Chapter 21.2: Bad Welcome

12.1K 278 4
                                    

"Wag Zafira. Wag mong iinuminyan. Ikapapahamak mo iyan."

Tumigil siya sa balak na pag-inom dahil sa narinig. Huh? Sino naman kaya yun?

"Ako 'to si Sapphire."

Kinakausap ba siya nito sa pamamagitan ng isip? Kung sabagay hindi ito narinig ni Aiden kahapon.

"Saphire? Bakit?" Nakipagkomunika rin siya sa pamamaitan ng isip.

"May lason ang inumin na iyan kaya huwag mong iinumin."

Sige. Pero bakit naman may lason dito sa inuming 'to?

Hindi na sumagot pa si Sapphire sa tanong niya.Hindi niya maintindihan kung bakit sinabi iyon ni Saphhire. Bakit siya lalasunin ng sariling ina? Inilapag niya na lamang ang inumin sa lamesa.

"Bakit hindi mo ininom?"

Napatingin siya sa ina dahil sa tanong nito.

"Ahh.. Hindi po ako nauuhaw."

"Sige na anak. Isang higop lang naman."

Bakit ba kasi pinipilit siya nitong uminom? Malabo ang sinasabi ni Sapphire hindi iyon gagawin ng sariling magulang sa kaniya pero sa ikinikilos ng ina ay parang gusto niya ng maniwala.

"Di po talaga ako nauuhaw."

Naalerto si Zafira ng biglang mamula ang mata ng ina at lumitaw ang mga pangil nito

"M-mama?"

"Sabi kong inumin mo yan!"

"MA?! Anong nangyayari sa inyo?" Napatayo siya sa kinauupuan dahil sa takot.

"Papatayin kita!" Sigaw ng kaniyang mama bago siya sinugod.

Mabilis siyang gumawa ng shield para pumagitan sa kanila."Aer Fortress Nebulae!" Hindi niya kayang saktan ang magulang kahit pa iy9on ang gusto nitong gawin sa kaniya. Pilit nitong sinisira ang shield, makikita ang matatalas na kuko nitong kumakalmot sa ginawa niyang proteksyon. Ano bang nangyayari sa mama ko?

"Hindi na siya tao Zafira isa na siyang bampira. Labanan mo siya. Mamamatay ka kapag hindi ka lumaban."

Ang mga bampira ang isa sa mga kalaban ng angkan nila pero ayaw niya. Hindi niya kayang labanan ang nagpalaki sa kaniya at nagparanasa sa kaniya ng pagmamahal

"Ano ba yang naririnig kong ingay Cely!" Rinig niya ang boses ng ama na kalalabas lang ng kwarto.

Ang akala niya ay nagpapahinga ito dahil may sakit ito pero bakit mukhang malakas ito ngayon? Hindi... hindi maaari.

"Tignan mo nga naman, nandito pala ang anak natin." Sabi ng kaniyang papa bago mabilis na sumugod sa kaniya.

Ang kaninang hinala ay napabulaanan. Bampira na rin ito. Sa kadahilanang mas lumakas ang pumepwersa sa shield ay nagsimula na itong magkaroon ng basag.

Hindi niya sila kayang labanan kahit makapangyarihan pa siya. Ano bang ginawa niya kasalanan para mangyari ito sa mga magulang niya? Hanggang sa nasira ng tuluyan ang shield at napaupo na lang siya sa sahig.

Akmang pasugod na ang mga ito sa kaniya nang may pumigil sa mga ito. "Stop!" Hindi siya maaaring magkamali kilalang-kilala niya ang boses na iyon.

"Megan." Pabulong niyang sabi pero halata ang panggigigil sa boses niya.

"Hello, Zafira! How are you?"

Gustong gusto niyang burahin ang ngising nakapaskil sa labi nito. "What did you do to my parents?!" Galit na aniya.

"Oh, I just converted them into vampires. Ang galing ko diba?" Malademonyo itong tumawa. 

"You should be thankful, mahina na ang tatay mo at ang nanay mo naman ay matanda na. Pinalakas ko sila at siguradong hahaba pa ang buhay nila."

"You!" Gusto niyang makasama ng matagal ang mga magulang pero hindi sa ganitong paraan.

"What? What Zafira?!" Tumawa itong muli. "Wala kang kakampi ngayon."

Agad niyang naisip ang mga kawal sa labas na mukha naman naintindihan ni Megan. "Patay na sila." Anito.

Sa panahong iyon ay mukhang mag isa nga lang siya. Iniisip niya kung lalabanan si Megan ay baka magkaroon ng pag asa na iligtas niya ang sarili pero paano ang mga magulang niya. Hindi niya kayang saktan kahit hibla man lamang ng buhok ng mga ito.

Sakto namang lumabas si Sapphire mula sa kwintas. Oo nga pala, andito pa si Sapphire.

"Oh, looks like you have a dragon but still, I'm not scared."

"Zafira ako na sa mga magulang mo dahil alam kong hindi mo sila malalabanan kaya ikaw na muna ang bahala kay Megan."

Sa isang iglap nagsimula na ang laban. Binatuhan niya si Megan ng mga air balls pero nahawi lang iyon ng huli. Sinamahan niya iyon ng tubig para maging patusok na yelo.

Nadaplisan niya si Megan sa kaliwang braso pero parang walang nangyari at tinira lang siya nito ng dark beams, kulay itim ang mga iyon.

Patuloy lang siya sa pagdepensa sa aking sarili at pag may pagkakataon ay umaatake rin siya.

Si Sapphire naman ay mabilis at bumubuga ng apoy para palayuin ang mga magulang. Tumagal ng halos isang oras pero wala paring nagpapatinag sa kanilang dalawa. Ganun din si Sapphire pero may kaunting galos na ang dragon samantalang ang mga magulang niya ay wala pa. Bampira ang mga ito at ayon sa binasa niya ay mabibilis gumaling ang mga sugat ng mga bampira.

Dahil sa matagal na labanan pakiramdam niya ay nanghihina na siya pero kailangan niyang lumaban. Mukhang ganoon din naman si Megan. Inipon niya ang natitirang lakas. Pinagsama-sama niya ang hangin, tubig, apoy at lupa, naging malaking bola ito.

"H-how?" Iyan na lamang ang nasabi ni Megan ng ihagis niya ang malaking bola na punong puno ng kapangyarihan patungo rito. Tumalsik si Megan dahil doon. Nanghihinang napaupo siya.

"Master!" Sigaw ng kaniyang mga magulang na napatigil sa pakikipaglaban kay Sapphire. Agad na dinaluhan ng mga ito si Megan at inalalayan tumayo.

Parang may pumiga sa puso niya dahil sa nakita. Hindi ba dapat siya iyon? Siya dapat ang tinutulungan ng mga ito.

"Ma? Pa? B-bakit?" Nanghihinang aniya.

Hindi siya pinansin ng mga magulang. Sa halip ay inalala lamang ng mga ito si Megan.

"Hindi pa tayo tapos Zafira. Inaamin ko hindi ko 'to inaasahan pero hintayin mo at matatalo rin kita." Biglang naglaho ang mga ito.

Sobrang nanghihina na talga si Zafira, papikit pikit na din ang mga mata niya. Naaninag niya pa si Sapphire na nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Nginitian niya ito. Gusto ko lang magpahinga. Kahit saglit lang naman. Hindi na niya linabanan ang pagpikit ng mga mata.

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now