⚽ Chapter 1 ⚽

28.2K 503 5
                                    

- Falling -

Dominique's POV

Pinunasan ko ang pawis ko bago uminom ng tubig. Kasalukuyan kaming nagppractice ng football sa field ngayon dahil may intercollegiate competition next week. Dahil kami ang reigning champion, kailangan namin magensayo dahil marami ang kakalaban sa amin.


Ako nga pala si Dominique dela Merced o Nikki, ang team captain ng women's football team ng school. Maraming umaasa sa akin ng magandang laro at siguradong panalo dapat. May cash incentives ang athletes ng school kaya dagdag iyon sa panggastos namin ni nanay. Dahil sa team captain ako, libre na rin ang tuition ko.


"Nikki, darating ang bagong players bukas at kailangang matrain na rin natin sila dahil malapit na tayo grumaduate." sabi ni Lianne na isa sa mga kateam ko.


"Oo nga Lianne. Sa wakas makakapagtapos na rin tayo."


Para sa aming players, madalas nallate kami ng graduate kaysa sa mga kabatch namin dahil pag may laro kailangan naming magtrain sa kalahati ng semester kung hindi man, buong semester pa. Para sa akin, hinahabol ko ang mga klase kung kaya pa para mas mapabilis ang pagaaral ko. Mas maaga akong magtatapos ng isang semester kaysa kay Lianne dahil sa mga special classes na pinapasukan ko.


Mas maigi na rin para makahanap na ako ng trabaho agad. Kailangan ko ng tulungan si nanay dahil matanda na rin io at wala na siyang ginawa kundi magtrabaho. Iniwan kami ng tatay ko at sumama sa babae nito dahil pinangakuan ito ng magandang buhay sa ibang bansa. Nagtatrabaho ito bilang guard sa club. Mula noon ay ang nanay ko na ang nagpalaki sa akin. Meron akong isang nakababatang kapatid. Si Dolly Anne. Pitong taon ang agwat namin ni Dolly Anne. Limang taon na ang nakararaan, natuklasan namin na may cancer of the lungs ang kapatid ko.


Ginawa namin lahat ni nanay para makakalap ng pera upang maipagamot ang kapatid ko. May mga nahihiraman pa kami at nahihingi sa mga kapitbahay namin at pati sa mga foundation ngunit kulang na kulang iyon upang mapagaling ang kapatid ko.


Namatay si Dolly Anne apat na taon na ang nakararaan. Mula noon, nagtanim ako ng galit sa ama ko. Iniisip ko na kasalanan din naman niya kung bakit nagkaganoon ang kapatid ko. Madalas sa bahay lang ang tatay namin kasama si Dolly Anne at dahil grabe manigarilyo ang tatay ko, hindi na ako magtataka bakit nagkacancer ang kapatid ko.


Hanggang ngayon ay hindi pa namin bayad ni nanay ang mga pinagkautangan namin kaya kailangan ko ring kumayod para tulungan si nanay magbayad. Awang awa na ako sa nanay ko. Gusto ko mabigyan siya ng magandang buhay. Gusto ko maramdaman niyang masayang mabuhay kahit marami ng nawala sa amin.


Nagresume na uli ang practice namin. Nararamdaman kong motivated din ang teammates ko kaya nageenjoy kami maglaro. Hinahanap ko ang papasahan ko ng bola pero nang mapansin kong papalapit na ang nagbabantay sa akin ay sinipa ko ito ng malakas hoping na baka masalo ito ng isang kateam ko.


Nang sundan namin ang pinuntahan ng bola ay mukhang papunta ito sa lalaking papalabas palang ng isang magarbong sasakyan. Huli na kahit habulin ko iyon. Gaya ng inaasahan, natamaan nga siya sa noo at natumba.


"Nikki!"


Tumakbo kami papalapit sa lalaki na pinagkukumpulan na rin. Nang makalapit kami ay tumambad sa akin ang isang gwapong lalaking nakahandusay at wala ng malay.


***

"Naku Nikki, kilala mo ba yang nadisgrasya mo?" sabi ng nurse na nagasikaso sa lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Naku Nikki, kilala mo ba yang nadisgrasya mo?" sabi ng nurse na nagasikaso sa lalaki.


