kay Zafira ang madilim na silid pagkamulat ng kaniyang mga mata.

"Gising ka na pala Prinsesa." Sabi ng isang lalaki sa mababang boses.

Madilim ang kaniyang paligid kaya hindi niya ito makita. Kinakabahan siya pag ganito. Kapareho kasi ng napapanaginipan niya pakatapos ay may hindi magandang mangyayari.

"Sino ka?"

"Kilala mo ko Zafira. Kilala mo ko. Kilalang kilala mo." Pahina ng pahina ang boses nito na para bang palayo ng palayo ang agwat nila.

"Ahh!" Basang basa siya ng pawis pagkagising.

"What happened?!" Tanong ni Aiden na halata mong nag-aalala sa tinig.

Nasa silid niya pala siya sa palasyo kaya narito si Aiden. Kung gayon sinong nag uwi sa kaniya dito? Ang huli niyang naalala ay nawalan siya ng malay sa bahay nila.

"Ah, wala." Isang masamang panaginip na naman at paniguradong kaakibat no'n ang isang masamang pangyayari.

"Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo." Natulala siya nang bigla siyang yakapin ni Aiden. Binaon pa nito ang mukha sa kaniyang leeg. "Please don't do that again." Gumalaw ang kamay niya para yakapin ito pabalik sa hindi malamang dahilan. She felt safe somehow.

"Za--"

Napalingon siya sa bukas na pinto ng silid. Nagtama ang mga mata nila ng nakasilip na si Isabella na halata ang gulat sa mukha pero nauwi sa isang ngiti.

"Mukhang busy tara mamaya na lang." Isinarado nitong muli ang pinto.

Naramadaman niya ang pag-akyat ng dugo sa kaniyang mukha. Baka kung ano ang isipin ng mga 'yon. Mukha pa namang may kasama si Isabella. Si Aiden naman kasi e. Hindi pa rin kasi bumibitaw ang binata sa kaniya. Parang hindi nito narinig o naramdaman man lang si Isabella kanina.

"A-ahh A-aiden u-uhm"

"Can we stay like this for a while?" Sumang-ayon na lang siya sa gusto ng binata.

Gaano ba katagal ung for a while niya? Grabe halos magkakalahating oras na kaming magkayap.

Laking pasasalamat ni Zafira ng sa wakas ay kumalas na si Aiden pero bakit parang gusto niya pang tumagal iyon. Shocks! Ang harot mo Zafira!

"Don't make me worry again."

"Sorry" Nakayukong aniya. Hindi niya naman alam na ganoon ang mangyayari. Gusto niya lang bisitahin ang mga magulang at kamustahin ang mga ito.

"It's alright. Change your clothes then we'll go down to eat. I know they're waiting for us."

Sinunod niya ang sinabi nito. Nakaligo na siya at nakabihis pero naroon pa rin si Aiden.

"Oh bakit andito ka pa? Akala ko bumaba ka na." Aniya habang sinusuklay ang mahabang buhok.

"I'm waiting for you."

Inipit niya ang pisngi para maigilan ang ngiting gustong lumabas sa mga labi niya dahil sa kilig.

"Tara na nga sa baba! Kung ano anong sinasabi mo." Tinarayan niya ito para itago ang hiya pero sa totoo lang kilig na kilig siya sa ginagawa nito.

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now