Chapter 10: The Princess Returns Part 1

19.7K 494 14
                                    

"Marcus, asan na ung Wizards Academy na sinasabi mo?" Nagtatakang aniya. Nasa harap kasi sila ng isang abandonado at lumang paaralan ngayon. Nag-expect siya ng sosyal dahil may prinsesa pa ang mga ito. Akala niya mukhang sosyal ang paaralan, maganda, iyong madalas na nakikita sa mga pelikula.

"Ganyan lang talaga yan sa labas pero pagpumasok ka sa loob maayos na." Paliwanag naman ni Marcus.

"Nakapasok ka na?"

"Oo, kaso... isang beses pa lang."

Isang beses pa lang? Hindi ba siya dito nag-aral?

"Bakit isang beses pa lang?"

"Diba nga ayaw nila na nandyan kami." Oo nga pala, magka-away ang mga angkan nila at ang namumuno dito. "Tara na?"

Wow! Hindi niya mapigilang mamangha sa nakita. Sobrang kakaiba nga ng itsura ng nasa loob sa nasa labas.

Papasok na sana siya ng bigla siyang hilahin pabalik ni Marcus. "Bakit?"

"Hindi ako maaaring pumasok, hanggang dito lang ako." Tumango siya, sinabi nga pala nito na ihahatid lang siya nito. "Tandaan mo Zafira magpapanggap ka bilang prinsesa nila pero sa ngayon gusto kong ikaila mo muna iyon."

Nagtatakang tinignan niya ito? Bakit niya ikaiila kung iyon naman ang plano?

"Naalala mo ba iyong lalaki sa mall? Nag-aaral din siya dito."

"Ibig sabihin wizard din iyon?!"

Tumango si Marcus. "Baka makahalata agad iyon. Ako na lang ang magsasabi sa iyo kung oras na para magpanggap ka. Sa ngayon magpanggap ka muna na walang alam."

Nginitian iya ito. "Okay."

Napasinghap siya ng sapuhin ni Marcus ang magkabila niyang pisngi. "Mag-iingat ka Thea, gagawa ako ng paraan para matawagan kita." Sinuklian niya ito ng matamis na ngiti.

"Ikaw din." Niyakap niya ng mahigpit si Marcus at ganoon din ang ginawa nito. "Paalam."

"Paalam." Tumalikod na siya dito at walang lingon-likod na dumiretso.

Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga estudyante pagkapasok niya. Hindi na nakapagtataka kung sabi nga ni Marcus na kamukha niya ang prinsesang hinahanap ng mga ito. Ang problema niya ngayon ay kung saan siya pupunta. Nakalimutan niyang itanong kay Marcus!

Magtatanong na sana siya ng may lumapit sa kaniya. "Zafira?" Teka, eto din iyong lalaki sa mall. Blanko ang tingin na ibinigay niya dito. Sinalubong niya ang mga mata nitong nangungulila at puno ng pagsisisi.

"Ahm hello? Pwede mo bang ituro kung saan iyong Dean's Office niyo? Kailangan ko lang i-process 'yong enrollment ko." Nakakahiya man pero wala naman siya choice, mukha namang mabait ito. Ang weird lang talaga nito noong una nilang pagkikita.

"Sige." Nagulat pa siya ng kinuha nito ang maleta niya na naglalaman ng mga gamit niya. "Tulungan na kita. Sumunod ka sakin." Huh? Tinanong niya lang naman ito ng direksyon? Well, dapat na lang siyang magpasalamat dahil nagkusa ito.

Malaki ang wizard academy patunay doon ang ilang minuto nilang paglalakad bago ito tumigil sa harap ng isang pinto. Mukhang andito na sila. Kumatok ito ng tatlong beses bago pumasok, sumunod naman siya dito.

May tatlong kalalakihan sa loob. Parang nagulat pa yung matanda na may kulay puting buhok, balbas na parehong napakahaba kamukha niya si Dumbledore doon sa pelikulang Harry Potter! Ang isang lalaki ay nasa mid-40s na siguro, blonde ang buhok nito pero mas mukha iyong ginto dahil sa kinang. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon. Siya naman ngayon ang nagulat nang makilala ang pangatlong lalaki, si Aiden Fairo! Ang crush niyang artista! Bakit ito nandito? Wizard din ba ito? Para siyang hihimatayin sa nalaman.

Napasinghap siya ng bigla siyang niyakap noong lalaking nasa mid-40s. Bakit ang hilig nilang mangyakap? Tradisyon ba nila 'yun?

"Zafira anak bumalik ka na?!" Bulalas nito. Kamukha niya talaga siguro iyong Zafira.

"P-po s-sino po si Zafira?"

Ang sabi ni Marcus ay magpanggap muna siya na hindi iyon kilala.

"Zafira di mo na ba ako naaalala?".

"P-po sino po ba kayo? Thea po ang pangalan ko." Nagulat ito sa sinabi niya.

"T-thea? Pero kamukhang-kamukha mo ang anak kong si Zafira."

"Mahal na Hari yan po ang dapat na sasabihin ko sa inyo nung pumunta tayo sa mundo ng ga mortal." Sumingit iyong lalaki na nakita niya sa mall. "Nakita ko siya pero di niya tayo matandaan."

"Alam mo ba kung anong nangyari sa'yo hija?"

"Ang alam ko lang po may nakapulot po sa akin sa daan. Tinulungan niya po ako para makarecover kahit na wala akong maalala."

"Maaari ko bang malaman kung sino iyon?" Sasabihin niya ba? Baka mapahamak si Marcus. "Maaari din siyang mag-aral dito. Gusto namin siyang pasalamatan."

Ang isiping makakasama niya si Marcus ay lubusang nagpasaya sa kaniya, hindi na niya naisip ang iba pang maaaring mangyari. Siguro magagawan ng mga ito ng paraan kahit bawal.

"Susubukan ko po siyang kausapin."

Ngumiti ang mga ito.

"Flint ihatid mo na siya sa dormitory niya, andoon na ang kaniyang fairy guardian."

"Masusunod po Master Cervanius." Yumuko ito na ginaya niya bago sila nagpaalam.

ariathatsme

While you're reading this I just want to plug my story Magus Academy. I'll put the link on the comment section. Enjoy!!

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now