⚽ Chapter 19 ⚽

11.9K 302 0
                                    

- Warm Up -

Dominique's POV

Nang makarating kami sa Medallion - Baguio Branch ay inayos na namin ang mga gamit. Nagsimula na rin ibaba ang mga supplies na dala namin para sa mga bata. Lagi kaming nagdadala ng mga sapatos, sports attire at uniforms ng mga bata lalo na kung pupunta kami sa mga eskwelahan at makaconduct ng Sports clinic.


"You do this always?" tanong ni Wyatt.


Tumango ako. "Yup."


"So you have like a foundation or something for helping children?"


"No. Hindi ko naman kailangan magtayo ng foundation or organization para makatulong. Sobra-sobra ang kinikita ko sa school at endorsements ko kaya saan ko pa gagastusin yun kundi sa mabuti di ba?"


Tinalikuran ko na ito para hanapin si Carriane.


"For a gold digger like you, you have a good heart. Parang Robin Hood."


You keep on insisting that I'm a gold digger. I don't know where you got that but I'll give you what you want. "I'm Robin Hood in a woman's body, Wyatt. Keep that in mind."


Halos buong araw kaming nag-unpack at naghanda para sa susunod na araw. Bukas pa ang pasok ng mga bata kaya bukas pa maibibigay ang mga dala naming supplies. Dumiretso kami sa lodge kung saan kami tumutuloy pag nasa Baguio kami.

Nung nasa reception room kami ay nilapitan ako ni Carriane

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nung nasa reception room kami ay nilapitan ako ni Carriane. "Ah..eh..Miss Dom...?"


"Bakit may problema ba?"


"Ah...ongoing po kasi yung renovation nung sampung rooms. May lima pong bakante. Napagkasunduan po namin na magshare nalang ng rooms. Kaso kayo ni Sir Wyatt ang magkakasama sa iisang kwarto."


"WHAT?! I thought that our arrival has been aligned with the renovation team?"


"Ah...opo Miss Dom. Kaso bigla nga po ang pagsama nila Sir Wyatt. Sinubukan ko pong magbook ng room para sa kanila pero peak season po kasi ngayon eh."


Napahilot ako sa sentido ko. Nakatingin na rin ang ibang empleyado ko.


"Bakit hindi nalang kasi tayo ang magkasama?"


"Hmm...nagkasundo na po kami ni Leto na kami ang magkasama dun sa two-bedroom suite."

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now