Chapter 35: Leaving

8.9K 254 12
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas nung nagalit sa akin si Aiden. Isang araw na ang nakakalipas ng matapos ko ang pagsasanay ko sa pagkontrol ng kapangyarihan ko.

"Kamusta na Sapphire?" Tanong ko sa alaga kong dragon.

Andito kami ngayon sa may garden kasama ng ibang dragon. Hinhimas-himas ko pa ang balahibo ni Sapphire. Ang ganda niya talaga kumpara sa ibang dragon at kakaiba din siya.

"Ayos lang naman ako Prinsesa"

Teka, ang boses na iyon. Parang.. Parang un din ung naririnig ko sa mga nakaraang ensayo ko.

"Sapphire ikaw ba ung.. ung dragon na laging nagg-guide sa akin sa mga nakaraang pag-eensayo?" Nag-aalangang tanong ko

"Oo ako nga iyon Zaf"

"Alam kong may koneksiyon tayo pero paano ka nakakapasok sa isip ko gayong walang nakakakonekta na dragon sa isipan ng isang wizard kapag nasa loob ito ng ilusyon ng iba pang mga dragon lalo na ng mga makapangyarihàng dragon."

"Hindi ko masasagot ang mga tanong mong yan Zafira. Masyado pang maaga. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman mo kung ANO at kung SINO talaga ako."

ANO? at SINO? Ibig sabihin may dalawa ang pagkatao niya? Ang gulo. Siguro hindi ko pa ganung kakilala si Sapphire. Anong klaseng nilalang ka ba talaga Sapphire?

Magtatanong pa sana ako kay Sapphire kaya lang biglang dumating si Miriam. Naaalala niyo pa siya? Siya ung tagasilbi namin. Ung nakita ko paggising ko nung dinala ako ni Master Haurvat sa Dragon Paradise.

"Mahal na Prinsesa pinapatawag po kayo ng mahal na hari. Pag-uusapan niyo na daw po ang pag-alis niyo."

"Sige Miriam. Nasaan ba siya?"

"Nasa kwarto pa po niya. Pero tumuloy daw po kayo sa may Sikretong Silid dun daw po kayo mag-uusap."

"Sige mauna ka na." utos ko kay Miriam at walang ano-ano'y umalis na siya.

"Sapphire mauna na muna ako ha? Alam mo naman na aalis na tayo mamayang gabi." Paalam ko kay Sapphire.

~*~

Naisipan ko munang pumunta sa kwarto ni Ama bago sa Sikretong Silid. Kakatok na sana ako sa pinto kaya lang may narinig akong nag-uusap.

"Hindi mangyayari ang propesiya ama. Hindi niya papakasalan si Marcus." Sabi ng isang lalaki sa mahina ngunit galit na tinig.

Nakarinig ako ng yabag palabas ng pinto kaya agad akong nagteleport sa sikretong silid. Nagulat ako ng Makita ko sila Belle, Jennicah, Flint at.... Aiden.

"Saan ka galing Zaf? Bakit parang hinihingal ka pa?" nagtatakang tanong ni Belle.

"*Panting* D-diyan l-lang sa may garden nagmadali na kasi akong pumunta dito nung nalaman ko na pinapatawag ako ni ama." Sabi ko na medyo hinihingal. Ang totoo naman ay kinakabahan ako.

Anong ibig sabihin nung nagsalita na propesiya? At ikakasal kay Marcus?

Di ko na natapos ang pag-iisip ko ng biglang dumating si Ama kasama si Lolo. Agad naman silang nagyukuran.

Umupo naman si Master Haurvat sa dulo at tumabi sa kanya si Ama. Bali ganto ung sitting Arrangement naming

Belle    Jennicah    Aiden

LOLO

Ama

    Flint    Ako

Yeah.. Ayaw talaga ako makatabi ni Aiden.. 😭😭

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon