Chapter 25: Distraught

9.7K 327 14
                                    

Sa isang madilim na bahagi ng Wizards World.

"Ang sabi ko dalhin niyo siya sakin hindi patayin!" Galit na galit na sigaw ng kanilang pinuno.

Lahat ng nasa silid ay nakayuko sa kanilang pinuno. Mararamdaman ang takot sa bawat isa dahil sa galit nilang pinuno. Alam kasi nilang hindi maganda ang mangyayari kapag nagagalit ito.

Sinakal nito ang kanyang alagad na gumawa ng kamalian.

"P-pinuno... p-patawarin...n-niyo p-p-po a-ako.. B-babawi po a-a-a"

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng dinukot na ng kanilang hari ang puso nito.

NAGISING SI ZAFIRA dahil bahagyang tumama na sinag ng araw mula sa kurtina. Sa tuluyang pagmulat niya ng mata napagsino niya na ang kinaroroonan ay ang sariling silid.

Marahan siyang umupo mula sa pagkakahiga para alalahanin ang nangyari. Agad siyang napahawak sa leeg nang maalala na kinagat siya ng bampira. Kinapa niya iyon ngunit walang bakas ng kahit anong sugat mula roon. Bampira na ba siya?

Pinilit niyang tumayo sa kabila ng nararamdaman. Iisang paraan lang ang alam niya para malaman ang katotohanan. Kinakabahang lumapit siya bintana ng kaniyang silid, mahigpit na kinapitan ang kurtina. Huminga siya ng malalim bago buksan iyon.

Dinama niya ang init ng araw na tumama sa kaniyang balat. Mainit ngunit hindi nakapapaso. Hindi siya bampira! Nasa ganoong tagpo siya ng makarinig ng malakas na tunog na parang may bagay na ihinagis sa kung saan.

Ano 'yon? Hindi alintana ang suot dali-dali siyang lumabas ng kwarto, paglabas ay mas lalong lumakas ang ingay at hindi lang iyon patuloy rin ang pagtunog na para bang may nag-aaway. Bumaba siya sa bulwagan kung saan nagmumula ang ingay.

Bumungad sa kaniya si Flint na nakahandusay sa sahig, nanghihina at puno ng sugat. Naroon din ang kaniyang ama, si Jennicah, Isabela, Aiden, at ilang kawal. Hindi na siya nagdalawnag isip at agad dinaluhan ang binata. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang nangyayari. Alam niyang pinarurusahan ng kaniyang ama si Flint dahil sa pagsasapanganib ng buhay niya.

"Flint!" Pilit itong ngumiti sa kaniya. Naaawa siya sa itsura ng binata alam niyang masakit ang mga sugat nito. "Ayos lang ako Zafira. Nararapat lang sakin ito."

Naiinis na binalingan niya ang ama. "Wala pong kasalanan si Flint. Bakit niyo siya sinasaktan?

"Anak! Huwag ka ng mangialam dito. Dinala ka niya doon kahit alam niya na mapanganib."

"Pero ama, wala naman po siyang kasalanan ako po ung nagpumilit na lumaban! Ginusto ko lang din naman pong maglibang dahil andito lang ako sa palasyo araw-araw."

"Pero dinala ka padin niya doon at dapat wala ka doon. Bumalik ka na sa iyong silid, kailangan mo pang magpahinga."

"Hindi po ako aalis hanggang sa tigilan niyo si Flint."

"Huwag mo kong hintayin magalit Zafira." Tinatapatan niya lang ang matalim nitong tingin. "Mga kawal dalhin niyo siya sa kaniyang silid."

Agad na tumugon ang dalawang kawal at hinawakan siya sa magkabilang braso. Patuloy lamang siya sa pagpiglas tanda ng pagtutol.

"BITAWAN NIYO KO!!"

"ANO BA?!"

"BITAWAN NIYO KO SABI EHH!!"

Nagulat ang lahat ng nasa bulwagang iyon nang umalsik ang mga kawal na kanina lang ay nakakapit sa kanya. Kasabay no'n ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mata.

Naging kulay asul iyon na parang nagliiyab sa galit. Ang kanyang kamay naman ay nagliliyab sa kulay asul na apoy, ang pinakamainit sa lahat. Rinig na rinig din nila ang kulog at kidlat sa labas na kanina lang ay maaraw na kapaligiran.

Maraming nagtangkang mga kawal ang lumapit sa kanya pero hindi siya malapit-lapitan.

"Anak!"

Lumapit siya sa kaniyang ama. Nabuhat niya ito gamit ang isang kamay kahit na hindi niya pa ito na hahawakan.

"Anak?! Anong ginagawa mo?! Itigil mo na 'to." Puno nang pagsusumamo ang tinig ng kaniyang ama.

"Walang makakapigil sakin. Wala! Sinabi ko sa inyo na tumigil na kayo diba? Pero bakit hindi kayo tumigil? Wala naman siyang kasalanan diba?!"

Inihagis niya ang kaniyang ama. Tanging pagsigaw mula sa mga kasama niya ang kaniyang narinig dahil sa ginawa

Sinubukan din siyang pigilan nila Jennicah at Isabella pero naihagis lang niya ang mga ito.

Nagulat siya ng may biglang yumakap sa kanya sa likod. Bahagya siya nakaramdam ng kakalmahan dahil doon.

"Zafira, tama na yan. Hindi ikaw yan, please?"

Unti unting humupa ang galit na nararamdaman ni Zafira

"A-a-aiden."

TAHIMIK AT nagmumuni muni si King Zander sa kaniyang silid ng gambalain siya ng katok mula sa isang tagasilbi.

"Pasok," nakayukong pumasok ito nilang pag galang

"Mahal na hari may gusto pong kumausap sa inyo."

"Sino daw siya?"

"Hindi po nagpakilala."

"Sabihin mo kailangan niya muna magpakilala bago niya ako ma...ki..ta..." Pautal-utal ang huling mga salita niya dahil sa paglukob ng kakaibang presensiya sa paligid.

Hindi siya maaaring magkamali, iisang salamangkero lang ang may ganitong presensiya.

Pagkalingon niya sa kaniyang likod nabungaran niya ang taong kailanman hindi niya inaasahang makitang muli.

"A-ama."

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now