⚽ The Player's Book ⚽

26K 404 13
                                    

Maraming types ng exes na nageexist sa mundo.

Meron yung una, ex na friend. Sabi nila, kapag ganito it's either minahal mo talaga at mahal mo niyo pa rin and isa't isa or hindi naman talaga kayo nagmahalan.

Pangalawa, ex na hinahabol habol ka pa rin. Ito uually yung mga iniiwan. Dahil hindi niya matanggap na hindi na siya mahal, hinahabol habol niya pa rin.

Pangatlo, suicidal ex. Sana hindi ka makaencounter ng ganito pero kung meron man, mapapailing nalang ako. Ito yung mga ex na magpapakamatay o sasaktan ang mga sarili nila para lang balikan mo.

Pang-apat, buffet ex. Ito yung mga ex na binabalik-balikan. Yung tipong marrealize mong mahal mo/niya ulit tapos magkakabalikan kayo tapos hiwalay nanaman tapos balikan nanaman.

Panglima, ex with benefits. Yung tipong kating-kati sila makasama ang isa't isa pero hindi naman na kayang magstay sa isang relationship. Usually yung mga tipong bed relationship nalang.

Pang-anim, yung with child policy ex. Ito yung mag ex na may anak. Kahit na gusto mo na totally putulin ang relationship mo sa kanya, may anak kayong magcoconnect at magcoconnect sa inyong dalawa.

Pangpito at pinakahuli at malamang pinakamaraming ex na nandito, ang bitter ex. Ito yung nagaway lang nagbreak na at forever na silang galit sa isa't isa.

Sa istoryang ito, pakiramdam ko, halos lahat ng types ng ex na alam ko, naging ako.

Isa na rin akong ex ngayon. Akala ko siya na. Nadaanan ko halos lahat ng types ng exes pero sa ngayon, isa akong bitter ex. How could I forgive a person who took my everything. At yung katiting na naiwan para sa sarili ko, iniwan niyang durog. What will I even do or say to him if we see each other again?

⚽⚽⚽

Welcome readers! I hope you will like this story. Feel free to vote and comment!

And Wyatt is pronounced as 'w-a-y-a-t' :)

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now