"Mukha siyang student din dito Nurse Mela. Bakit po?"


"Hindi mo kilala si Wyatt Hernandez?"


Napakamot nalang ako sa ulo ko. Eh sino ba ito? Anak ng presidente ng Pilipinas? "Hindi po. Sino po ba siya?"


"Siya ang anak ng may-ari nitong school."


Napatingin ako sa lalaki na nagkakamalay na. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng magmulat ito ng mata at biglang tumingin sa gawi namin. Anak ng may-ari ng school? Kaya pala amoy at mukhang mayaman ito.


"Okay ka na ba Wyatt?" tanong ng nurse dito.


Hawak nito noo habang magkasalubong ang mga kilay. "Yeah. A little dizzy but I'm feeling better."


Ang ganda ng boses niya. Ang lamig sa pandinig. Hay masama ito.


Nahihiya akong lumapit sa kinahihigaan nito. "Uhm...sorry nga pala dun sa kanina. Hindi ko natantiya yung pupuntahan nung bola. Pasensya ka na talaga." Bakit kasi hindi ka nalang umiwas din? T . T


Tinignan ako ng magaganda niyang mata mula ulo hanggang paa. Mga mayayaman talaga...
(--.)
Bigla akong nailang sa suot ko. Medyo madumi ang uniporme ko na panglaro dahil sa alikabok. "What's your name, Miss?"


Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko? "Uhm...Nikki...dela Merced..."


Tumango ito.


Medyo napangiwi ako dahil nakakaramdam ako ng labis na takot at hiya. "Sorry talaga. May kailangan ka ba?"


"I'm good. Pakiabot nalang yung mga gamit ko."


Inabot ko ang mga damit at gamit niya dahilan para maamoy ko ang bango niya. Inantay kong tumayo siya para magpalit pero nagulat ako nang doon na niya isuot ang pantalon. Tinanggal nito ang hospital gown at isinuot ang polo shirt nito dahilan para makita ko ang perpektong katawan nito. Nagiwas ako ng tingin.


"Uhm...since wala ka naman ng kailangan pwede na ba akong umalis?" Kailangan ko ng matakasan ang lalaking ito. Nakakahiya >///<


"Wait. Ihatid mo ako sa klase ko."


Literal na napanganga ako. Nagulat ako. "Huh? A-akala ko okay ka na?"


Parang naiinis na tumingin ito sa akin. "I said I'm a little dizzy."


"Saan ba ang klase mo?" Pilit kong tinago ang inis sa mukha ko. Sige na kasalanan ko rin naman talaga.


"Sa Graduate School Building."


Ha? So nasa Graduate School na ito. Mukha kasi itong college student. Ang mga lagi ko pang nakakasalamuha sa Grad school ay mga may edad na treinta pataas. Mukhang masteral palang ang kinukuha nito pero ang layo kaya non. Nasa Teacher Education Building Clinic kami ngayon at may dadaanan pa kaming tatlong school buildings bago makarating ng Graduate School Building.


TIla nainip ata ito dahil sa hindi ko pagsagot. "Ayaw mo ba Miss...? Kasi alam mo, nadisgrasya mo ako tapos kaunting pabor lang iyon." Aba't-!


"Ah...eh...okay lang naman kaso ang layo kasi noon eh." Ngumiti ako ng pilit dito.


Napahawak ito sa batok. "Well..." bumaba ito sa pagkakasampa sa kama at isinuot ang sapatos nito bago kinuha ang satchel nito. "Kung mahilo man ako sa daan okay lang naman. May tutulong naman siguro sa akin."


Mukhang eksperto ito sa pangongonsensya. Kung di ka lang talaga anak ng may-ari! "S-sige sasamahan na kita sa building niyo."


**To be continued**

Attached is a picture of Dominique!

Well, there it is! Ang first meeting ng ating mga bida. Common man ang meeting nila, makikita naman natin kung gaano kaiba ang love story nila sa iba. Stay tuned for the next chapters guys!

Vote and Comment!

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon