Chapter 14: Coronation

15K 499 12
                                    

Masayang pinagmamasdan ni Megan ang mga taong abala sa palasyo dahil ilang oras na lang ay kokoronahan na siya. Ngayon nga'y inaayusan na siya ng mga taga-silbi sa palasyo. Natutuwa siya sa natatanggap na atensyon at hindi man lang napapansin ng mga ito na hindi siya ang totoong prinsesa.

Alas diyes na ng gabi at tanaw niya mula sa kaniyang silid sa palasyo ang unti-unting pagdating ng mga nilalang ng Elemental World. Nakasuot ang bawat isa ng magagarang kasuotan.

Maya-maya nagulat siya ng may marinig na boses, ma-isa lang kasi siya sa kwarto.

"Huwag kang maging panatag Megan." Sabi ng isang malalim na boses. Agad niyang nakilala ang may ari ng boses.

"Anong ibig mong sabihin aking pinuno?"

"Papunta na dito ang Prinsesa."

"Ano?! Hindi maaari!" Bulalas ni Megan. Itinago niya ito sa malayong lugar na hindi mapupuntahan ng sinumang wizard kaya napakaimposible ng sinasabi ng kaniyang pinuno. "Paano iyon nangyari?!"

"Maghanda ka na lang." Hindi na siya nakapagtanong pa dahil bigla na lang itong nawala.

Nag-alala bigla si Megan pero hindi siya nagpagambala. Alam niyang kaya niya si Zafira at mauuto niya ang mga wizard.

NAGKATINGINAN SI ISABELLA at Master Haurvat dahil sa binanggit ni Zafira.

"Zafira? Di mo ba kami naaalala?" Paninigurado pa ni Isabella, baka bagong gising lang si Zafira kaya ganito ang asta sa kanila.

"Huh? Sino ba kayo? At tsaka nasaan ako?" Luminga linga ito sa paligid, punong puno ng kaguluhan ang mukha.

"Master Haurvat ano pong nangyari sa kanya?" Nag-aalala niyang tanong.

"Maaaring binura nila ang alaala niya, hija." Tumayo ito at nagpaalam na may kukunin lang. Hinayaan niya ang matanda.

Patuloy lang ang pagtatanong ni Zafira kung nasaan siya pero hindi na lang niya pinansin ito dahi hindi niya rin naman alam kung anong sasabihin dito.

Naisipan niyang sumunod na lang kay Master Haurvat at panoorin ito sa ginagawa.

"Ano po ang ginagawa niyo?" Usisa niya sa matanda.

"Isa itong potion para maibalik ang alaala ng prinsesa."

Patuloy niya lang pinagmasdan ang paghahalo nito ng mga sangkap. Mabuti nga at mukhang kumpleto ito sa sangkap dahil punong puno ng kung ano ano ang silid na kinaroroonan nila.

Bumibigkas ito ng spell habang ginagawa ang potion.

"Sublata O initio memoria, Scito venire nobiscum revertere" 'Oh memory that has been removed from her mind. Come back, come back and let her remember us'

Nang matapos ay iniligay nito iyon sa isang baso, pagkatapos ay lumabas sila ng silid.

Agad na inalok iyon ni Master Haurvat kay Zafira. "Inumin mo ito."

"Ano? Bakit ko naman iinumin yan? Malay ko ba kung may lason pala yan." Pagmamatigas ni Zafira.

Naisipan niyang sumabat na. "Prinsesa kailangan mo yan para maalala mo kami."

"Ayoko pa din. Di ko nga kayo kilala."

"O sige, ako si Isabella..." Pagpapakilala niya sa sarili. "... at siya naman si Master Haurvat. Kilala mo na kami kaya inumin mo na yan."

Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. Akala siguro ay nagbibiro lang siya.

"Nasaan ba kasi ako?!" Pagmamaktol nito.

"Kung gusto mo malaman kung nasaan ka inumin mo 'to." Mahina ngunit ma-awtoridad na sabi ni Master Haurvat.

