Chapter 34: Fire (Suzaku)

8.2K 258 7
                                    

Thank you nga pala sa gumawa ng new cover ng book na ito. Magdededicate talaga ko kapag ok na internet namin.

* * * * *

Wala pa rin kaming imikan ni Aiden kahit tapos ng kumain. Hayy.. Ano bang ikinagagalit niya ehh magkayakap lang naman kami ni Flint.

Kung nagseselos siya. Sana naman hindi naman niya ako sinabihan ng mga masasakit na salita.

Andito na ako ngayon sa training field. Sa wakas ito na lang ang natitira na kailangan kong i-master.

Bakit ko nasabing huli na? Ang sabi ni Ama ay nagkaroon raw ako ng pana na kung saan yun daw ang sumisimbolo sa pagbukas ko ng ikatlong gate. Tama na ang kwento oras ngayon para magdrama ako.

Naghahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil makakaya ko ng kontrolin ang kapangyarihan ko. Lungkot naman dahil kay Aiden.

"Zafira?"

Agad naman akong namulat ng marinig ko ang boses ni lolo. Nakalimutan ko na nasa training field pala kami. Hayy..

"May problema ba apo?" Nag-aalalang tanong ni lolo

"Wala po lo! Ayos lang po ako.haha" pinilit kong magmukhang masaya ang tono ng boses ko.

"Mabuti naman. Dahil kung meron mang bumabagabag sa iyo ngayon baka magulo ang konsentrasiyon mo sa pag-eensayo."

"Wag po kayong mag-alala lo. Ayos lang po ako." Pagpapanatag ko dito kahit hindi naman totoo.

"Kung gayon mag-eensayo na tayo."

Pumasok na ako ulit sa loob ng bilog na parang nagmemeditate

Maya-maya ay napunta na ako sa ibang lugar siguro dulot ito ng ilusyon na ginawa ni Suzaku

Teka, parang pamilyar ang lugar na ito sa akin. Hindi ako maaaring magkamali.. Nasa labas ako ngayon ng bahay namin sa mundo ng mga tao.

Anong gingawa ko dito? Pero teka parang pamilyar din ang pangyayari na ito. Hindi ko lang maalala kung kailan ito nangyari.

Kumatok ako sa maliit na gate namin. May mga dala din akong mga bagahe. Bakit ang pamilyar pamilyar talaga ng nangyayari na ito.

May lumabas na babae sa pinto. At pinagbuksan ako.

"Anak!" Yumakap ito sa akin.

Hindi ako maaaring magkamali ito ang aking ina pero bakit parang may kakaiba dito. Parang napakalamig nito. Hindi ko na lamang yun pinansin at ginantihan ko siya ng yakap.

"Sa wakas anak nagparamdam ka din. Halika sa loob! Miss na miss ka na namin ng papa mo."

Iginaya ako nito papasok sa bahay. Pareho parin ito. Kelan ba talaga nangyari ito? Bakit hindi ko matandaan ang mga susunod na pangyayari?

Dahil sa malalim na pag-iisip ko napunta ako sa ibang pangyayari pero nasa parehong bahay pa rin ako.

Nakatayo ngayon sa aking harapan ang aking mga magulang. May mga kulay pula silang mga mata at matatalas na mga pangil.

Naaalala ko na! Naaalala ko na! Ito ung araw na umuwi ako sa bahay namin. At..At..Hindi maganda ang kinahantungan.

Nasaan na si Alexa? Diba andito din siya. Siya ang nagconvert sa mga magulang ko na maging vampires at higit sa lahat si Sapphire? Diba siya ang kumalaban sa mga magulang ko dahil hindi ko kaya. Ano na ang gagawin ko? Bakit wala sila.

Kailangan mong labanan ang mga magulang mo sa ayaw man o sa gusto mo dadating din ang panahon na kakailanganin mo silang kalabanin.

Aria's POV

Andoon na naman ang tinig na iyon. Pero may tama ang sinabi niya sa isip-isip ni Zafira. Dadating ang panahon na kailangan niyang kalabanin ang kanyang mga magulang. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para makalaban niya ang kaniyang mga magulang. Alam niyang kaya niya pero hindi pa ngayon. Hindi pa siya handa.

