Chapter 9: Spy

23.7K 547 15
                                    

Nakauwi na sila't lahat pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaki. Nacurious din siya kung bakit siya tinawag nitong Zafira at kung sino iyon. Baka kasi may kakambal pala siya o baka kung sino man iyon na malapit sa kaniya. Pabagsak siyang umupo sa sofa samantalang si Marcus naman ay dumiretso sa kusina para maghanda ng kakainin nila. Hindi kasi siya marunong magluto kaya ito ang madalas kumilos sa kusina.

Nang matagalan dito ay naisip niyang sumunod. Nakita niya itong magiliw na nagluluto habang nakatalikod sa direksyon niya. Niyakap niya ito mula sa likod, mukha kasing nagtatampo ito kanina kaya naisip niyang maglambing na lang.

"Marcus?"

"Hmm?" Hindi siya nilingon nito at patuloy lang sa ginagawa.

Naalala niya tuloy yung lalaki kanina, baka kasi kilala iyon ni Marcus. Kasi kung tama ang naaalala kamukha daw niya iyong Zafira. Hindi kaya may kapatid siya o kambal?

"Kilala mo ba ung lalaki kanina?" Inosenteng tanong niya.

"Hindi." Maikling tugon nito. 

Galit ba talaga ito? Pero wala naman siyang ginawang masama ah.

"Sure ka ba?"

"Oo naman. Bakit?"

Hinigpitan niya na lang ang yakap dito, mukha kasi talagang galit ito.

"Wala lang nacurious lang ako kasi ang weird noong lalaki na tinawag pa akong Zafira."

Nacurious siya dahil pakiramdam niya pamilyar iyong lalaki at pamilyar din ang pangalang Zafira. Parang naririnig na niya iyon noon pa.

"Wag mo nang intindihin yun." Kinalas nito ang yakap niya para kunin ang manok malapit sa lababo.

"Nacucurious lang kasi ako kasi sabi niya kamukha ko yun kaya baka...."

"b-baka?" Parang kinakabahan tanong nito, pasimpleng inilapag ang manok kasama ng ibang sangkap.

"Baka may kakambal ako."

Napabuntung-hininga ito bago lumapit sa kaniya. "Wala kang kakambal, okay?" Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi. "Wala kaya hintayin na lang natin na maka-alala ka."

"Okay." Pagsuko niya. Mukhang ayaw din nitong pag-usapan ang nangyari kanina. "Nood lang ako. Tawagin mo na lang ako kapag kakain na."

Bumalik siya sa sala, saktong paboritong palabas niya na iyon. Bida doon ang sikat na artista na si Aiden Fairo.

*Flashback*

Ilang linggo na ang nakararaan ng magising siya sa isang di pamilyar na silid. Hindi sa ospital kundi sa normal na silid sa isang bahay, ngunit may kagamitan doon ng pareho sa mga ospital. Isang lalaki ang nakaupo sa gilid ng kama niya, nakaubob ang ulo nito. Marahan niyang hinaplos iyon. Naalimpungatan ito ngunit nakapagtataka na sinalubong siya nito ng ngiti.

"Hi!" Anito. Naguguluhan man dahi hindi pamilyar ang lalaki, tumugon pa rin siya sa bati nito, "Hello! Sino ka?"

Lumungkot ang mukha nito. "Hindi mo ko maalala?"

"I'm sorry but I don't know you. Sino ka?"

"Ako si Marcus dela Vega, boyfriend mo"

Boyfriend niya? Kailan pa siya nagkaboyfriend? Una sa lahat sino ba siya? Bakit kahit pangalan niya ay hindi niya maalala.

"B-boyfriend k-ko?" Naguguluhang tanong niya.

Tumango ang lalaki. "Thea naman, hindi mo ba ako matandaan?" Umiling siya, "Pasensiya na pero hindi." Hindi talaga ito pamilyar sa kaniya.

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now