Agad na tumahimik si Zafira. Natatakot na inabot ang hawak ni Master Haurvat. Ininom ng dalaga ang potion pagkatapos ay nawalan ng malay.

"Master Haurvat ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Isabella.

"Huwag kang mag-alala epekto yan ng ininom niya."Pagpapakalma ng matanda. "Maya-maya ay gigising din siya at maaalala niya na tayo."

Tumango na lamang siya. Pagkalipas ng ilang minuto ay naalimpungatan si Zafira. Agad niya itong dinaluhan.

Zafira blinked twice while looking at her, "Isabella?"

"Naaalala mo na ko!!" Dahil sa tuwa ay nayakap niya pa ito samantalang puno ng kaguluhan ang isip ng dalaga.

Nasa ganoong tagpo sila ng magsalita si Master Haurvat. "Mamaya na ang kasiyahan niyo kailangan na muna natin pumunta sa Palasyo para mapigilan ang impostor."

"Huh? Sinong impostor?" Nagtatakang tanong ni Zafira.

"Basta Zafira, ikukwento ko sa'yo mamaya sa daan."

Sinimulan na nila ang paglalakbay gamit ang mga dragon. Kasama niya si Zafira samantalang si Master Haurvat ay nakahiwalay sa kaniya. Hindi makapagteleport si Master Haurvat kasi masyadong nagamit ang kapangyarihan nito kanina.

Ikinwento nga ni Isabella kay Zafira ang lahat simula ng mawala ito.

"Alam mo ba Isa kung bakit ganun si Flint?" Naguguluhang tanong ni Zafira dahil kakaiba ang kinikilos ni Flint para hindi maniwala kay Isabella.

"Hindi ko nga din alam e."

Naputol ang pag-uusap nila ng magsalita si Master Haurvat. "Mga hija ihahatid ko lang kayo papunta doon at aalis na din ako"

"Bakit naman po? Hindi po ba kayo sasama sa amin?" Tanong ni Zafira.

"Hindi pa ngayon Prinsesa. Babalik din ako sa tamang panahon." Makahulugang sagot ni Master Haurvat.

Hinatid lang sila ni Master Haurvat hanggang gate ng palasyo at agad na umalis gaya ng sinabi nito.

"Zafira suotin mo ang cloak na ito." Iniabot ni Isabella sa kanya ang isang cloak para matago ang kaniyang mukha dahil sabi nga nito kanina ay may kamukha siya na nasa palasyo.

"Mahal na Prinsesa ng mga Ambroise pasok po kayo." Magalang na sabi ng kawal.

Akala ni Zafira ay makakalusot na sila ng biglang magsalita ang kawal sa tabi ng unang nagsalita.

"Saglit lang mahal na prinsesa sino po ang inyong kasama?"

"Tagapagsilbi ko." Medyo nag-aalangang sagot ni Isabella.

Napahawak siya sa kamay nito. Hindi sila maaaring mabisto.

"Pwede po ba naming makita ang kanyang mukha?" Pagpupumilit ng gwardiya.

"Hindi niyo na kailangan. Kaya aalis na kami."

Hinila siya ni Isabella palayo at wala nang nagawa ang mga kawal para pigilan sila dahil tuloy-tuloy ang pagtakbo nila.

Nasa harap sila ng pinto ng palasyo at rinig na rinig nila ang nangyayari sa loob. Walang kawal sa labas, malamang ay nasa loob ang mga ito dahil mukhang kanina pa nagsimula ang programa.

"Ang koronang ito ay ibinibigay kay Prinsesa Zafira upang maging ganap na prinsesa ng buong Wizards World" Ang boses ay nagmumula sa loob ng palasyo. Malapit na sigurong maghatinggabi.

Nagkatinginan sila ni Isabella at pwersahang binuksan ang pinto. Nakita nilang ilalagay na nito sa ulo ng pekeng siya ang korona at kapag nangyari iyon ay magiging huli na ang lahat.

"Ikaw Prinsesa Zafira ay kinokoronahan bilang prinsesa ng ---"

"Saglit!"

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now