Nabalik siya sa realidad ng bigla sumugod sa kanya ang kanyang ina. Buti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya naman nakailag siya. Ilag lang siya ng ilag sa mga take ng kanya ina ng hindi niya napansin na nasa likod na pala niya ang kaniyang ama kaya bigla siyang tumalsik sa pader.

Wala siyang magawa. Hindi niya kayang labanan ang kanyang mga magulang. Mahal na mahal niya ang mga ito para kalabanin ito at patayin. Pero sa ngayon ay kailangan niyang lumaban alam niyang ilusiyon lang ang lahat ng nangyayari at para ganap na niyang makontrol ang kapangyariihan niya. Maraming buhay ang nakasalalay sa kaniya.

Naluluha siyang tumayo mula sa pagkakatilapon sa kanya. Kahit labag man sa kanyang loob na kalabanin ang kanyang mga magulang ay ginawa niya pa rin. Gumawa siya ng espada at kalasag mula sa kanyang kapangyarihan. Nakipaglaban siya sa kanyang mga magulang gamit ang espada. Hindi niya kayang kalabanin ito ng sariling kapangyarihan dahil alam niyang madali niya silang mapapatay kaya mas ninais niya na kalabanin ito sa patas na paraan.

Habang nakikipaglaban ay kasabay nito ang kanyang pag-iyak. Marami siyang natamong sugat. Pero ang di niya inaasahan ay ng lalapit na ang kanyang ama sa kanya ay bigla niyang naitutok dito ang kanyang espada akala niya makakaiwas ito dahil mabilis kumilos ang mga bampira pero nagkamali siya. Nasaksak ito direkta sa puso at unti-unting naging abo.

"Pinatay mo siya!" sigaw ng kanyang ina.

Napahagulgol na lang siya. Napatay niya ang kanyang ama na nag-alaga sa kanya simula pagkabata. Pero hindi nagtagal ay nakikipaglaban na ulit siya sa kanyang ina. Lagi na lang niya iniisip na isa itong ilusyon at kapag napatay niya ang kanyang ina sa ilusyong ito ay agad na mapapanatag ang kanyang loob.

Walang alin-langan niyang pinatay ang kanyang ina. Kailangan niya iyong gawin upang matapos na ang ilusyong iyon at hindi nga siya nagkamali.

Unti-unti siyang nilalamon ng liwanag at habang nangyayari iyon may narinig siyang bose. Nabuksan mo na ang Gate of bravery.

Nakabalik na siya sa totoong mundo na nanghihina. Alam niyang suot niya ang kwintas na maaaring magbigay ng lakas para sa kanya kaya lang ay walang nangyayari. Nanghihina siya. Agad naman siyang tinulungan ng kanyang lolo, si King Haurvat.

"Ayos ka lang ba apo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ayos lang po ako lolo. Wag po kayong mag-alala." Sabi ng dalaga sa kabila ng paghihirap. Unti-unti siyang tumayo. Inalalayan siya ng kanyang lolo at agad nagteleport ang kanyang lolo sa loob ng kanyang kwarto.

"Matulog ka muna apo. Alam kong pagod ka. Kailangan mo din ng mahabang pahinga dahil tatlong araw na lang ay kabilugan na ng buwan kaya kailangan mong magpalakas." Pagpapa-alala sa kanya ng kanyang lolo.

"Sige po lolo." Malamlam na tugon niya dito.

Paglabas ng kanyang lolo. Bigla siyang napa-isip.

Asan na kaya si Aiden?

Bakit hindi ko pa siya nakikita?

Kung hindi kaya ito galit sa kanya ay aalagaan kaya siya nito gaya ng dati?

Dahil sa maraming mga tanong na pumapasok sa kanyang isip. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

* * * * *

I need one week for the next UD Guyss kasi dun na magsisimula ang labanan. OK! Spoiler ako. Walang kaming internet kahapon kaya di ako nakapag-UD. Lalagpas po sa 35 Chapters ang story na ito so Hooray!!!

Sorry sa mga nagpapadedic. Sira pa rin ung LT namin. Internet lang kasi ang problema. May suggestions ba kayo kung anong pwedeng gawin? PM me pleaseeeee guys.. marami ng nagpapadedic. sa akin na hindi ko madedicate-an dahil sa nagloloko ung internet ng laptop namin,,HUhuuhuhu.. Need your help kung sino man ang magaling sa computer dito.

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now