Chapter 18: Goddesses

13.7K 402 14
                                    

Kinabukasan ay sabay sabay silang lahat sa hapagkainan. Kasama nila ang mga protector ni Isabella at Jennicah. Pansin niya na hindi lang basta basta ang mga ito.

Napakatahimik ng paligid. Walang nagsasalita at puro pagtama lang ng kubyertos ang maririnig.

"Anak, bakit hindi ka nagsasalita?" Nagtatakang tanong ng kaniyang ama. Karaniwan kasi ay madaldal siya tuwing kakain sila noon. Hindi pa rin kasi nawawala ang tampo niya sa kaniyang ama.

"Kumakain po ako." Walang gana niyang sabi.

"Zafira eto oh." Naglagay si Flint ng maraming karne sa pinggan niya. "Damihan mo nga yang kinakain mo pumapayat ka na." Katabi niya kasi ang binata. Hindi naman siya umangal sa ginawa nito.

"Dapat gulay ang kinakain mo." Si Aiden habang panay ang lagay ng gulay sa pinggan niya. Nasa kaliwa niya kasi ito, si Flint ang nasa kanan.

 Nasa kaliwa niya kasi ito, si Flint ang nasa kanan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tanging ang mga babae lang ang may mga protector.

Iniabot sa kaniya ni Flint ang isang slice mud pie. "Diba favorite mo yan Zafira?" Naging paborito niya nga iyon noong nasa Wizard Academy pa sila.

"Tikman mo 'tong cupcake mas masarap diyan sa mud pie." Si Aiden iyon na itinabi sa pinggan niya ang cupcake.

"Eto oh Zafira."

"Eto oh masarap"

"Eto kaya"

"Mas masarap 'to"

"Ano ba!" Natahimik ang dalawa dahil sa pagsigaw niya ngunit nagpapalitan pa rin ang mga ito ng matatalim na tingin. "Pwede ba gusto kong kumain ng tahimik."

Mabilis niyang tinapos ang pagkain. Kahit naman wala siyang gana ay hindi niya pwedeng sayangin 'yong pagkain.

"Jennicah hihintayin na lang kita sa training field." Nauna na siyang umalis kahit kumakain pa ang iba.

Hindi na siya naghintay ng matagal dahil agad na sumunod si Jennicah. Tumayo siya sa kinauupuan para maghanda ngunit agad din siyang napatigil ng makitang nakatayo lang ito at hindi kumikilos.

"Jennicah? Magsimula na tayo?"

Napansin niyang lumunok muna ito ng ilang beses bago magsalita.

"May sasabihin ako sa'yo Zafira, pero huwag ka sanang magagalit." Tumango lang siya para ituloy nito ang sasabihin. "Kung natatandaan mo noong nakulong ka sa dungeon, ako yung naglagay ng potion at book of spell sa kwarto mo. Alam kong matagal na pero sinasabi ko 'to sa'yo ngayon para humingi ng tawad. Sobrang na-guilty talaga ko no'n. Okay lang kung magagalit ka karapatan mo nam—"

Pinutol niya si Jennicah sa pagbanggit ng, "Alam ko."

Napakurap-kurap si Jennicah puno ng kaguluhan ang mukha. "Alam mo? Paano?"

"Nasabi sa akin ni Lucia tsaka noon wala kong pakialam dahil nga sa tingin ko naman ay hindi ako ang totoo niyong prinsesa. Pero ngayon—" Binitin niya ang sasabihin. Matiim niyang tinitigan si Jennicah. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito. "—hayaan mo na 'yon. Matagal ng nanagyari para ungktatin pa natin at nandito na rin naman ako. Alam ko namang nagseselos ka lang sa akin dahil sinasamahan ako ni Flint." Nakangising aniya.

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Where stories live. Discover now